Chapter 3: Mythical Glory

1842 Words
Chapter 3: Mythical Glory 6:30 am, maaga akong nagising. 8 am daw ang simula ng Opening Ceremony na pinag usapan naming tatlo nina Dwayne kagabi. Inayos ko ang pinaghigaan ko at saka lumabas. Narinig kong naliligo na sa cr si Cane. Maghihilamos sana ako pero napagdesisyunan kong sa lababo na lang. May mga cup pa ng pinagkapehan niya, hinugasan ko yun para makapaghilamos. "Good morning, Mizuumi... It's your first day today!" she greeted me with a smile pagkalabas niya ng cr. Pinupunasan niya ang kanyang buhok. "Good morning!" "Oo nga pala. Sa Mess Hall tayo magbe-breakfast. Wala pang gaanong tao niyan ng ganitong oras." "Okay copy." Natapos na akong maligo. Pinunasan ko ang buhok ko saka ko ito pinatuyo. Kinuha ko ang uniform na binigay aa akin ng Admin. May white polo na panloob with polo blazer na kulay azure blue na lagpas lang ng kaunti sa siko ang manggas nito at may designs na kulay gold, pati ang tatlong butones. May nakalagay rin na logo ng Lignesium sa may bandang kaliwa ng dibdib nito. Habang ang palda ay simple lang, kulay bisque na above the knee. Lumabas na rin kami agad ng dorm para kumain sa Mess Hall. "Bagay na bagay sayo." komento ni Cane habang nagtha thumbs up pa. "Talaga? Hindi ba parang ang iksi ng palda?" sabi ko habang hinihila pa pababa ang laylayan nito. Di kasi ako sanay. Para bang, konting hangin lang makikita na ang panloob ko. Tho, naka cycling shorts naman ako... Pero maiksi talaga! "No! Ang kinis kaya ng legs mo." taas baba ang kilay na aniya. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Mess Hall. Tama nga si Cane. Walang gaanong tao. Maglalakad na sana kami papunta sa upuan namin nang may humarang sa aming mga babae. Kay Cane lang pala. Apat sila. Pinakamatangkad ang nasa unahan. Mahaba ang buhok niya at ang palda ng uniform niya, sobrang ikli. Nakikita na yata ang kasingit singitan niya. Nang tingnan ko ang hita niya, may tattoo, na sa tingin ko ay rankmark niya. May kasama siyang... Triplets? Ang cute nila tingnan. Ang isa, walang emosyon. Pero ang tingin niya, para kang pinapatay. Ang talim... Kapansin pansin ang hikaw niyang malaki na star shape. Ang isa naman sa triplets ay circle shape. Panay ang suklay nito sa kanyang maikling buhok. At ang huli ay may hawak na lollipop. Sa ganito kaaga? Kung sa dalawa circle and star shape ang hikaw, sa kanya naman ay triangle. Nung tinanggal niya ang lollipop ay nakita ko ang Wolf tattoo sa dila niya. Katulad ng tatoo nung babaeng pinakalider yata nila. Kung rankmark nga yun, anong rank nila? Kailangan ko yatang magbasa ng libro tungkol dito sa Lignesium. Hindi ba dapat 'yun 'yung una kong malaman? Isa pa lang ang alam kong rankmark at yun ang sa amin ni Cane... Fox for Warrior rank. At nalaman ko kay Dwayne na pinakamababa raw ang rank namin. "Hi there..." sabi ng babae sa kanya. Hindi iyon pinansin ni Cane. Sa halip, kumanan ito para iwasan sila. Sinundan ko naman siya... Pero, sinundan nila kami para harangin. "Oh ,don't you dare ignore me..." "Please Zoe... Wala akong panahon sa inyo." sabi ni Cane. Hinila niya ako papunta sa likuran niya. Para bang tinatago niya ako... "Hahahahaha! What's with that please for? Oh! Maybe, you mean... Please 'kill me now'?" anito. Nagsitawanan naman ang tatlo niyang kasama. Kahit pala sa mundong 'to, hindi rin nawawalan ng bully. O sadyang may balat lang talaga ako sa pwet kaya sinusundan ako ng kamalasan? Nabaling ang tingin sa akin nung tinawag ni Cane na Zoe. Napayuko na lamang ako. Parang hindi yata maganda 'to... Nakaramdam ako ng paghigpit ng hawak sa akin ni Cane. Lalo lang nadagdagan ang kaba ko. Natatakot ako... The same fear na nararamdaman ko noon kapag nasa harapan ko na sina Kael at Ralph. "Nandito kami para kumain... Kung manggugulo kayo, please 'wag ngayon." nagpipigil na sabi ni Cane sa kanila. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Maging siya mismo ay kinakabahan. Hindi ko naman siya masisisi. Nakakatakot kasi talaga ang presensya ng apat na 'to. "Hindi naman kami nagpunta dito para manggulo, don't worry..." she smiled. 'Yung ngiti ng pangkontrabida. "You have a new kid here... Mukhang nagdagdag kayo ng isa pang mahina sa lahi niyo." dagdag niya pa. It's too obvious that she's pertaining to me. "I can't feel any magic in her." 'Yung may lollipop ang nagsalita. "Same here." sabi naman nung walang ginawa kundi magsuklay. "Spell, weak..." said the emotionless girl. "You're still Warrior..." kinuha niya yung kamay ni Cane na may rankmark na marahas rin namang binawi ng kaibigan ko. "Ilang taon ka na nga ulit sa rank na 'yan? 2? Or 3 years? Oh right! I remember... Mas nauna ka pa nga pala sakin pumasok ng Lignesium hindi ba? But still... You are stuck on that rank. Warrior forever?" pang-iinsulto nito. Mababali na yata ang daliri ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Cane. "Pwede ba umalis na lang kayo?" ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit. "You don't have to tell me Cane... 'Cause we're really leaving. But of course, babalikan kita. Let's go!" Nagsilabas na ang apat. Ang tensyon kanina ay nawala na. Sinigurado ko munang wala na sila... Sa wakas ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Naramdaman ko naman ang unti unting pagluwag ng hawak ni Cane. Binitawan na niya ang kamay ko. Ilang sandali pa bago ito naglakad papunta sa pinagpwestuhan namin kagabi. Sinundan ko na lang siya at umupo sa tabi niya. "Cane—" "—Let's eat a lot! 'Cause it's your first day today, right?" She said, smiling... Akala ko mag iiba ang mood niya, pero hindi. Sa dami ng mga sinabi ni Zoe, hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang naging sitwasyon kanina. Alam ko at ramdam kong nasaktan si Cane doon. She's just forcing herself to be okay. Pinapakita niya lang sa akin na hindi siya naapektuhan. This is Cane... Ngumiti na lang din ako. Sasakyan ko na lang siya.. "Aye!" Ang dami kong nakain. Busog na busog ako! Si Cane naman ang daming nainom, na kape. Sa pagkakaalam ko nagkape na siya sa dorm bago kami umalis diba pero nagkape pa siya ulit sa Mess Hall. Acidic siguro ang taong 'to. Hindi naman siya nerbyoso. Mas nerbyoso pa nga ako eh. Inalala ko ang nangyari kanina. Gusto ko sanang itanong kung okay lang siya kaso. Naisip ko na baka di na kailangan. Kung titingnan mo kasi siya ngayon, para bang walang nangyari. Pero sino nga ba sila? Bakit parang kilalang kilala nung Zoe si Cane? "Sino pala 'yung babae kanina?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Wrong move Mizuumi! Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Baka magalit si Cane... "Zoe Hilux." aniya. Matagal bago ito sumagot. Hilux? Kotse ko 'yun ah. "Kalimutan mo na 'yung nangyari kanina. Panira lang sila ng araw." inakbayan niya ako at saka ginulo ang buhok. "Cane!" "Hahahahaha!" See... She's more than okay. I guess? *** "Good morning Masters of Four Ranks! Good morning Admins! And of course... Good morning Legends!" By the way... Students of Lignesium are called Legends. "Another year have passed, and we are given another year to live. A year to fight and to learn... Let's become stronger, 'cause in this battlefield, you will never fight alone. That's why you have your ranks. Warrior, Elite, and Epic Grand... And also Mythical Glory. Everyone... We are all here today to witness the Opening Ceremony of Lignesium Academy." May mga personalidad na nakaupo sa stage at isa na roon si Master. 'Yung naghatid sa akin sa Lab. Habang kami naman na mga estudyante ng Lignesium nakatayo lang. Kanina ko pa ginagala ang paningin ko sa alon ng mga estudyante, hinahanap ko sina Nami, kaso hindi ko talaga sila makita. Nahahati kasi kami sa apat na pila. Kami ang nasa pinakadulong kanan at kami rin yata ang pinakamarami. Nasa pinakadulo ako ng pila habang nasa unahan ko naman si Cane. May katabi rin kaming pila. Siguro nasa thirty plus sila. Kami kasi nasa fifty plus. Yung pangatlong pila naman, mga nasa thirty rin yata. Ang pila sa pinakadulo, hindi ko makita. Medyo malayo na kasi. Hindi na abot ng paningin ko. Natapos ang ceremony at pinapupunta na kami sa kanya kanya naming room. Kami ang huling lalabas ng Gymnasium. Unang pinalabas ang mga nakapila sa pinakadulong kaliwa. I was expecting for a long line pero hindi... It was just seven of them. And to my surprise, I saw Nami, pati ang apat. Sina Howard, 'yung Hangin, 'yung amazona na kayang magproduce ng maraming baril, and Shiro. Nandun din yung dalawa na kasama ni Howard kagabi sa Mess Hall. "Bakit pito lang sila?" naibulalas ko na lang. "Nope. Actually, there are 8 of them..." Muntik ko ng makalimutan na nasa harapan ko nga pala si Cane. "Sadyang mailap ang isa nilang kasama kaya wala siya dito ngayon." "Sino pala sila?" I'm really curious. Pakiramdam ko kasi, naiiba sila sa amin. "Mythical Glory. Hindi mo ba alam?" Mythical... What? "H-hindi eh..." "Nakapila tayo according to our rank." Ay weh? Bakit hindi ko yun alam? Ang tanga talaga Mizuumi! "We have a system na wala sa ibang schools. We are ranked and classified according to the magic we have. Lignesium have four ranks. This line, is the Warrior rank. Fox ang rankmark natin. Kilala tayo bilang pinakamahina na rank." naalala ko tuloy yung naencounter namin yung grupo nina Zoe kanina. "Our magicshas the level of 1 to 10. Tapos ang katabing pila naman natin, Elite rank. Tiger ang kanilang rankmark. From levels 11 to 20 naman." "Oh..." "Then 'yun..." turo niya sa pangatlong pila. "They are the Epic Grand. Their rankmark is a Wolf..." Wolf? 'Yung sa dila nung isa sa triplets kanina at kay..." "Zoe..." usal ko. "Yeah. That's Zoe and the triplets' rank. They've already reached the magic levels of 21 to 30." ibig sabihin ba non malakas sila? Their magic might be dangerous. Kaya ba medyo nag iingat si Cane sa kanila? "Sila ba ang pinakamalakas?" "Hindi dahil may pang apat pa." aniya. Tatlo pa nga lang pala ang rank na nabanggit niya. "The last Rank is the Mythical Glory. The most powerful... The rankmark that they have is a Dragon. They are beyond powerful kung ako ang tatanungin. Ang magic level kasi nila is from 31 and up." paliwanag ni Cane. Wow... Sina Nami? "You mean... Level 100?" "Yes. 200... 300... Up." "Woah... Ang galing naman." Another information from Lignesium. Oras oras na lang yata may bago akong nalalaman. Kaya ba pito, este walo lang sila, ay dahil mahirap makaabot sa ganong kataas na level ng magic? At sina Shiro... I've seen their magic and I've witnessed what they are capable of. But, to think that they are the most powerful students here in Lignesium... Lalo lamang akong nabibilib sa kakayahan nila. Silang lima na nakasama ko, at yung dalawa sa Mess Hall... At ang isa pa na wala dito... Mythical Glory...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD