Chapter 4

1391 Words
Kinabukasan ay maagang gumising itong si Braxin "Huy chopipot gising na" sabi ni Braxin na nakatayo sa gilid ng natutulog na si Kliere "Ha? Gusto ko pa matulog" "Hali kana kasi, hanapin na natin yung babaeng wanted" sabi ni Braxin sabay hila kay Kliere "Hindi mo nga makikita yung babaeng yun kahit saan mo pa hanapin" sabi ni Kliere "at tsaka wag mo nga akong hinihila hila, bitawan mo ako" "Alam mo puro ka rason at reklamo, maghanap nalang kasi tayo baka makita natin tas bili tayo malaking bangka" "Sinabi ko na ngang hindi mo yun makikita kahit saan" sabi Kliere "Kasi ano..." "Oh diba puro ka reklamo" "Hindi ako nagrereklamo no? totoo naman kasi yung sinasabi ko eh" "Maingay ka na nga puro ka pa reklamo, maiwan nalang kita dito ako nalang mag isa ang maghahanap" "Teka lang may gusto lang muna ako ipakita sayo bago ka umalis" "Siguradohin mo lang na hindi mo na naman sinasayang oras ko ha" "Hindi nga basta wag ka lang maingay tatanggalin ko lang tong sombrero ko" "Alam mo, ang weird mo masyado, pag tulog naka sombrero tas ngayon gusto mo tanggalin? Wag mo sasabihing ikaw yung prinse...." Agad na tinakpan ni Kliere ang bibig ni Braxin "Sabi ko ngang wag ka maingay eh, baka may makarinig satin dito" habang dahan dahan niyang tinatanggal ang kanyang sombrero ng biglang tinanggal ni Braxin ang kamay ni Kliere na nakatakip sa kanyang bibig at lumabas ng pintoan. Hindi naituloy no Kliere ang pagtanggal ng kanyang sombrero. "Chopipot hali kana, magpagawa na tayo ng bangka ng makaalis na tayo dito" sabi ni Braxin kay Kliere na nakatalikod "Ha? Eh" "Basta hali ka na, tsaka pasensya kana sakin" "Okey" ngiting sabi ni Kliere Pumunta sila sa pagawaan ng bangka na malapit lang din sa dalamapasigan at pagkalipas ng ilang oras ay nagawa na ang kanilang bangka, medyo maliit nga lang ito pero kasya naman ang dalawang tao. Kaya agad silang naglayag patungo sa kabilang isla. "Braxin bakit ka nga pala nagmamadaling umalis sa lugar na yun?" tanong ni Kliere habang nakasakay sa bangka at kaharap si Braxin na nagsasagwan "Ayaw mo sa lugar na yun diba?" sabi ni Braxin habang nakatingin kay Kliere Napangiti nalang itong si Kliere at tinanggal ang kanyang sombrero habang nakatingin sa kabilang direksyon. Dahan dahang bumabagsak ang kanyang buhok na nakatago sa kanyang sombrero, maitim na kumikinang at mahabang buhok na may halong bango. Mas bumagay sa mukha niya ang kanyang buhok, tila ba mas lalo pa syang gumanda. "Sabihin mo Braxin, bagay ba akong maging lalake?" habang nakatingin sa kabilang direksyon "Depende sa iniisip mo" "Alam mo iniisip ko na rin to dati eh, na kung sana naging lalake lang ako katulad mo or sana naging normal nalang akong tao" Tahimik lang si Braxin habang nakatingin kay Kliere "Gusto ko rin sanang magawa yung mga bagay na gusto ko" naging emotional bigla si Kliere "Kasi yung mga gusto nyong gawin, nagagawa nyo" dagdag pa ni Kliere Kliere Thriakista - isang prinsesa sa Kaharian ng Sawat Masayahing bata itong si Kliere nuong bata pa siya (ha?) hindi nagtagal ay lumaki na si Kliere at nagdadalaga, palagi lang syang nakakulong sa palasyo. Hindi siya pinapayagang lumabas mag isa. At isang araw nuong syay labing limang taong gulang "Ama, gusto ko po lumabas ng palasyo" sabi ni Kliere sa kanyang ama "Wag, baka may mangyaring masama sayo sa labas" sagot ng kanyang ama "Sige na po ama, gusto ko lang po lumabas" "Ano ba kasing gagawin mo sa labas mahal kong Prinsesa?" "Mamamasyal lang po ama, kahit ngayon lang po ama, palagi nalang ako nakakulong dito gusto ko rin makakita ng mga bago" "Hindi naman kase sa pinagbabawalan ka naming lumabas, madami kasing mga masasamang tao sa labas, iniisip lang namin ang iyong kaligtasan lalo na at ikaw lang ang nag iisa naming pinakamamahal na Prinsesa" "Matanda na po ako mahal kong ama, kaya ko na alagaan sarili ko at tsaka mayroon po akong kapangyarihan" sabi ni Kliere sa kanyang ama habang kinokontrol ang hangin "Okey sige, basta umuwi ka ng maaga alam mo naman na masyadong mahigpit ang nanay mo sayo" "Opo mahal kong ama" Masayang masaya si Kliere na lumabas ng kaharian at nakabihis ng isang normal lang na damit, at agad siyang nagtungo sa mga lugar na hindi nya pa napupuntahan habang sinusundan siya ng isang pinagkakatiwalaang kawal ng kanyang ama. Hindi nagtagal ay umabot si Kliere sa isang lugar kung saan napakaraming tao at kadalasan puro mga bata, ang lugar na iyon pala ay lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga kabataan upang sila ay magkaroon ng kaibigan, yung iba ay nakaupo na sa gilid na may kasama na at nag uusap tas yung iba ay nasa gitna at naghahanap ng gusto nilang maging kaibigan. Napunta si Kliere sa gitna ng napakaraming bata hindi naman gaanong masikip kaya madali lang din ang pagkilos. Itinaas ni Kliere ang kanyang dalawang kamay, tumingin sa kalangitan, pinikit ang dalawang mata at sya ay ngumiti. Ngiti na sumisimbolo ng isang batang nakawala sa isang madilim na kulungan. May biglang humila sa kanya isang batang babae. "Teka teka teka" sabi ni Kliere habang nahihila "Gusto kita maging kaibigan" sabi ng batang babae na humihila sa kanya "Dun tayo sa gilid ng makapag usap tayo ng maayos" dagdag pa ng batang babae At hindi na nakapalag pa ang batang si Kliere at silay nakarating sa pinaka gilid na bahagi, umupo ang batang babae habang si Kliere ay nakatayo Ngumiti ang batang babae "Ang ganda mo naman ano pangalan mo?" Tanong ng batang babae na nakatingin kay Kliere Ngumiti din si Kliere sa batang babae "Kliere ang tunay kung pangalan" at umupo sya sa tabi ng bata "Alam mo ang ganda mo din, ano ba pangalan mo?" tanong ni Kliere sa batang babae "Ako nga pala si Merra, haha. Pasensya ka na ha bigla kitang hinila" sabi ni Merra "Ayos lang, hindi naman ako nasaktan kaya ayos lang" "Hehe, alam mo matagal na akong nagpupunta dito pero parang ngayon lang kita nakita" sabi Merra "Haha ganun ba? Sa totoo lang ito talaga ang unang beses na nakapunta ako dito eh" "Alam mo, palaging masaya dito lalo na pag may kasama ka" "Ganun ba?" malungkot na sabi ni Kliere "Oh bat parang nawalan ka ng sigla? May nasabi ba akong hindi maganda?" "Ah? Ha? Wala, may naisipan lang ako pero ayos lang ako haha" pilit na ngiti ni Kliere "Alam mo, lahat naman tayo ay may mga pinagdadaanan sa buhay kaya relax kalang, mag enjoy lang tayo, gawin natin kung atong nakakapagpasaya sa atin, yung mga gusto nating gawin ba" payo ni Merra Bumalik ang sigla ni Kliere ng marinig nya ang mga sinabi ni Merra "Gawin kung anong gusto? Oo nga no haha" tumawa si Kliere "maraming salamat sa payo mo Merra" "Walang anuman yun, magkaibigan naman tayo diba?" "Pasensya kana Merra ha wala talaga ako mabibigay sayong regalo ngayon eh" "Ha? Ano ba ibig mo sabihin? Para san naman yung regalo?" takang tanong ni Merra "Para ano... ba yung parang ano... yung... pag gusto mo makipagkaibigan nagbibigay ka ng regalo bilang pasasalamat tsaka pagmamahal ganun ba yun? Hindi ko din sigurodo eh, pasensya kana talaga wala akong maibigay na regalo" "Pftt, hahahaha, ano ba pinagsasabi mo? Hahaha alam mo ang wierd mo" sabi ni Merra habang tumatawa ng malakas kaya napatingin ang ibang mga tao/bata sa kanya "Ha? Ano naman ang weird dun?" "Ni minsan wala ka pa naging kaibigan no? Pero okey lang yan, ako nga din eh ngayon palang din ako nagkaroon ng kaibigan pero alam mo kase ang pagkakaibigan hindi nadadaan yan sa regalo regalo, pagtitiwala lang sa isa't isa ang kailangan, ganun lang ka simply" "Ganun pala yun?" Tanong ni Kliere "Oo ganun yun, hayaan mo, bigyan nalang kitang palayaw, mula ngayon tatawagin kitang Kariya, bilang tanda ng ating pagkakaibigan at syempre dapat bigyan mo din ako ng palayaw" "Teka lang mag iisip lang muna ako ng magandang palayaw para sayo" "Joke lang yun haha wag ka na mag isip jan" tumayo si Merra at iniabot niya ang kanyang kamay kay Kliere "tara mag lakad lakad naman tayo, masakit sa likod pag laging nakaupo" tinanggap naman ni Kliere ang kamay ng kanyang kaibigan na si Merra. Habang sila ay naglalakad ay nag kwentohan sila sabay tawa, parang matagal na silang magkakilala kung iisipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD