Prologue

1804 Words
PROLOGUE I am no ordinary girl. Am I even a human or a demon, they say? There's something inside me and I can't control it. Am I blessed or am I cursed? I feel like I don't fit in this society, even in this world. Where do I belong? One day, I enter the world of Vlione, where magic and impossible things exist. Do I finally belong here? or My existence would just be the cause of total chaos? I am Mizuumi Morgan... At hindi ko alam kung paano akong makakatagal sa mundong ito gayong, wala naman akong kapangyarihan. *** Agad na ipinark ko ang kotse ko sa parking lot ng school namin. Nagmamadaling naglakad ako papasok sa room. Nakaupo na ako sa upuan ko, hinihingal ako bunga ng pagtakbo kanina saka ko ibinaba ang mga gamit ko. Ilalabas ko na sana ang libro ko nang mapansin kong may papel sa lamesa. Papel na may nakaguhit na isang babae, may sungay at may nakapalibot na itim sa kanya at sa likod niya ay may dalawang mata ng demonyo. Napatulala na lamang ako sa nakikita. Kagagawan na naman to ng mga bully kong kaklase, sigurado. "Maganda ba drawing ko Umi?" napaangat ako ng tingin sa taong nagsalita sa harapan ko. Si Kael, kaklase ko. Isa siya sa mga pasimuno ng pambubully sa akin dito sa school. "M-maganda naman..." sagot ko na lang, nauutal pa. "Alam mo ba kung sino yang babae?" nakangiting tanong niya ulit. "Sino?" tanong kahit alam ko naman kung sino yun. Kinakabahan na ako. "Sino pa ba? Edi ikaw! Hahahahahaha!" rinig ang tawa niya sa buong silid. Kahit ang mga iba kong kaklase ay nakitawa sa kanya. "Huwag ka namang ganyan kay Umi. Mukha ba siyang demonyo? Hahahahaha!" lumapit si Ralph kay Kael, inakbayan niya ito. Isa siya sa mga kaklase ko na nambubully din sa akin. Magbest friend sila, obviously. "Kung hindi siya demonyo, eh ano lang? Alagad ng demonyo? Mangkukulam?" Muli, nagtawanan ang lahat. "Hindi ako demonyo! Hindi ako mangkukulam!" sigaw ko. Hindi ko namalayang napatayo na pala ako sa galit. Maging ang hawak kong papel ay punit na. Hindi ko alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob para sagutin sila pero... Bahala na! "Demonyo ka..." "Hindi ako demonyo sabi!" sa isang iglap lang ay hawak ko na ang leeg ni Kael. Si Ralph ay nanlalaki ang mata habang umaatras. "Isa pang banggit mo ng salitang demonyo, papatayin kita." hindi ko alam kung paano ko nasabi yun, bastat lumabas na lang sa bibig ko ang mga salitang yun. Ni sarili kong boses, hindi ko makilala. "Bitawan mo siya!" sigaw ni Ralph nang makalapit sa amin. Sinusubukan niyang tanggalin ang kamay ko sa pagkakasakal kay Kael pero hindi ito nagtagumpay. "Huwag kang makikialam dito kung ayaw mong pati ikaw patayin ko!" hinawa ko siya. Hindi naman iyon malakas pero tumilapon ito papunta sa may pintuan. Lahat ng tao dito ay napasinghap, ang iba ay sumisigaw. Bakas ang takot sa kanilang mga mukha. Nagpupumiglas ang lalaking hawak ko, pinipilit na tanggalin ang kamay ko na nakasakal sa kanya. "U-umi..." May naramdaman akong hindi ko maipaliwanag. Para bang nagising ako sa isang mahabang pagkakatulog. Napansin kong may hawak pala ako at nabitawan ko ito. To my surprise, it's Kael. Napaupo siya sa sahig habang hawak hawak ang kanyang leeg. Paanong nangyari yun? May nangyari ba? "D-demonyo ka." nilingon ko ang nagsalitang babae na dinaluhan si Ralph sa may pintuan. Nakasandal ito sa may pader at may dugo ang kanyang ulo. Sa pagkakaalala ko magkaakbay pa lang silang dalawa kanina ni Kael diba? Anong nangyari? T-teka... Ako ba ang may gawa nito? Napatulala na lamang ako sa mga kamay ko. Maya maya pa ay may naramdaman akong tumatama sa iba't ibang parte ng katawan ko. Binabato na pala nila ako ng kung anu ano. Hindi ko iyon ininda hanggang sa may tumamang libro sa ulo ko, napadaing ako sa sakit. "Demonyo ka!" What have I done this time? Bakit wala akong maalala? "Get lost! Witch!" "Mamatay ka na demonyo ka!" Hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko at tuluyan nang nagsibagsakan. Kinuha ko na ang mga gamit ko at patakbong lumabas ng silid. Ang dumi na ng suot kong uniporme na kulay puti. Kahit ang ulo ko, ang lagkit na. May mga nabunggo pa ako sa hallway pero hindi ko na lang pinansin. Nakarating ako agad sa parking lot. Hinanap ko ang kotse ko. Nang makita ko ito ay dali dali kong binuksan. I start the car's engine saka pinaharurot ito. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko habang ang isang kamay ay nasa manibela. Para akong batang inagawan ng laruan dahil sa paghagulgol ko. I want to go home! ... Ilang linggo na ang lumipas matapos ang nangyaring iyon at simula rin non, hindi na ako pumasok. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang lahat ng yun dahil wala naman akong maalala. Nasa swimming pool ako ng bahay namin ngayon. Nakalubog ang dalawang paa ko sa tubig at pinapaypay ito. Gusto kong magpunta sa dagat. Kailangan ko ng alon. Hearing the sound of the waves is the only that makes me feel at ease and calm. "Happy birthday to you! Happy birthday to you!~" nagulat ako sa pagkantang iyon ni Yaya kaya agad akong napalingon sa kanya. Ano bang date ngayon? July... 10? Pati birthday ko nakalimutan ko sa sobrang dami kong iniisip. I really appreciate Yaya's existence. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala siya. "Yaya!" niyakap ko siya. Hindi ko napigilang umiyak. Buti pa siya naalala niya. Wala na akong mga magulang. We were once involved in a plane crash tragedy that happened sixteen years ago. I was still two years old that time. Ang kwento sa akin ni Yaya, may mga nakasurvive sa aksidenteng iyon, at isa na ako don. Pero ang pamilya ko hindi nakaligtas. Mommy at Daddy ko pati ang kambal ko ang kasamang namatay. Ni hindi ko nga maalala ang mga mukha nila and we don't have any pictures or mga picture man lang nila na nakatago sa akin. Only me and my twin brother's na nasa wallet ko. Hindi naman kasi ito talaga ang originally na bahay namin, this is our second house at ang bahay namin talaga is nasunog bago daw nangyari ang trahedya. Minsan, iniisip ko na sana kasama na lang ako sa mga namatay at hindi na nabuhay pa kasi ngayon, I'm suffering big time and it kills me. Si Yaya na lang tanging ang meron ako. Simula nang nawala sila, siya na ang nagsilbing Mommy at Daddy ko. Am I blessed or am I cursed? "Happy birthday anak! Wish ka na dali." pagkasabi niya non ay pumikit na ako at agad ring dumilat. Hinipan ko ang kandilang may apoy. I just wish to have a genuine happiness. Kelan nga ba ako sumaya? I think I never really experienced being happy. Or do I even know what that word means? "Ya... Ayoko na mag aral." diretsong sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng cake. Kinuha ko ang juice ko saka ininom ito. Yan ang tanging bumabagabag sa pag iisip ko nitong mga nakaraang araw. Bagay na tanging gumugulo sa isipan ko. Pag nag aral pa ako, magkakagulo na naman. "Bakit naman anak? Sayang naman ang talino mo. Saka kung pera ang iniisip mo, marami pa naman tayo dito." "H-hindi yun Ya." "Kung ang mga nambubully sayo ang iniintindi mo, ako ang bahala—" "—No. Ayokong madamay ka. Kasalanan ko to lahat. I'm so weak kaya nabubully ako. I can't fight kasi duwag ako. At kung kaya ko man, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa kanila sa susunod. Saka Yaya, parang hindi ko nakocontrol ang sarili ko kapag nagagalit ako. Wala akong naaalalang nangyari. Kaya Yaya please... Ayoko nang mabully. Ayoko ng maramdaman lahat ng yun! Please..." pagmamakaawa ko. May namumuo na namang mga luha sa mata ko pero pinipigilan ko iyong umagos. Tinitigan lang ako sandali ni Yaya. Galit ba siya? Hindi niya ako papayagan? Nakita kong nagbuntong hininga siya at saka pumasok ng mansyon. Sumenyas siya sa akin na hintayin ko daw siya kaya yun ang ginawa ko. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na siya. May dala dalang kahon. "Binilin sa akin to ng Daddy mo nung buhay pa siya. Ang sabi niya, ibigay ko daw to sayo kapag nag 18 ka na." aniya habang inaabot ang kahon. Walang pagdadalawang isip na kinuha ko iyon. "Ano 'to?" "Buksan mo." Binuksan ko ang kahon. Kinalkal ko ito hanggang sa may mga nakita akong kung anu ano. Ang unang nakakuha ng pansin ko ay ang maliit na box. "Necklace..." usal ko. It has a moon pendant on it. Habang naghahanap pa ako sa kahon ay isinuot na sa akin ni Yaya ang kwintas. May mga nakuha pa akong kung anu ano and the last thing that got my attention is a paper. A map, specifically. "Lignesium Academy?" basa ko sa nakasulat sa pinakagitna. Yun lang din kasi ang may nakalagay na malalaking letra and readable. "Parang narinig ko na yan ah." nag isip siya sandali. "Naalala ko na! Ang sabi ng Daddy mo sa akin, diyan daw siya nag aral dati." nginitian niya ako, may kahulugan. "Eh Yaya... Basta ayoko na mag aral. Ayoko ng masaktan. Gusto ko lang naman sumaya." "Wala namang masama kung susubukan mo diba? Anong malay natin? Mababait pala ang mga tao diyan." "Pero ya..." "Hindi ka magiging tunay na masaya kung nakakulong ka lang dito. Magiging masaya ka kapag malaya ka na at nakahanap ka na ng magiging totoo mong kaibigan. Yung mamahalin ka at poprotektahan ka. At kapag nahanap mo na sila, yun na rin ang makakapagpasaya sa akin. Nagbabakasali lang naman ako na baka magbago ang isip mo. Hindi na kita pipitilitin pa Umi kung ayaw mo talaga." mahabang sabi niya. Isang nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. Pinagisipan ko rin lahat ng mga sinabi ni Yaya at sumang ayon na tama nga siya. Paano ako sasaya kung dito lang ako nakakulong? Paano matutupad ang wish ko? Aalis na sana si Yaya pero pinigilan ko siya. Ang lungkot kasi ng mukha niya, hindi ako sanay. "S-sige ya. Susubukan ko." "Talaga?" kuminang ang mata niya sa tuwa. "Naku aayusin ko na ang mga gamit mo para makaalis ka na." "Yaya parang pinapalayas mo na ako eh." "Ay naku anak hindi! Excited lang ako para sayo." halata nga. Mas excited pa yata siya sa akin. "Ihahanda ko na ang nga gamit mo ha, nang makaalis ka na bukas." And in just a blink, wala na sa paningin ko si Yaya. Ako lang ba? Feeling ko dinidispatya ako sa lalong madaling panahon ni Yaya. Akalain mo bukas agad? Ano kayang klaseng iskwelahan ang Lignesium Academy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD