Episode 26

467 Words
Sunday, walang pasok sila Wanda at Winona. "Bestie, ako na lang ang lalabas para mag-grocery, may short meeting din kasi ako sa may Darling Harbor, so after ng meeting derecho na ako sa grocery" wika ni Wanda kay Winona. Walang ka alam-alam si Winona na hindi totoong may meeting syang pupuntahan. Kundi makikipagkita sya kay Lawrence upang pagplanuhang mabuti ang mga gagawin nila sa pagtatapat ni Lawrence kay Winona ng totoo nyang pagkatao. "Sure bestie, tinatamad nga akong lumabas eh, ako na lang ang maglau-laundry" tugon ni Winona in "No bestie, you don't have to do that, wait for me.. Ako na ang bahala sa laundry, konti lang naman ang labahan natin" tutol ni Wanda kay Winona na gusto ng-gusto na naglalaba Nang makarating si Wanda sa private office ni Lawrence sa Kingsley's Steakhouse ay halos kasabay din nyang dumating ang dalawa pang lalaki na ayon kay Lawrence ay syang mamamahala sa Audio and Lights at Sounds. Sumunod naman na dumating ay 1 babae na medyo may edad na, ayon kay Lawrence at ito ang mamamahala sa decorations ng venue. "We have 1 week to prepare guys, kung may mga tanong kayo or kung may problem, please let me know" Mukha namang malinaw na sa lahat ang bawat assignments na naka assign sa kanila, at tinapos na nila ang meeting Tumagal ang meeting nila ng halos isang oras. Mahigpit ang bilin ni Lawrence sa bawat committee na in-charged. Gusto nyay maging perpekto ang lahat sa araw na iyon. "Wanda,the most important thing is on you. Kailangan makumbinsi mo si Winona na sumama sa iyo" wika ni Lawrence "Darating sya, don't worry, everything will turn out right" paniniguro nito kay Lawrence. Hagad nya ng kaligayahan ni Lawrence at ng kanyang bestfriend, at gagawin nya ang lahat ng makakaya nya upang, maging matagumpay ang plano nila ni Lawrence. At nagpaalam na si Wanda sa mga ka-meeting at dumerecho na ito sa grocery. Samantala sa bahay ay nakapagluto na si Winona na baked macaroni para sa snack nila ni Wanda. Habang hinihintay ang kaibigan ay naisipan nitong tawagan si yaya Anita upang kumustahin. "Nanay Anita, kumusta po?" bungad nito sa dating yaya "Mabuti at napatawag ka anak, matatapos na ang bahay mo dito sa katabi ng bahay namin. Kailan ka ba makakauwi dito sa Pilipinas.? - Anita " Wow, talaga po? May pasok pa po ako Nay, pero sa December may 2 weeks vacation po kami sa school", tugon ni Winona "Tamang-tama kung makakauwi ka sa December, dito ka na magpasko. Masaya ang pasko dito sa Pilipinas Pag-uwi mo, Isabay na natin nag blessing ng bahay mo" excited na wika ni Anita kay Winona "Cge po nay, tawag na lng po ako ulit kung matutuloy man ako o hindi, Ingat po kayo dyan.". Malambing na wika ni Winona kay Anita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD