Chapter 2: Roommate

2961 Words
Chapter 2: Roommate Natapos na ang tests na ilang minuto lang naman ang tinagal. Pinaliwanag sa akin nung babae,-Admin ng Lignesium Academy, ang mga resulta ng mga tests ko at isa na roon ang Rank and Class ko daw. Rank ko daw is Warrior at Mage Class raw ako. May mga statistics and vitals chuchu pa siyang sinabi kaso hindi ko na maalala dahil hindi ko naman naintindihan. Nandito ako ngayon sa waiting room. Ang sabi ng Admin sa akin, may pupunta raw dito para ituro sa akin kung saan ang magiging dormitory na pag-e estayan ko. Maghintay lang daw ako. Ang kaso, may problema. Hindi ko na maalala kung saan napunta ang mga gamit ko. Kung naibaba ko ba kanina, o baka naiwan ko dun sa pinagkulungan sa amin. Aish! Sa lahat lahat naman kasi ng makakalimutan ko, mga maleta ko pa. Stupid Mizuumi! Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko itong bumukas. Agad akong napatayo. Iniluwa nito ang isang babae. "Oh gosh! Hello!" bungad nito. Kumakaway kaway pa siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi pa rin talaga ako sanay kapag may nagaapproach sa akin. Kinakabahan pa ako... Ano ba dapat gawin? Should I say hi ba o ano? "H-hi..." nginitian ko siya. Ang ganda niya. Bilugan ang mukha niya na bagay lang sa kanyang mga mata. Ang haba ng pilikmata niya, natural lang. She also has this wavy brown hair na gabewang ang haba. Meron din siyang bangs na nakapagpadagdag ng ganda niya. Tama lang ang size niya, hindi siya mataba o mapayat. Pero kung ikukumpara mo kaming dalawa, mas mapayat ako. Aminado ako dun. "Sorry kung pinaghintay kita ng matagal. Inayos ko pa kasi ang magiging kwarto mo." aniya. Magiging kwarto ko raw? "I'm Cane pala... I'll be your roommate from now on! Hihi! And you are?" "Mizuumi." Nginitian niya ako ng napakatamis. Ako naman ay awkward na ngumiti. She looks jolly... And friendly. "Your rankmark is telling me that you're also a Warrior. Waaah! We're rankmates!" natutuwang aniya habang hawak hawak ang mga kamay ko. "Rankmark?" kunot noong tanong ko. "Hindi mo makikita. It's on your neck, left side. Here's mine." ipinakita niya sa akin ang kamay niya. Isang fox na tattoo kulay pink. "Tadaaah! Mine is pink while yours is sky blue." So 'yun pala ang rankmark. Naalala ko tuloy yung kay Nami. Rankmark rin kaya niya yung kulay green na dragon sa braso niya? "Cute..." usal ko na lang. "I know right. Oo nga pala... Anong class mo?" Class? Naalala ko naman ang sinabi sa akin ng Admin. Kapag daw may nagtanong ng Class ko, Mage daw ang dapat kong isagot. "Mage..." "Oh, I see... So, paano tara na sa dorm!" she grabbed me. Nang makalabas kami sa room, naalala ko 'yung problema ko. "Uhmmm... May problema kasi... Nawawala ang mga gamit ko." nababahalang sabi ko. Wala akong masusuot dahil nawawala ang mga maleta ko! "Huh? Mga gamit mo?" Tumango ako. "Nasa dorm na. May nagdala kanina, from Army. Ang sabi nila pagmamay ari mo raw 'yun. Three baggages..." aniya. "Talaga?" tatlong maleta, akin nga 'yun. Nanlaki ang mata ko. Natuwa naman ako. Naiwan ko pala talaga. Mabuti na lang at mababait naman pala ang Army. Maraming kaming pasikot sikot na dinaanan pero wala akong nakitang classrooms. Tinanong ko si Cane tungkol doon at ang sabi niya, wala raw classroms dito. Nasa West Wing daw ang mga rooms. May mga nakakasalubong rin kaming mga iba pang estudyante na kakilala ni Cane. Kinakausap siya, may kumaway lang at ang iba tinanong kung sino ako... Ang babait ng mga tao dito. "Nilinis ko na lahat. Nakakahiya naman kasi sa makakasama ko hindi ba? Eto ang cr natin. 'Dun naman ang kusina. In case na hindi tayo makapagluto, sa Mess Hall tayo kakain. That's your room, at yan... Ang mga gamit mo." sunod sunod niyang sabi at tinuturo ang mga ito. Agad na dinulugan ko ang mga gamit ko. Nandito nga! Eto 'yung mga gamit ko! "Thank you Cane." binuksan ko ang mga maleta ko. Chineck ko ang laman ng mga ito. Sa palagay ko wala namang nawala. Thank you Lord! "Uhmmm... Magkano pala ang babayaran ko monthly? Water bill? Kuryente? Maintenance? Maghahati ba tayo?" sunod sunod na tanong ko. Sigurado na ako sa school na 'to... Kahit hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa paligid ko... I love it here, and it's decide... I'll stay in Lignesium. Hinintay ko siyang sumagot, pero wala. Sa halip na sumagot, kumunot noo lamang siya. "Ha? Wala kang babayaran... Everything is free here, Mizuumi. From head to toe, internal or external." she said and winked. "Ay weh? Seryoso ba?" Free talaga? Grabe... Wala na nga akong binayaran na tuition fee, pati ba naman sa dorm ko libre rin? "Well, that's Lignesium for you..." she said with a smile. *** Kahit naman pala nasa ibang mundo ako, wala pa ring pinagkaiba to sa mundong pinanggalingan ko. The only thing that's different is that here, everything is possible. Magic and supernatural stuffs... I've never dreamed being in a magic world but, here I am. I can't even imagine having a beautiful life, but now I want to experience it. For now, I just wanna enjoy the life I have. I won't hesitate to do things that I want... I'll be myself so that, I won't have any regrets in the end. I'm starting to have friends now and I promise to treasure them. Nothing and no one can stop me now. Ayoko rin munang isipin o alalahanin ang mga nangyari sa nakaraan ko. Gusto ko lang maging masaya... Sana lang talaga tuloy tuloy na 'to. "Sinasabi ng mga baraha ko na malungkot ka ngayon... I can feel sorrow and pain from your past." naputol ang mahaba kong pag iisip nang narinig kong magsalita si Cane. Nasa may pintuan siya. May hawak na tatlong baraha, pinapakita niya sa akin. Paano nangyari 'yun? Kanina naman wala siyang hawak na kahit ano? "I'm a Card Expert. If that's what you want to ask." Card Expert? Oh... Magic niya. "So... Mind telling me what's bothering you?" "Ha? Wala... Okay lang naman ako. Salamat." sabi ko at nginitian ko siya. "You're not telling the truth. I can see it in your eyes, Mizuumi..." Napawi ang ngiti ko. "It's okay kung ayaw mong magsabi sa akin, I understood. But, I just wanna tell you that, I can be trusted. So, when you feel like telling me already, don't ever hesitate. I will listen. Starting from this day, you're not gonna fight this battle alone anymore 'cause you already have me. Your friend..." saad nito. Nakatitig lang ako sa kanyang habang sinasabi niya ang mga salitang yun. Pagkatapos ay ngumiti siya. Her smile melts my heart. This is the first time na nakarinig ako ng ganong mga salita galing sa isang tao. Ang sarap pala sa pakiramdam... Ang sarap na may tumatawag sayo ng kaibigan. "Hey, why are you crying... May mali ba sa sinabi ko?" Natatarantang tanong niya. "W-wala... Masaya lang ako." sagot ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at saka nginitian ko siya. Eto na yata yung sinasabi nilang tears of joy. I'm crying because I'm happy. Very unusual... Ang babaw ko ba? Well, hindi niyo ako masisisi. Maybe all of those are just words, but for me, it means a lot. First time lang kasi lahat sa akin 'to. "Huwag ka ng umiyak... I'll show my magic na lang." lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "I can produce any cards. Kaya ko ring magproduce ng kahit ilan nito depende sa gusto ko. I have normal cards and hero cards, as well. But what I usually do is that, nabibigyang buhay ko ang kung anumang nasa loob ng normal cards ko." "Weh?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ngayon lang yata ako nakarinig ng ganoong magic. Nakakita na ako ng mga clowns dati. Kaso card tricks ang mga ginagawa nila not magic. "Watch me..." Pinakita niya sa akin ang card na hawak niya. Sa card na yun, may babaeng nakapang waitress na attire at may hawak na tray. Then... She snapped her fingers. "What?" Naistatwa yata ako sa kinauupuan ko. The girl from the card... She's in front of us. She's breathing and talking! May hawak siyang tray na may lamang mga drinks. Pero di tulad sa card na nakangiti siya, ngayon ay nakabusangot ang mukha niya. I've already seen some kinds of magic, pero naninibago pa rin talaga ako sa tuwing may bago akong nasasaksihan. Mula kanina, 'yung kina Shiro, tapos ngayong nakita ko ang kay Cane... Hindi ko pa rin mapigilang mamangha. Kailangan ko na yata talagang sanayin sa ganitong mga bagay ang sarili ko. Dahil nasa ibang mundo na ako.  Everything here exists... "What do you want? Beer? Wine? Or hard drinks?" sabi ng babae. "Wala ka bang kape diyan? Alam mo namang hindi ako mahilig sa alak." reklamo naman ni Cane. "Alam mo namang hindi ako nagooffer ng kape! Bakit mo pa ba ako pinalabas? Nagtatrabaho ako Cane!" inis na sigaw ng babae. "Why? Bawal ba?" "Bwiset ka talaga! Sinabi ko na hindi ba? Tawagin mo ako kapag may kainuman ka na! Hindi yung tatawagin mo ako para lang sa kape. Sa susunod huwag mo akong iistorbohin sa oras ng trabaho ko!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglaho na lang siya bigla. Nakakatakot siya... Galit na galit. "Sorry hahahahaha. You have to see her like that. Maattitude talaga ang bruhang 'yun." "San siya nagpunta?" "Bumalik na siya sa dimensyon nila." sagot niya. "Wow... Ang galing naman ng magic mo." di makapaniwalang komento ko. "Sus... Basic lang 'yun ano ka ba! 'Wag mo namang ipahalata sa akin na namamangha ka sa akin. Sige ka, baka lumaki ang ulo ko niyan. Hahahahaha!" "Totoo naman kasi... Ang angas kaya!" "Well, if you say so, thanks... Hihi. Now that you've seen my magic... Can you show yours too?" "H-huh?" I was taken aback of what she said. "What's your magic?" Shit... Paano ko ba sasabihin to? May magic ba ako? Mizuumi wala! "H-hindi ko alam..." nakaramdam na naman ako ng kaba. Ilang beses ba ako kakabahan? Aatakihin na yata ako sa puso ng 'di oras. "Oh..." napayuko ako. "That's because you don't believe in yourself. Hindi yan lalabas kung pinipigilan mo..." I looked at her. "I don't even know if I really have magic. Kaya baka walang lumalabas?" "Meron noh! Huwag mo ngang dina-down ang sarili mo Mizuumi. First of all, dumaan ka sa laboratory tests. Second, you are ranked in Warrior and classified as Mage. Lastly... You're a Legend. Kaya may magic ka!" sabi niya. Gusto kong sumang-ayon pero, alam ko naman sa sarili ko na wala talaga. That tests must be a mistake... Pero paano nga kung meron nga? "Mag-e 8 pm na. Sakto gutom na ako. Tara kain na tayo!" Mula sa pagkakaupo sa kama ko ay hinila niya ako patayo. "Magluluto ka?" "Nope. Sa Mess Hall tayo kakain... Hindi kasi ako nakabili ng groceries. Hehe." *** "Woah..." naibulalas ko na lang. So ito ang Mess Hall ng Lignesium? Ang laki! Sa movie ko lang to nakikita pero ngayon, dito na ako mismo kakain. Kung ikukumpara ko ito sa movie, mas maliit to ng kaunti kesa sa napanood ko sa Harry Potter. Ang ganda rin ng ambiance. Nangingibabaw ang kulay na azure blue. May dalawang higanteng chandelier na siyang nakapagpaganda lalo. Maraming ilaw na malilit sa kahit saan ka tumingin. May flag ng Lignesium. May apat na long table at maraming upuan. May mga iilang estudyanteng kumakain pero yung long table sa pinakadulo ang natatanging walang tao. "Mizuumi!" tawag sa akin ni Cane. Nakaupo na siya habang ako... I'm still fascinated by what I'm seeing right now. This is beyond my expectation. "Sorry... Ang ganda kasi. 'Di ko mapigilan." Umupo ako sa tabi niya. May pagkain at inumin na sa mesa namin. Kay Cane naman ay may kape. Napansin ko namang may nakaupong lalaki sa tapat ni Cane na kausap niya. "Sino siya?" tanong nito. "New recruit. She will be our new rankmate." sagot ni Cane sa kanya. "Oh? Hello, I'm Dwayne Chavez." inabot niya ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman ito. "Mizuumi Morgan." we shakehands. This is probably my first achievement. Hindi ako nautal or kinabahan man lang. Tho... Medyo nahihiya ako. Still, I'll congratulate myself for this! Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan ang mukha niya. He's cute. His dimple is making him even cuter. Ang tangkad niya tingnan kahit nakaupo lang siya. Nakasuot siya ng salamin, not the nerd type. Mukha rin siyang mahiyain tulad ko. Habang kumakain kami ay nagkukwento naman si Cane. Tawa siya ng tawa. Kaming dalawa naman ni Dwayne nakikitawa lang. Medyo umingay na rin sa buong Hall. Dumami na rin kasi ang mga estudyante dito na kumakain. Pero yung table sa pinakadulo, wala pa ring nakaupo. Bakit kaya? Bawal ba umupo dun? For VIP? "Ang tahimik niyong dalawa. Baka mapanis laway niyo sige." "Hindi naman kasi kami katulad mo, parrot. Nakainom ka na naman ba ng maraming kape?" "Tss." Isinubo ni Cane ang buong kutsara na may kanin. "I knew it." si Dwayne naman ay ininom ang tubig niya. Habang nagkakatuwaan kami, biglang huminto ang dalawa sa pagtawa. Napansin ko ring nawala bigla ang ingay sa buong Mess Hall. Napalitan ng nakakabinging katahimiman. Anong meron? Lahat sila ay nakatingin sa direksyon ng pintuan ng hall kaya naman tumingin rin ako dun. May tatlong lalaki at isang babae na pumapasok. Hindi ko kilala ang babae at ang isang lalaki. Ngayon ko lang sila nakita... Pero pamilyar ang dalawa sa kanila. 'Yung hangin at si Howard! Nakaakbay si Howard sa babae. Mukhang close na close sila ah. Baka girlfriend ni Howard? Ang ganda niya. Natural ang kulot niyang buhok na blonde. Nakasalamin rin siya at ang ganda niya manamit. 'Yung hangin naman nakapamulsa lang habang naglalakad. May isang lalaki pa na humihikab habang naglalakad, magulo ang buhok, halatang kagigising niya lang. Pero ang kapansin pansin sa kanya ay yung tatoo niya sa may bandang mata. Dragon... Katulad ng kay Nami. Ang kaso sa kanya ay kulay ginto. Rankmark? Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo sila sa pinakadulo. Ang long table na ilang oras ng walang umuupo ay sila ang umokyupa. Sila ba 'yung VIP? Teka sino nga ba sila? Bakit nagawa nilang patahimikin ang lahat ng nandito? Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Si Dwayne ay nakatingin pa rin sa apat pero si Cane... Tahimik na kumakain. Matapos isubo ang isang kutsara ay napatulala ito. Anyare sa kanya? Pagkatapos kong kumain kanina ay inaya na ako ni Cane na bumalik ng dorm. Ewan ko ba pero bigla nagbago ang mood niya. She started acting weird noong pumasok kanina yung apat. Ano ba kasing meron sa mga 'yun? Nakahiga na ako sa kama ko ngayon kaso hindi ako makatulog. Ang daming bumabagabag sa akin. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta ng kusina. Naabutan ko si Cane na nagkakape. Mahilig talaga siya sa kape noh? Nakatingin lang siya sa kawalan. It really bothers me seeing her like this. Mas gusto ko pa yung maingay na side niya kesa yung ganito, ang tahimik niya. "Ayos ka lang ba?" tanong ko. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig. "Yep! Of course! Bakit? What makes you think that I'm not okay?" binaba niya ang cup niya. Nginitian niya ako. But it was a fake smile... Totoo nga pala talaga. Makikita mo sa mata kapag nagsisinungaling ang sisang tao. "Kanina ka pa kasi tahimik." sagot ko habang naglalagay ng tubig sa baso ko. Matapos kong punuin yun, agad kong ininom. "Kulang lang siguro ako sa kape." aniya pagkatapos ay tumawa. Nagpangalumbaba ito at saka ipinatong ang siko sa lamesa. "Huwag kang mag alala sa akin. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Alam mo ba Mizuumi? Nung pinatawag ako ng Admin kanina at sinabi niya na may bago na raw akong roommate, I was so excited. Naglinis agad ako kahit araw araw ko namang nililinis ang kwarto na yan. I was like "Finally may makakasama na ako!" Ilang taon na rin kasi akong mag isa dito. And I always feel lonely. But then you came... I have a new friend now..." salaysay niya. After saying all of that, a tear fell from her eyes down to her cheeks. Agad niya itong pinunasan. Tumingala siya, pinipigilan ang pag iyak. "If you're happy, then don't cry." "Hindi ako umiiyak noh!" Akala niya yata hindi ko nakita yun. "Matulog na nga tayo. May pasok na bukas. Aren't you excited?" "Excited ako. Kaya nga ako hindi makatulog eh." "Goodluck friend! Goodnight!" Sinabi sa akin ni Cane na bukas pa lang daw ang opisyal na pag uumpisa ng klase ng Lignesium. Nagaganap daw ito tuwing first week ng unang taon. Hindi ko maintindihan ang sistema ng panahon nila dito. Pero may oras din naman sila tulad ng sa mundong pinanggalingan ko pati na rin araw. Parang ang haba ng araw na to ah. Ang daming nangyari... Ang dami kong nalaman and that's too much to handle. Tungkol pa lang sa Lignesium ang nalalaman ko at wala pa iyon sa kalahati. Paano pa kaya pag sa buong mundo na nila? Kakayanin ko pa kaya? But then I was able to meet amazing people. I made friends. And this is just a start... Hinawakan ko ang kwintas na galing sa Daddy ko at saka pumikit. I'm finally here Dad! You're alma matter. Kung dito siya nag aral that means... May magic rin siya? Ano kaya naging magic niya? Napaisip na naman tuloy ako bigla. Buhay na buhay na naman ang diwa ko. "Gusto ko ng matulog!" frustrated na sabi ko sa sarili. Hindi rin naman nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD