Chapter 1: Official Legend

3391 Words
Chapter 1: Official Legend "Mag ingat ka ha! Babye!" paalam ni Yaya, while waving her hands. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Yaya at lahat yata ng gamit ko nandito. Feeling ko talaga pinapalayas na niya ako. Biruin mo, tatlo tatlong maleta ang ipinadala sa akin. Sabi niya kasi dormitory school daw ang Laygchuchu kaya heto ako, para akong naglayas dahil sa dami at malalaki kong dala. Makalipas ang tatlong oras na pagmamaneho, hindi ko alam kung saang dimensyon na ako ng mundo napadpad. Nung tiningnan ko naman ang mapa, sinasabi nito na malapit na ako sa destinasyon ko. Wala kasi akong ibang makita ngayon kundi daan lang. Nasa highway nga yata ako e. 4 pm na at papalubog na rin ang araw. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko ng kotse dahil wala naman yatang hangganan tong daan na 'to. "s**t! Paanong..." napamura na lang ako. Nagulat ako dahil bangin na pala ang dulo ng kalsada. "No way..." usal ko ulit. Lalo lamang akong nagpanic dahil hindi gumagana ang preno ng kotse ko. Konti na lang mahuhulog na ako. No, I can't die yet! Not this way! Lord help me! "Waaaah! Yaya!" ... "Iha! Iha anak gising!" tawag ng isang matandang lalaki sa panaginip ko. Nagising ako dahil sa pag alog na ginagawa sa akin ng kung sino man. Galing ako sa pagkakahiga sa... Lupa? Bumangon ako at tiningnan ang suot kong damit. Napahawak ako sa mukha ko, sa katawan ko. Hindi naman ito lasog lasog at wala akong bali. Wala rin akong nararamdamang sakit. Kahit mga maleta ko nandito pa. All safe! I'm alive! "Buhay pa ako! Waaaah! Thank you Lord!" sigaw ko, mangiyak ngiyak pa. Napa sign of the cross din ako ng 'di oras. Pero teka paanong nabuhay pa ako? Yung kotse ko nasaan? Mga maleta ko nandito pero kotse ko wala? Sino 'yung matandang lalaking gumigising sa akin kanina? Si Lord? "Hoy ineng!" "Ay Lord!" nanlaki ang mata ko sa matandang nasa harapan ko ngayon. So, hindi pala si Lord 'to? "Ineng! Itigil mo 'yan, para kang tanga." bigla naman akong nahiya sa sinabi ni Lolo. Ang harsh... "Umalis ka na hangga't hindi pa lumulubog ang araw. Delikado sa gubat na ito kapag naabutan ka ng gabi dito." Delikado? May mga mababangis na hayop sigurong nagkalat sa gubat. Kailangan ko nang makaalis dito ngayon din! "Ah Lolo. Anong lugar po ito?" lakas loob na tanong ko nang papaalis na siya. Medyo nakakatakot kasi siya. Huminto ito sa paglalakad. Ilang sandali pa bago ito sumagot. "Havenry..." he plainly responded. Ano raw? Havenry? Ngayon ko lang yata narinig ang lugar na 'yun. Paano pala makakalabas sa gubat na 'to? Nagtanong na rin naman ako, bat hindi ko pa lubusin 'diba? "Lolo saan po yung daan palabas? Hehe..." medyo nahiya pa ako. "Diretsuhin mo lang 'yan at makakalabas ka na!" sigaw nito habang naglalakad palayo. "Salamat po Lolo!" sigaw ko pabalik. Pinagpupulot ko ang mga maleta ko. "Ang bigat! Lintik! Yaya naman kasi bakit ang dami mong pinadala?" nang nakaya ko na itong bitbitin ay nagsimula na akong maglakad. "I'm coming Ligchuchu we go!" Isang minuto lang yata akong naglakad bago ko tuluyang narating ang labas ng guba— Naputol ang sasabihin ko dahil sa ganda na nakikita ko ngayon. "Wow... Nasan ako? What are these? Buhay pa ba talaga ako? O baka naman nasa langit na ako?" Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Kahit mga maleta ko ay nabitawan ko dahil ang ganda ng sumalubong sa akin. May islang lumulutang, may mga fairies, may mga bagay na nagsisiliparan, there are elves and unicorns and many more. May mga normal na tao din naman na katulad ko or hindi? Ang saya nilang tingnan. Parang wala silang pinoproblema. "Is this even real?" wala sa sariling usal ko. Kung panaginip man to parang ayoko na lang magising. Ang dating nababasa ko lang sa mga libro at nasa imahinasyon ko lang, nakikita ko na ngayon. Nasa harap ko na mismo ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapantasya nang may narinig akong sigawan. Nabaling doon ang atenson ko. May mga pinalabas ang isang Ale sa bahay niya. Apat sila. Sa tingin ko mga kasing edaran ko lang. Mga magnanakaw? "Umalis na kayo dito! Nasira niyo na ang kusina namin baka wasakin niyo pa buong bahay!" sigaw ng Ale sa kanila. Hindi pala. "Pasensya na po sa abala. Sorry po talaga." paumanhin ng isang babae bago sila pagsaraduhan ng pinto nito. Ang ganda niya saka ang amo pa ng mukha niya. 'Di makabasag pinggan. Para siyang anghel. "Wala na naman tayong kinita!" "We don't need money." "Yes we do!" "Then, blame the wind!" "Why me?" asik ng isang lalaki. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo habang lumulutang ito sa ere. What the hell? "Because you're the one who ruined everything..." tumayo rin ang babae at tinapatan siya. This time, may mga baril na nakapalibot sa lalaki. I gasped with my eyes widened. Unbelievable! Kung magic man niya 'yan, napakaangas. Ang angas talaga! Hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang mga nakikita ko. Napakaimposible kasi ng lahat. Still, I don't wanna wake up yet. Things are getting exciting right now... "Hey... Easy lang kayo! Huwag na kayong magtalo. Para namang hindi pa kayo sanay sa ganitong set up." pumagitna ito sa dalawang nag aaway. Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo niya kasi, sobra. He's like an epitome of beauty. "Shiro 'wag kang makikialam dito kung ayaw mong pasabugin ko 'yang bungo mo." the girl with the guns said to him. "Leave us alone if you don't me to blow you down to hell..." sabi naman nung taong hangin, kung may ganon man. Kasi I mean, it's like he's controlling the wind, na ngayon ay nakapalibot sa kanya. Gwapo rin naman siya. So, if wind is really his magic, maybe he can make a tornado right? Ang astig! Grabe na masyado ang imagination ko. Hanggang sa panaginip ba naman... "Oh don't threaten me..." something formed in his right hand, the epitome of beauty. "I can also freeze you two to death." siya yata yung Shiro. Lalo akong namangha dahil nagkaroon ng yelo sa paanan niya at tinapatan ang dalawa niyang kasama. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o matatakot. Para akong nanonood ng fantasy movie. Are they even for real? Sa oras na ito ay biglang may namuong tensyon sa pagitan ng tatlo. May mga tao na rin sa paligid na nakikiusyoso, tila nag aabang sa mga susunod nilang gagawin. Ako naman ay hawak na ang tatlo kong maleta. Ang tatlo ay kapwa mga nakalutang sa ere. Ang tatalim ng tinginan nila sa isa't isa. Anong nangyayari? Huwag mo sabihing mag aaway sila? Magic to magic? Gun vs. Air vs. Ice? Mukhang kailangan na yata naming mag evacuate. Hindi na maganda ang kutob ko sa mga 'to. "Kapag hindi pa kayo tumigil diyan, alam niyo na ang mangyayari sa inyo. Hindi niyo ako gugustuhing magalit." the girl angel said. Ewan ko pero nung narinig ko ang boses niya, kinilabutan ako sa tono ng pananalita niya. It was just plain pero, may something eh. Nakakapangilabot. Tumayo ang mga balahibo ko 'dun. Ngayon ko lang napansin na maayos na palang nakatayo ang tatlo. Wala ng marahas na hangin, wala ng yelo sa sahig at ang mga nakapalibot na mga baril kanina, naglaho na parang bula. Maging ang mga tapunan ng matatalim na tingin nila kanina, ngayon ay tila mga maaamong aso. Bitbit na nila ang kanya kanya nilang mga gamit. They are back to normal like, nothing happened at all. Don't tell me natakot din sila sa kanya? Sa nakikita ko ngayon, mukhang alam ko na ang sagot. Does it mean, mas malakas siya kesa sa tatlo? s**t! I wonder what magic she have... Ngayon ko lang napansin ang tattoo nito sa braso. Kaso hindi ko makita dahil malayo siya sa akin. "Bakit hindi niyo pala sinama sina Xien at Kalli?" basag katahimikan nito. Anghel na siya ulit. "Xien already predicted na ganito ang mangyayari... That's why she chose to stay in the headquarters." "Kalli's sleeping. Tatlong araw na siyang natutulog, at alam niyo naman ang mangyayari kapag ginising siya. We can't wake him up or else..." Ano raw? Tatlong araw na tulog? "Yeah right. Sana nakakatulog rin ako ng tatlong araw." "What about Four?" "He's going to meet his guardian in the Sanctuary." I can't relate. Hindi ko kasi alam sino ang mga pinag uusapan nila. Maya maya pa ay may mga narinig kaming mga mabibigat na yabag na paparating. I turned to my left to see a group of men with spears and shields on their hands. Mga may suot rin silang helmet at armor. Huminto ang mga ito sa harap mismo nung apat. "Bakit nandito ang Army ng Lignesium?" rinig kong tanong ng katabi ko. Army? Lignesium? Teka hindi ba 'yon ang school na hinahanap ko? "Nagtataka nga rin ako kung anong pinunta nila dito sa bayan. Bakit kaya?" sagot naman ng isa. Anong meron? Oras na ba para gumising na ako sa panaginip ko? "Nakarating sa amin ang balita na may mga nakapuslit sa Lignesium. May narinig rin kami sa mga tao dito may gulo raw na nagaganap sa bayan na ito at kayo ang may kagagawan." sabi ng isa sa Army na parang siya yata ang leader. Tiningnan ko ang apat na napakamot na lamang sa ulo. Ang dalawa naman ay tumingin sa malayo, kunwari ay walang naririnig. "Ipinadala kami dito ng punong tagapangalaga. Utos niya sa amin na ibalik kayo sa Lignesium buhay o patay." What? What the hell? "Galit ba siya?" tanong nung taong hangin. "Sobra." sagot niya naman dito saka humarap sa mga kasama niya. May sinenyas siya sa mga ito na agad namang nagsikilos. "Hulihin niyo na sila." Hinuli nila ang apat na hindi naman na nagpumiglas. Pinasok sila sa isang sasakyan na may parang prisinto. Magnanakaw ba sila? Kriminal? Ang gagandang nilalang naman ng mga 'to para maging kriminal. Hinanap ko ang mapa na binigay sa akin ni Yaya sa mga maleta ko. San ko na ba kasi yun nilagay? Hindi kaya nahulog? Hindi yata nakaligtas sa pagkakahulog ko sa bangin kanina. Teka... Panaginip pa rin 'to diba? Sa kalagitnaan ng pangangalkal ko ng gamit ay may marahas na humila ng braso ko. Pagtingin ko dito, ang dalawang miyembro ng Army. May kailangan ba sila sa akin? "Kung binabalak mong tumakas, hindi ka magtatagumpay." "P-po? Takas? T-teka! Bakit po? Anong ginawa ko? Anong gagawin niyo sa akin? Saan niyo ako dadalhin?!" sigaw ako ng sigaw pero hindi nila ako pinapakinggan. Kinaladkad nila ako at pinasok sa parang presinto nang wala man lang pagdadalawang isip. Kasunod na pinasok nila ang mga gamit ko. "Waaaah! Bakit niyo ba ako hinuli? Hindi naman ako kriminal! Mas lalong wala naman akong ginawang karumal dumal na krimen! Palabasin niyo dito utang na loob!" gusto ko ng maiyak. Ano bang ginawa ko? Saan nila ako dadalhin? Paano kung papatayin pala nila ako? Hindi ko na yata gusto tong nangyayari na ito. Kailangan ko ng gumising! Hindi na 'to panaginip... Bangungot na to eh! Wake up me! Malakas na sinampal ko ang magkabilang pisngi ko. Napapikit ako sa lakas ng impact. I felt that... So ano? Totoo na talaga 'to? Hindi ba ako nananaginip? "Uhm..." May narinig akong boses. Mula sa pagkakapikit ay napamulat ako. Nanlaki ang mata ko dahil sa mga taong nakikita ko ngayon. Sila 'yung apat! Nakaupo lang sila sa lapag. Ibig bang sabihin nito, hindi talaga ito panaginip? Naitakip ko na lang ang mga kamay ko sa buong mukha. Napaupo na lang din sa lapag. That was so embarassing... Bakit pa nila kailangang makita ang katangahan ko? "You okay?" nataranta ako nang magtanong yung gwapong yelo. Kinakabahan ako... Hindi ako makasagot. Hindi rin ako makatingin ng diretso. Hiyang hiya ako. Nakita nila lahat ng ginawa ko. "Cute..." narinig kong komento niya pa. Lalo lang yata akong namula dahil sa sinabi niya. "S-sorry..." tanging naiusal ko lang. Maya maya pa ay lumapit sa akin ang anghel. "You're not familiar... Sa Lignesium ka rin ba nag aaral?" she asked. "H-ha?" tanging nausal ko lang. "She don't have any rankmarks on her." Nagulat ako dahil may kamay na nakahawak sa braso ko. Napaatras ako sa gulat at kaba. Buti na lang at hindi ako napatili. "Kyaah!" sigaw nung anghel na ikinagulat ko. "Hahahahahaha! Nakalimutan niyo na yata na nandito ako?" tawa ng isang lalaki. Unti unti namang nagkaroon ng hugis ang katawan niya. Kanina pa ba siya dito? Eh bakit hindi ko naman siya nakita? "Did she just screamed kyaah?" "I think that was kind'a cute..." komento nung hangin. "We don't know you can actually scream Captain? Hahahahahaha! Hilarious!" sabi naman nung isa pang babae habang tawang tawa na nakahawak pa sa tiyan niya. "Howard, you dumbass! An you... F*ck you all!" Nagtawanan lang ng nagtawanan ang mga kasama niya. Pinagtutulungan siya ng mga ito dahil sa pagsigaw niya. Namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako. Ang saya nila tingnan. Paano kaya kung naging kaibigan ko sila? Kaso imposible 'yun. "Oh by the way... I'm Nami Kemochii." hindi ko napansin na lumapit na pala ulit ito sa akin. She stretched her arms for a handshake. Nakatitig lang ako sa kamay niya. Totoo ba 'to? Ilang sandali bago ako nakapagsalita. "M-mizuumi Morgan..." pakilala ko naman. Tinanggap ko ang kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam. Very unusual... First time ko kasi maranasan 'to. Idagdag pang siya yung kinakatakutan ng mga kasama niya. Eto na yata yung tinatawag nilang happiness. Naagaw ng atensyon ko ang tattoo niya sa braso. Ngayon, nakikita ko na siya ng malapitan. A dragon... "You don't have any rankmarks... So, that just means you're not a Legend, right?" tanong sa akin nung invisible boy. "H-ha?" Ano daw? Legend? "Wala ka namang ginawang karumal dumal na krimen hindi ba?" 'yung hangin yung nagsalita. T-teka... 'Yan 'yung... Narinig pala talaga nila lahat ng sinabi ko kanina. Damn! Nakakahiya talaga! "W-wala... I-inosente po akong tao." kinakabahang sagot ko. I heard some chuckles from them. "Tumigil nga kayo. 'Wag niyo siyang takutin." it was the Handsome Ice na nagsalita. Naglalakad ito palapit sa akin. "Mizuumi, right? Ako naman si Shiro. Shiro Davenport." aniya pagkatapos, nakipagshakehands siya sa akin. Ang lamig ng kamay niya. Ang gwapo niya pala lalo sa malapitan. Idagdag po yung nakakatunaw niyang mga tingin. His smile... Feeling ko sasabog ang puso ko. Ano ba naman tong nararamdaman ko? Waaah! Nakakabaliw na! "B-bakit nila tayo hinuli? San nila tayo dadalhin?" lakas loob na tanong ko sa kanila. "We're here!" "Lignesium Academy..." nilingon ko si Shiro. Lignesium Academy? 'Yung nakasulat sa mapa? Ibig sabihin... Nandito na ako? My Dad's school... Finally! Isa isa kaming pinalabas sa pinagkulungan sa amin kanina. Inalalayan ako ni Shiro sa pagbaba kaya nagpasalamat ako sa kanya. Ang lamig talaga ng kamay niya. Nagsialisan na rin naman agad ang mga Army. At kaming anim na lang ang natira. Akala ko naman sa kulungan ang kakahuntungan namin. I didn't expect na ihahatid pa pala nila ako sa destinasyon ko. Tiningnan ko ang gate sa may likuran ko. Ang laki! At parang gawa pa sa ginto. Labas palang yata pa rin ito ng iskwelahan dahil wala pa akong nakikitang mga classrooms. Bukod kasi sa gate na nasa likod namin, meron pang gate nasa harapan. "Lagot na naman tayo kay tanda nito." "Shhh! Shut up..." Bumukas ang malaking gate sa harapan namin. Tila nag slow motion pa. Sa 'di kalayuan, may nakita akong taong naglalakad papalapit sa aming direksyon. Masama ang tingin nito sa mga kasama ko nang tuluyan na itong nakalapit sa amin. Ilang sandali pa bago ito nagsalita. "Mga pasaway! Kaya naman pala wala akong naaamoy na mabaho dahil nagsipuslit kayo!" bungad nito. "Master naman!" "Si Shiro lang naman ang hindi naliligo sa amin eh." "Anong ako? Kahit hindi ako maligo, mabango ako! Baka si Bryson." "Dinamay mo pa talaga ang pangalan ko. Amuyin niyo kaya si Blaire. As far as I remember, taking a bath is not in her history." "Oh really?" Agad na may namuong tensyon sa paligid. Eto na naman silang tatlo. Ano 'to? Continuation? Ngayon ba nila ipagpapatuloy ang naudlot na laban kanina? "Tumigil na kayo. Ikaw... Ikaw ang nais kong magpaliwanag sa nangyari." sabi muli ng matanda at tinuro si Nami. Agad rin namang tumino yung tatlo. Bukod pala kay Nami, may isa pang nakakapigil sa kanila. "Uhmmm Master. We just... got bored." "We... What?" "Wala kaming magawa. So we decided to get a job. Hindi naman namin matanggihan ang request ng isang kliyente kaya, 'yun. Hehe..." paliwanag naman ni Nami. "At may kinita naman kayo?" He fold his arms across his chest. Lahat ay nagsitinginan sa malayo. Si Howard ay napasipol na lamang. "That... Nagkaproblema kasi Master. Those two—" "—Nanira na naman kayo, tama ba?" bakas ang galit nito sa kanyang boses. Isang nakakabinging katahimikan ang pumailanlang sa paligid. "Sorry Master..." Napabuntong hininga ang matanda at saka hinilot ang sentido. "Sige na. Magsibalik na kayo sa mga dormitoryo niyo at maligo!" "Aye Sir!" "Dumating lang kayo bumaho na ulit sa Lignesium! At ikaw!" "P-po?" Nanindig ang balahibo ko dahil sa pagsigaw niya sa akin. Nakaramdam naman ako bigla ng kaba. "Iba ang amoy mo. Hindi ka amoy Vlione..." Ano daw? Napakunot noo naman ako. "Nevermind... New recruit?" "H-ha? Ano po?" Ano ba pinagsasabi nito? Wala akong maintindihan ni isa. "Wala akong nakikitang rankmark sa iyo kaya sa tingin ko, new recruit ka." aniya. Ano ba kasi yang rankmark na yan? "Ah o-opo..." sagot ko na lang, para matapos na. "Follow me." aniya. Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya gaya ng utos niya. Napahinto ako nang bigla siyang huminto. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. "Bakit nandito pa rin kayo?" "Babalik na Master!" sigaw ni Howard. Kumaripas silang lahat ng takbo. Para silang mga batang hinahabol ng pamalo. "Bye, Mizuumi!" rinig kong sigaw naman ni Shiro. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko ngayon "Mizuumi! See you around!" It was Nami. She's waving her hand habang tumatakbo palayo. I can't help but smile. Ganito pala ang pakiramdam. Ang sarap... It's like I finally have friends now... Na kahit kelan, hindi ko naranasan. I waved back at them kahit alam kong hindi nila iyon nakikita. Habang naglalakad kami, binasag ng matanda ang katahimikan. "I can say that they are all stubborn. Pero kapag nakasama mo na sila, wala kang ibang mararamdaman kung hindi saya. You will always be cared and protected... Those are my children." saad niya. Pinagmasdan ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakangiti ito. Hindi naman pala talaga siya masungit. Siguro inaalala niya lang sina Nami kaya ganon siya ka istrikto sa kanila kanina. "Do you want to be part of our family?" nakangiting tanong niya. "G-gusto po... Gustong gusto!" walang hesitasyon na sagot ko. I heard him sighed, relived. "I know they feel the same way. You can always be part of our family... But for now, you should take your tests first. We're already here." hindi ko namalayang nakarating na pala kami. May sumalubong sa amin na isang babae, naka uniporme na formal. "Ako na ang bahala sa kanya. Come in..." malumanay na sabi nito. "Sige na anak. Maiwan na kita." "Thank you po Master!" nginitian ko siya at nagbow. Gaya ng sabi ng babae ay pumasok kami sa isang parang lab. Walang mga nagkalat na gamit dito like the usual labs na nakikita ko, wala ring ibang tao, kaming dalawa lang. Ang nakakaagaw pansin lang ay ang tube-shape and human size na glass cage na nasa pinakagitna ng silid. Hindi rin siya nagatagal at iniwan na niya ako. Sinabihan niya pa ako na maghubad daw ako bago pumasok sa glass cage and that's what I did. Nandito na ako ngayon sa loob. When the door finally closed, namatay ang lahat ng ilaw sa labas maliban lang dito sa loob. May lazer na kulay blue na umaakyat na para bang ini-scan ako. Parang tatlo hanggang limang minuto yata 'yun bago matapos. "Rank Warrior. Class Mage." computerized na boses ng babae ang nagsalita. Naramdaman kong parang may kumagat na lamok sa batok ko kaya naman napahawak ako dito. "The scanning is done!" napasigaw ako nang biglang namatay ang ilaw. Wala akong makita! Pagkatapos ng ilang segundo, nagbukasan na ulit ang mga ilaw. "You are now an official Legend... Welcome to Lignesium Academy, Mizuumi Morgan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD