Episode 19 FINDING THE TRUTH

1316 Words
Masayang umuwi ang magkaibigan at excited sa darating na weekend para sa kanilang swimming kasama si Lawrence. Si Winona naman ay agad pumunta sa shower room upang alisin ang prosthetics sa mukha at tuloy mag shower. Pagkalabas ni winona sa shower room, agad itong nagbihis ng pambahay. Shorts at manipis na puting t-shirt lang ang paborito nitong suotin kapag nasa bahay. Hindi na sya nagsuot ng bra, dahil wala namang ibang tao kundi sila lang dalawa ni Wanda "Bestie, bili na lang tayo ng chicken para sa dinner natin" wika ni Wanda sa bestfriend na bagong ligo. "Cge, namimiss ko na ngang mag chicken, tugon ni Winona " Sa The Char Rotisserie the best ang chicken nila, kailangang matikman mo" "Pa deliver ka na lang bestie, para di ka na lalabas" muling wika ni Winona "Need ko ding lumabas bestie, bibili ako ng detergent powder, kailangang magsalang tayo ng laundry sa washing machine, dahil paalis tayo sa weekend, hindi tayo makakapaglaba." paliwanag ni Wanda sa kaibigan "Ayaw mo pa kasing ipalaundry" para bawas na sa gawa natin "naku bestie, umiral na naman nag pagka Princesa mo, sayang ang washing machine ko, wala namang kahirap hirap ang paglalaba, pagkalagay ng mga labahin, lalabas yan, tuyo na, no need magpalaundry" "Nahihiya na kasi ako sayo bestie, dahil sa kin dumami ang labahan mo" "Naman, what are friends for, tuwing maglalaba naman ako, may pameryenda ka, kaya super happy na ako, ako nga ang dapat mahiya sayo, kasi sa palasyo nyo, wala kang gawa, eh dito nakikipag-unahan ka pang maglaba sa kin". Nakangiting wika ni Wanda at lumabas na ito ng bahay. Bago sumakay ng kotse, sumigaw ito "Bestie, lock the door at wag kang. magpapapasok ng kahit sino" "Opo, nakangiting tugon ni Winona at inilock ang pinto. Hindi na sya nilock ang gate upang hindi mahirapan si Wanda pagpapasok ng kanyang kotse. At nagtungo na sya sa laundry area, upang iready ang mga lalabhang damit.Pagkatapos ay nagtungo ito sa kusina upang gumawa ng fresh green mango juice na paborito nila ni Wanda. Nagbalat na din sya ng patatas upang isalang sa oven. Masarap na kapartner ng roasted chicken ang roasted potatoes with cheese. Bago para kay Winona ang mga ganoong gawain. Dahil sa palasyo ay maraming silang katulong. Ngunit masaya sya sa buhay nya ngayon, maliban lang sa sobrang namimiss na nya nag kanyang ama at ina. Isang saglit lang ay tumunog ang doorbell ng 3 beses. Yun ang code nila ni Wanda, kapag 3 beses pinindot ang doorbell ibig sabihin ay si Wanda ito. "Ang bilis mo bestie, wala ka pang 10 minutes ah" Nagmamadaling tumakbo si Winona palapit aa pintuan. Alam nyang maraming dala si Wanda at kailangan nya itong tulungan. Naiimagine na nya nag roasted chicken ng The Char Rotisserie na binanggit ni Wanda kanina. Excited na syang kumain. Laking gulat nya ng hindi si Wanda ang nakita pagkabukas nya ng pinto "Lawrence"! "Princess Winona, is that you?" Namutla si Winona sa matinding kaba ng maalalang wala syang suot na prosthetics. Sa sobrang nerbyos ay mukha ang natakpan nya at nawala sa isip nya na nakatshirt lang sya ng manipis at walang bra. "Bakit mo ako kilala? tanong nito sa binata na manghang-mangha sa nakitang Princesa " I've been to Montebel Endroit several times kaya kilala ko ang mukha ng princesa." mabilis na tugon ni Lawrence. Caught in the act, ika nga kaya hindi na makakatanggi si Winona kaya pinatuloy nya ang binata. "Come in, let's talk" wika ni Winona "Thank you" Naunang nagsalita si Lawrence, " i just came here to give you this" Sabay abot ni Lawrence kay Winona ng bouquet of Red Poppies, "it's from our garden in Archamps, kung bukas ko pa ibibigay sayo, baka lanta na, dala ko na yan kanina pa nasa kotse ko lang, nakalimutan kong ibigay " nakangiting wika ng binata "Ang ganda, thank you" Muling namayani ang katahimikan sa dalawa. Tila naghihintay ng paliwanag si Lawrence sa nakitang Princesa sa harapan nya, si Winona naman ay tila nakikiramdam kung tama bang magtiwala sya sa binata. "Lawrence" "Princess Winona" Halos sabay silang nagsalita at halatang pareho silang nagulat sa nangyari "Lawrence, can I trust you? Seryosong tanong ni Winona kay Lawrence "Of course", mabilis na tugon ng binata "I have a confession to make, Song Mei Lin is not real, walang nageexist na Song Mei Lin" Tumayo si Winona at nagtungo sa wash room upang kunin ang prosthetics na mukha ni Song Mei Lin "This is simply prosthetics, I'm sorry I lied. Nakatakda akong ipakasal sa lalaking hindi ko mahal at ni minsan ay hindi ko pa nakita. I don't believe in fixed marriages. Gusto ko'y ikakasal lang ako sa taong mahal ko." patuloy na pagkukwento ni Winona "This is the problem with the royals, gusto nila'y kapwa royalty ang mapapangasawa ng kanilang angkan. My parents King Amadeus and Queen Isabel ay matalik na kaibigan ng mag-asawang King Harold at Queen Leandra of Archamps, nagkasundo sila na ipakasal ako sa solong anak nila na si Prince Alexander. I hate that idea, kaya ako naglayas, at dito ako nagtatago sa bestfriend ko, kay Wanda. I had to make this disguise dahil siguradong magiging laman ng balita ang pagkawala ko" Hindi na napigilan ni Winona ang maiyak sa pagkukwento kay Lawrence na hindi nya alam ay syang tinatakasan nyang mapangasawa. Masayang masaya si Lawrence sa narinig na kwento ng dalaga. Nasabi nya sa sarili, " kung nalaman ko lang noon pa na ikaw ang mapapangasawa ko, minadali ko na sana agad ang pagpapakasal sayo" Patuloy sa pag-iyak sa Winona at sa awa ay niyakap sya ni Lawrence "I understand everything, you have nothing to worry, your secret is safe with me" Hinawakan nya ang 2 kamay ng dalaga at tiningnan nya ito derecho sa mata, "Whether you are Song Mei Lin or Princess Winona, I'm here to protect you, wag ka ng umiyak nakakapangit yan" Ramdam ni Winona ang sinceridad sa winika ng binata at lalong syang napaiyak, at tuloy yumakap dito "Thank you, Lawrence, thank you" masaya ngunit lumuluhang wika ng dalaga. Habang magkayakap ay may kakaibang init na naramdaman si Lawrence, lalo pa't dumadampi sa dibdib nya ang dibdib ng dalaga, ramdam na ramdam nya ng pagtama ng malulusog nitong dibdib sa kanyang dibdib, dahil walang bra ang dalaga. Gusto na nyang halikan ang dalaga, ngunit pinigilan nga ang sarili. Ayaw nyang samantalahin ang pagkakataon. Ilang saglit pa ay kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang dalaga at sinabi "oh, I'm sorry", tila hiyang hiya si Winona nang mapagtanto na wala pala syang bra. Ang tagal na nyang kaharap at kausap si Lawrence at niyakap pa nya ito ng wala syang suot na bra. "I'm sorry Lawrence" at nagmamadali itong tumakbo sa shower room upang kumuha ng tuwalyang itatakip sa kanyang dibdib. Pulang pula ng kanyang pisngi sa kahihiyan. Pero very gentleman naman si Lawrence at hindi nagtake advantage sa kabila ng kanyang pagyakap dito. Lalo syang humanga sa binata. "Dito ka na kumain" wika ni Winona kay Lawrence, "Darating na siguro si Wanda, matagal tagal na rin mula ng umalis sya kanina Muling tumunog ang doorbell ng 3 beses "I'm sure si bestie na yan" nakangiting binuksan ni Winona ang pinto. Laking gulat nya ng makitang nakaupo sa kanilang sofa sa sala si Lawrence "Lawrence?" At bumaling ito kay Winona "Bestie, anong ibig sabihin nito? Agad na ipinaliwanag ng dalawa ang nangyari at naintindihan naman ni Wanda. Nangakong muli ang binata kay Wanda na pananatilihing lihim ang natuklasan nyang pag di disguise ni Winona. Masayang silang kumain at lalong humanga si Lawrence kay Winona na marunong itong magluto at tumutulong din kay Wanda sa paglalaba. Sa isang princesang kagaya ni Winona ay hindi madali ang mga ganoong gawain, dahil sana'y ito na maraming katulong na nagsisilbi. Nasabi ni Lawrence sa sarili "You are admirable Winona, hindi ako nagkamali sayo, you are worthy to be my queen "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD