"Bestie, Ibinili kita ng swimsuit" sabay about kay Winona ng kulay Royal blue na swimsuit.
"Oh my God, bestie, Namiss ko ang paglalangoy. Sa palasyo halos araw-araw akong nag swimming." kita ang excitement sa mukha ni Winona, dahil napakahilig nitong magswimming.
"Good thing, alam na ni Lawrence ang totoo mong pagkatao, kaya makakapag swimming ka na" masayang wika ni Wanda
"I think, it's a blessing in disguise. Mahirap kasi ang may tinatagong lihim. Sa tingin ko naman mapagkakatiwalaan natin si Lawrence
" I think so, kaya bet na bet ko sya para sayo bestie" kung sya sana yung Principe na mapapangasawa mo, sana di ka na naglayas sa inyo" wika ni Wanda habang nagiimpake ng kanilang mga dadalhin sa beach.
Susunduin sila ni Lawrence, upang sa kotse na lang ng binata sumakay. Maaga silang ng breakfast at alas siete ang usapang nilang oras ng sundo ni Lawrence.
Sinalubong sila ni Lawrence at binuhat ang mga dala nilang bagahe at inilagay sa compartment ng sasakyan. Hindi mapigilan ni Winona ang lalong humanga sa binata. Napaka neat nito sa suot nitong white t-shirt at khaki na walking shorts. Naamoy din ni Winona ang pabango ng binata. Kilala ni Winona nag amoy na yun- Clive Christian's Imperial Majesty for Men. Kabisado nya ang amoy ng mga pabangong panlalaki damit sya ang taga ayos ng mga pabango ng kanyang Amang Hari, lalo na kung may nga bagong na dagdag sa collection nito.
Napakamahal ng pabangong iyon. Kung hindi ka isang bilyonaryo at hindi mo kakayaning makabili ng ganung klase ng pabango.
"Mukha namang mayaman si Lawrence, pero hindi naman cguro bilyonaryo" bulong ni Winona sa sarili.
Masayang nagkukwentuhan nag tatlo habang nasa byahe nagulat na lang si Wanda na makitang papasok na ng Airport ng kotse
"Hey, where are we going? May swimming pool ba sa Airport? Pabirong tanong ni Wanda.
Derecho lang sa pag drive si Lawrence at nakangiting sinabi" we're going to the airport for our flight to Queensland. Magaganda ang beaches doon. Only 2 and 1/2 hours flight from here.
Laking gulat ng dalawa, lalo na nang ilabas ni Lawrence ang kanilang plane tickets.
"Wow, we're going to Queensland " masayang wika ni Wanda "it's my dream vacation. Thank you Lawrence
" Sinuprise mo kami ha, thank you Lawrence. I heard a lot about Whitehaven Beach in Queensland, super ganda daw doon" wika ni Winona na muling suot ang prosthetics ni Song Mei Lin.
"That's where we're going" mailing tugon ni Lawrence.
"Really? Wow, thank you Lawrence, excited na ako."wika ni Winona at napapalakpak ito sa tuwa.
Sa Hamilton Island bumaba ang sinakyang nilang eroplano mula sa Sydney. Doon may nakabook ng hotel para sa kanilang tatlo.
"This day is full of surprises, Lawrence" wika ni Winona
"Of course, I made everything ready even before our flight" tugon ni Lawrence na bakas ang kasiyahan dahil kitang kita nyang masaya si Winona.
"I believe there is more, ahaha" pabirong wika ni Wanda na excited din gaya ng kaibigan.
Pagkalagay ng kanilang mga gamit sa hotel room at nagyaya si Lawrence sa restaurant sa ibaba ng hotel upang magmeryenda.
"we have to eat, bago tayo sumakay ng bangka, papunta sa Whitehaven Island, it will take us around 30 minutes to reach the Island. Baka magutom kayo, baka pumayat si Wanda" wika nito sa magkaibigan at tumawa lang si Wanda, may pagka chubby ito pero maganda.
Matapos kumain ay nagtungo na sila sa sakayan ng mga bangkang patawid sa Whitehaven Island, may inarkilang hi-speedboat si Lawrence na may kasamang driver para sa patawid nila sa isla.
Nasa bangka pa lang sila at tanaw na ang kagandahan ng dagat na tila sila'y nasa isang paraiso. Habang papalapit sa Whitehaven Island ay lalong gumaganda ang view. Panay ang picture ng magbestfriend habang nasa bangka. Hindi nila alam ay panay din ang kuha ng stolen shots ni Lawrence kay Winona.
Napakaganda ng dalaga, simple lang bihis nito. White shorts at floral sleeveless blouse. Bagamat suot ni Winona ang prosthetics ni Song Mei Lin, sa kabila noon ang nakikita nya ang higit na magandang Princesa.
Una silang ibinaba ng bangka sa Hill Inlet Lookout kung saan kitang kita nila ang kabuuhang kagandahan ng isla. Animo'y nasa paraiso sila na puro kagandahan ng kalikasan ang kanilang nakikita, beautiful beach, blue waters, white sands, dense rainforest...
"This is paradise.. thank you Lawrence for bringing us here"pasasalamat ni Winona kay Lawrence na nahuli nyang kinukunan nya ng picture.
" This is unforgettable, thank you Lawrence" wika naman ni Wanda.
Muli silang sumakay ng bangka upang tumawid na sa Whitehaven beach.
Napakaraming turista sa isla, tama lamang na nagsuot ng prosthetics si Winona at baka may makakilala sa kanya. Bahagya syang nalungkot, dahil naisip nyang hindi sya makakapag swimming kung ganun kadami ang tao. Hindi nya maaaring alisin ng kanyang disguise at baka may makakilala sa kanya.
Napakaganda ng isla, bukod sa whitesand at pinong-pinong buhangin ay kaakit-akit ang blue water na napakalinaw at
malinis.
"Ang ganda, no wonder this is named World's Most Beautiful Beach in 2021" wika ni Winona.
Magaalastres na ng hapon ng matapos nilang libutin ang kahabaan ng isla.
"Ligo na tayo, kukunti na ang tao" wika ni Wanda
"Go ahead, Lawrence, mag swimming na kayo ni Wanda, ako bahala sa gamit nyo"
"Are you sure, you're ok kung Iwan ka namin dito? tanong Ni Lawrence sa dalaga
" Oo naman, enjoy naman ako sa magandang view, para na din akong nag swimming " tugon ni Winona
Inalis lang ni Wanda ang suit nyang oversize t-shirt dahil sa loob at suot na nya ang swimsuit na red. Kahit chubby si Wanda ay magandang syang tingnan, ma ganda ang height nito, makinis at lalong lumitaw ang kaputian sa red na swimsuit.
"Mauuna na ako" paalam ni Wanda sa dalawa at nagtungo na ito sa dagat upang maglangoy.
Naghubad na rin si Lawrence ng kanyang suit na t-shirt at itinira lang ang shorts. Namangha si Winona ng makita ang 6 pack abs ni Lawrence. Napakaganda ng katawan ng binata.
"Parang ang sarap mong yakapin Lawrence" bulong ni Winona sa sarili.
Tila natigilan sya, at bumalik lang sa wisyo ng tapikin ni Lawrence ang balikat nya at nagpaalam ito upang lumangoy. Sumabay sya paglalakad kay Lawrence, palapit sa tabi ng dagat. Gusto nyang mapanood ang paglalangoy ng dalawa. Muli ang naamoy ni Winona ang mamahaling pabango ni Lawrence. Napapikit sya at Tila. Inanamnam ang pabango ng binata. Pagmulat nya'y narinig nya lang si Lawrence na nagsabing sya maglalangoy na.
Hangang-hanga si Winona dahil napakahusay lumangoy ni Lawrence. Para itong Olympic swimmer at sa bawas kumpas ng kanyang mga braso sa alon at lalong lumalabas ang maganda nitong pangangatawan
"Hayz, kung ikaw na lang sana yung Principe ng Archamps, sana'y hindi na ako naglayas. Sana'y nagpakasal na ako sayo" napabuntong hininga si Winona.
"May girlfriend ka ba? Bakit very close ka sa min ni Wanda? May gusto ka ba sa kin? Or kay Wanda? Bakit di ka nagsasabi? Pwede mo na akong ligawan Lawrence, dahil alam mo na ang totoo mong pagkatao" wika ni Winona sa sarili habang pinapanood si Lawrence na patuloy na naglalangoy.
Ala-sais na ng gabi ng makabalik sila sa Hamilton Hotel, kung saan sila naka check-in. Dalawang kwarto ang kinuha ni Lawrence ang isa ay para kay Winona at kay Wanda, ang isa naman solo nya. Pero connecting room ang mg ito. Lingid sa kaalaman ni Winona ay may isa pang sorpresa si Lawrence para sa kanya.
"Magsashower lang ako, let's go down at 7 o'clock for our dinner" Paalam nito sa magkaibigan ng tumapat na ito sa pinto ng kanyang kwarto
"Kami din, we'll tidy up. See you at 7pm" wika ni Winona na nakangiti kay Lawrence
Pagpasok ng kwarto nya, gusto g magsisigaw ni Lawrence sa tuwa at ilabas ang kilig. Sobrang kinikikig sya kapag natititigan nya derecho sa mata ng dalaga, at halos matunaw naman ang puso nya kapag ngumiti ito sa kanya.
"This is crazy, Winona... I'm head over heels with you, hindi ko ma contain ang sarili ko, wag mo akong ngingitian ng ganun, sobrang nakakakilig, I know I love you Winona. I swear..this is love"