Nagtataka si Winona kung bakit hindi pumasok si Lawrence kinabukasan.
"Siguro may importante business appointment kaya di nakapasok" bulong ni Winona sa sarili.
Lingid sa kanyang kaalaman. Sinadyang hind pumasok ni Lawrence upang makausap nya si Wanda. Fifteen minutes bago ang takdang oras ng out ni Wanda sa trabaho ay naghihintay na sa kanya si Lawrence sa lobby ng building ng opisina nito. Dahil sa kagwapuhan nj Lawrence, maraming babae ang napapalingon sa kanya.
"Ang gwapo,bago ba sya dito sa building natin" wika ng isang babae na dumaan sa harap ni Lawrence
"Ang swerte naman ng girlfriend nyan, ang agap sumundo. May date ata" wika naman ng isa pang babae
"Sir, may hinihintay po ba kayo? Artista po ba kayo?" tanong naman kay Lawrence ng guard sa lobby ng building
"Masyado kang mabiro aba. Hindi ako artista" natatawang tugon ni Lawrence. "Hinihintay ko lang si Miss Wanda"
"Ah si Miss Wanda, 5 minutes na lang sir, lalabas na po yun" tugon ng guard
"Salamat, maghihintay na lang ako sa sasakyan"
Ilang saglit pa'y lumabas na ng building si Wanda
"Miss Wanda may poging mukhang artistang naghihintay sa inyo dun o" wika ng guard kay Wanda sabay turo sa Red Ferrari na nakapark sa may di kalayuan sa building.
"Oh my God, tama ba ang nakikita ko? Si Lawrence? ... Si Lawrence nga? Thank you guard" wika ni Wanda sa guard habang nakatingin ito na kinaroroonan ni Lawrence. Saktong naman tumingin ang bjnata at kumaway ito sa kanya.
"Ang swerte nyo naman Miss Wanda, ang pogi ng boyfriend nyo, mukhang mayaman pa" pahabol na wika na guard
"Di ko boyfriend yan, boyfriend yan ng best friend ko, magiging boyfriend pa lang pala".
At naglakad na si Wanda palapit kay Lawrence.
"Lawrence, di ba may klase kayo ni Winona? Bakit andito ka? Agad na tanong nito sa binata
" Hindi ako pumasok, ang dami kong appointments ngayon. Isa pa, gusto kitang makausap without Winona around"-Lawrence
Kinabahan si Wanda sa huling sinabi ni Lawrence "what about, may problema ba? pero Lawrence kailangan ko munang sunduin si Winona, hindi yun marunong may commute, hindi ko sya pwedeng pabayaang umuwing mag-isa" wika ni Wanda
"Yun din nga ang inaalala ko, ganito na lang, pagkahatid mo sa kanya sa bahay nyo, let's meet somewhere.. Better siguro sa steakhouse ko na lang, may private office ako doon, we can talk, but please do not tell Winona na mag-uusap tayo, ayaw kong mag-isip sya ng kung ano" - bilin nj Lawrence
"Mabuti pa nga, cge magkita tayo mamaya. Baka naghihintay na si Winona, I need to go" tugon ni Wanda at lumakad na ito patungo sa kanya kotse.
Pagkahatid kay Winona, agad itong nagpaalam sa kaibigan
"Bestie, may meeting pa ako sa labas, i have to go, mag-iingat ka ha, wag magpapapasok ng kahit sino. Tatawag ako kapag pauwi na ako" bilin ni Wanda sa kanyang bestfriend.
"Don't worry about me bestie. I'll be fine. - Winona
Habang nagdadrive ng kotse si Wanda papunta sa steakhouse ni Lawrence , iniisip nya kung bakit sya gustong makausap ng binata, at kung bakit gusto nito ay hindi kasama si Winona.
" Impossible naman na sa akin sya may gusto at magtatapat na sya, oh my God, impossible,... Pwede rin naman na magpapatulong sya na manligaw kay Winona kaya gusto nya. Ako lang muna ang kausapin nya" monolog ni Wanda habang nagmamaneho.
Malapit lang ang steakhouse sa bahay na nabili ni Wanda sa Elizabeth Bay, kaya ilang minuto lang at nakarating na sya sa Kingsley's Steakhouse. Maraming customers na kumakain pagpasok nya sa loob. Agad nyang tinanong ang isang crew
"Miss, may meeting ako with Lawrence Montréal, my name ia Wanda"
"This way, Mam, hinihintay nga po nya kayo" at inihatid sya ng crew sa private office ni Lawrence sa Mezzanine ng Steakhouse.
Napakaganda ng loob ng opisina ni Lawrence. Maayos at malinis ang mga kagamitan at halatang lahat ng gamit at mamahalin, magmula sa tables and office chairs, carpet, at kung anu-ano pang decorative accessories na pang office.
"Have a seat Wanda"
"Ang ganda ng office mo Lawrence, pang rich kid ah" - Wanda
"Hindi naman, gusto ko lang talaga, maayos at malinis ang mga gamit ko"
"Anong pag-uusapan natin Lawrence, alam mo bang kanina pa kung anu-anong pumapasok sa utak ko" wika ni Wanda
"Ahahaha, sorry. I didn't mean to bother you" paghingi ng paumanhin ng binata
"Pwede mo ba akong tulungan kay Winona"
Nanlaki ang mata ni Wanda sa marinig, pero labis nyang ikinatuwa
"What do you mean, tulungan? Tulungang manligaw? My God Lawrence, yang gwapo mo yang hindi mo na kailangang magpatulong" maingay ngunit masayang wika ni Wanda
"Para kasing hindi nya ako gusto, one time na nag-usap kami.. Tinanong ko sya kung bakit ayaw nya kay Prince Alexander at kung may gusto syang iba ang sagot lang nya" sort of, may nanliligaw bang iba sa kanya?"
"Ahahaha" malakas na tawa lang ang itinugon ni Wanda dahil alam nyang ang tinutukoy ni Winona nang sabihin nitong "sort of" ay si Lawrence, ngunit ayaw nyang manggaling sa kanya ang pag-amin. Nais ni Wanda na ang bestfriend nya mismo ang umamin kay Lawrence na gusto nya ang binata.
"Tawa ka ng tawa dyan, I really need your help Wanda.. I really like Winona at sasabog na ang dibdib ko kung hindi pa ako makakapagtapat sa kanya, this is crazy, but I falling in love deeper each day" seryoso wika ni Lawrence
"Ay grabeng, nakakakilig ha, bet naman kita para kay Winona.. Ano bang piniproblema mo, eh di yayain mong mag date, then mag tapat ka" kinikilig na sabi ni Wanda
"Pero hindi ganun kadali Wanda, she's a Princess at nakatakda syang ipakasal" - Lawrence
"Nakatakdang ipakasal, pero walang kasalang magaganap Lawrence, dahil ayaw nya kay Prince Alexander. Ayaw nyang magpakasal sa taong hindi nya mahal" - tugon ni Wanda na lalong ipinag-alala ni Lawrence.
"Yun ang problema Wanda, ako si Prince Alexander at ayaw nyang makasal sa kin" - wika ni Lawrence habang ang dalawang kamay ay napahawak sa kanyang ulo
Halos mahulog sa kinauupuan si Wanda sa narinig
"Wha-a-at? Ikaw si Prince Alexander? Paanong nangyari? Hindi makapaniwalang tanong ni Wanda...
I am Prince Alexander Ferrari, sabay kuha ng isang photo album sa sulong ng kanyang lamesa. Doon nakita ni Wanda ang mga larawan ni Lawrence na kasama ang Hari at Reyna ng Archmaps, kuha ang mga larawang iyon sa ibat-ibang okasyon sa Palacio de Archamps.
"Oh my God, I can't believe this".. Pero bakit Lawrence Montréal ang ginagamit mong pangalan?"tanong ni Wanda
" Mahirap ang buhay ng isang royalty. Madaming matang laging nakatingin. Simpleng buhay lang ang gusto ko. Besides, Sa America ako nag-aral ng College, nagkaroon ako ng girlfriend but our relationship lasted only for a month, she was a gild digger and cheated on me with a lot of other guys. Magmula noon, kapag aalis ako ng Archamps. Hindi ako nagpapakilalang Principe. Lawrence Montreal ang ginamit kong Alias but I secured legal permits para magamit ko ang pangalang Lawrence Montreal sa aming mga negosyo. Noong araw na nawala si Winona, sumama ako kina Mama at Papa sa Palacio de Montebel Endroit. I wanted to give myself a chance na makilala sya at baka sakaling magustuhan ko sya kapag nagkakilala kami. Tulad ni Winona, ayaw ko din makasal sa hindi ko gusto", salaysay ni Lawrence kay Wanda na manghang-mangha sa mga narinig.
"Pero mapaglaro ang tadhana, pinagtagpo kaming dalawa dito pa sa Australia" dagdag pa ni Lawrence
"I think, that's destiny, imagine naglayas si bestie para hindi makasal sayo and yet you are here, there must be a purpose! Wow... what a beautiful love story.. Sana mauwi sa kasalang ang lahat" wika ni Wanda na nagpalakas ng loob ni Lawrence
"what do you want me to do Lawrence? Gusto kitang tulungan,I think you deserve each other" wika ni Wanda, habang iniinom ang green mango juice na paborito nila ni Winona.
"Thank you, Wanda. Gusto kong ipagtapat kay Winona ang totoo kong pagkatao, help me how to do it. Kaibigan mo si Winona, mas kabisado mo ang ugali nya." pakiusap ni Lawrence kay Wanda
"Mag-iisip ako kung anong magandang gawin" tugon ni Wanda
"Salamat Wanda, by the way, iuwi mo itong steak para may dinner na kayo nj Winona" sabay abot ni Lawrence ng isang paperbag
"Wow, thank you Lawrence" at nagpaalam na ang dalaga.