Chapter 4: Warrior Family
"Kilala mo ba sila?" I asked. She nodded, saying yes.
"Iyang nasa pinakaunahan na 'yan is Xien Maegan..." aniya. Siya 'yung babae na kasama nina Howard kagabi sa Mess Hall. "Once she takes off her eyeglasses, don't you dare look right into her eyes or you'll turn into stone."
That's her magic? Wow! Parang yung kay Medusa...
"Kaya ba palagi siyang nakasalamin?"
"Pwede... Pero minsan nagsusuot rin naman siya ng contact lens. Contact lens with enchanment spell that can restraint her magic." May ganon pala... "Then next to her is Howard Shaun Reaser."
Tiningnan ko naman si Howard. May sinabi siya kay Xien kaya nainis ito at padabog na naglakad. They look like a couple, ang sweet ni Howard sa kanya.
"Boyfriend siya ni Xien?" I curiously asked. Baka kasi alam ni Cane... Nagbabakasakali lang.
"Huh? No! Hahahahaha. What makes you think that they are dating? Actually, they are siblings."
Wait? What? Siblings? Magkapatid? Paanong nangyari yun? Maegan si Xien samantala, Reaser naman si Howard.
"Pero magkaiba sila ng apelido, kasasabi mo lang 'di ba..."
"Magkapatid sila sa ina... Magkaiba sila ng tatay na pareho ng patay. Kaya ganyan sila kaclose, kasi magkapatid sila. Well, ako rin naman 'yan inisip ko nung unang pasok ko pa lang dito sa Lignesium. At first, ayokong maniwala but, then I've seen their main magic... Parehong nagmumula sa mata. Lazer coming from his eyes, that is Howard's magic. Unlike Xien, his elder sister, ayaw niyang nagsusuot ng salamin, that's why he prefer wearing contact lenses instead."
Lazer talaga?
Akala ko kilala si Howard dahil sa invisible magic niya... May mas malakas pa pala siyang kapangyarihan.
Napatitig na lamang ako sa dalawa. Sana may ganyan rin akong kapatid... Kaso nasa kabilang buhay na siya.
"Ano naman pangalan nung nasa likod ni Howard?" tanong ko, nakaturo sa babaeng amazona. Hindi ko kasi alam at hindi ko maalala kung may bumanggit ba ng pangalan niya nung nakasama ko siya sa kulungan.
"Oh that... She is Blaire Prior, a Gun Manipulator. The most powerful assassin class here in Lignesium. She may be look girly dahil sa mga suotan niya, but she's known as an sss. Kaya niyang magproduce ng kahit gaano karami at iba ibang klase ng baril. I already told you about mine, right? Na kaya ko magproduce ng kahit ilang cards pero may limitsayon ang sakin. Nakadepende kasi yun sa magic level. The maximum of cards that I can produce is only 7. While Blaire, who is a Mythical Glory, can produce hundreds of guns..." mahabang paliwanag ni Cane.
Literal na napanganga ako. Nakita ko na siyang gumamit ng kapangharihan niya before pero nasa 20 lang yata, sa naaalala ko... Marami na 'yun kung tutuusin! Hindi ko aakalain na may mas idadami pa pala yun.
"Halimaw..."
"A monster indeed. But you won't believe the third girl member, Nami Kemochii... The Team Captain of Mythical Glory. She may be an angel in your eyes, but be careful. Looks can be deceiving."
Tama siya. I was once deceived by that angelic face... Pero noong nakita ko kung paano natakot ang tatlo sa kanya, alam kong hindi sila natakot dahil lang sa wala. There's a reason behind it, for sure. I can say Nami's good in hiding. Pero alam ko namang mabait siya... Sobra. She's the first one who approached me, after all.
"Hmmm..."
"Aakalain mong siya ang pinakamahina sa kanilang lahat pero hindi. In the 15 Powerful Legends List, she's in the second line. Her magic is one of the five elements. The Land. She can control trees, produces plants or any thing related to land. The last time na nakita kong ginamit niya ang magic niya, lumikha siya ng lindol."
"Sh-she did what? Si Nami?"
Tama ba ang narinig ko? Lindol talaga?
Una pa lang, curious na talaga ako sa kung anong kaya niyang gawin and, I've already expected it that she's too powerful. At ngayong nalaman ko na ang mga ito galing kay Cane... Nakakagulat pa rin. Nabibilib pa rin ako. Mas malakas pa pala siya sa iniisip ko... Ang malaman pa lang na isa sa limang elemento ng mundong 'to ang hawak niyang kapangyarihan, that's already beyond my expectation. Idagdag pang nakakagawa siya ng lindol...
Is she a god or what?
"Well that's the Captain of Mythical Glory for you..."
As I was staring at Nami... You won't really think that she is that kind of girl. Para ngang normal na estudyante lang siya dito sa Lignesium eh. Ang malaanghel at di makabasag pinggan niyang mukha.
"While, next to her is Kalli Dyer..." 'Yung lalaking may rankmark na Dragon sa may bandang mata ang tinutukoy ni Cane. "Isa rin sa limang elemento ang kapangyarihan na hawak niya. The Sky... Rain and lightning. 'Yan pa lang ang nakikita kong ginawa niya."
"H-him? Seriously? Astig..." komento ko na lamang, di makapaniwala.
Ewan ko kung kaya pa bang iabsorb ng utak ko itong mga bago kong nalalaman. Kaunti na lang siguro, full storage na ang utak ko... Ni hindi na nga yata ako makapag isip ng maayos, nagha-hang na.
Kelan ba kasi tatatak sa isipan ko na nasa mundo ako ng pantasya? Everything exists here...
"He's a Dragon Slayer like, Shiro Davenport... 'Yung nasa likod niya. An Ice Magic user. He can mold his ice into any shapes or forms at his will. And the very special thing about him is that... He's so dead gorgeous!" Halos mabingi yata ako sa tili ni Cane. Kulang na lang ipagsigawan niya sa buong Lignesium na gwapo si Shiro. Tho, agree naman ako sa kanya... Ang gwapo naman kasi talaga ni Shiro. Nastarstruck nga ako nung una ko siyang nakita diba. Epitome of beauty... Tapos ang bait pa. "At! Hindi lang siya gwapo. Mabait at gentleman pa..." told ya. "And by the way... He's also a Demon Slayer."
"Demon... Slayer?"
"Yes... Demon Slayer. The only one who can kill the demons."
"They exist? For real?"
"Yes, of course. This is Vlione. Everything exists in this world."
I don't know what to say... Hearing that demon thing makes me remember my past.
"Hey... You okay?"
I snapped out.
"H-huh?"
"Sabi ko, kung okay ka lang ba?"
"Ah, oo. Don't mind me... Ituloy mo lang."
"If you say so, then that last guy. He's Bryson Claude Weitz... He's holding the element of Air." Cane said. I looked at her to see her expression. Para kasing biglang nag iba ang tono ng pananalita niya. She's smiling yet, there's something on it. Something that I can't explain. Kahit pangalan lang naman ang sinabi niya. I don't know if it's just me... Or baka, ako lang talaga. "Alam mo ba... He's the reason why I'm here in Lignesium." she added.
Si Hangin? Este Bryson pala... I didn't expect that. Cane's here in Lignesium, because of him? Pero bakit?
"I strived hard, I worked harder just to upgrade kahit alam kong eto lang ang kapangyarihang meron ako pero, ang hirap pala... Wala akong ibang hiniling, ang gusto ko lang naman ay ang mapansin niya ako... Kaso napakalabo 'non. Sino ba naman ang papansin sa isang Warrior 'diba? Samantalang siya, nasa Mythical Glory. Sobrang taas niya, napakahirap niyang abutin. If only he remembers..." she said. Again she smiled. A sad smile.
"Do you, by any chance, like him...?" I can't help but ask.
Her eyes widened. Nagulat yata siya sa tanong ko.
"H-ha? Anong klaseng tanong 'yan Mizuumi? Hahahahahaha! Tara na nga! Baka maiwan pa tayo dito."
Tama nga siya. Lumalabas na ang mga nasa unahan namin. Pero hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.
May gusto kaya si Cane kay Bryson? We'll find it out soon...
***
"Argh rats! Could you please take your eyes off her!" sigaw ni Cane. Paano ba naman kasi lahat yata ng nandito sa room ngayon, nakatingin sa akin. Nakatitig, actually... "You're making her feel uncomfortable, dumbasses!"
Nandito na kami sa room namin. Fifty two daw kaming lahat pero ang luwag pa rin nito para sa amin. Ang taas rin ng kisame kung nasaan ang flag ng rankmark namin. May iisa lang din na white board sa harapan. Walang bookshelves. Desk and chairs and air-cons only. But the design of this room is too classy dahil sa mga designs na gold. Kahit upuan at desks may gold...
"Ano name mo?"
"Anong class ka? Fighter? Mage?"
"Ako nga pala si Bruno..."
"Siya pala 'yung new recruit? Ang ganda niya..."
Yan lang mga ilan na narinig ko galing sa kanila. Pagkaupo ko ay dinumog nila ako ng tanong at kung anu ano pa. Nakakakaba...
"What's the commotion all about?" isang nakakatakot na boses ng lalaki ang nangibabaw.
Ang kaninang nagkakagulong mga estudyante at maingay na silid ay biglang tumahimik. Kung nakakakaba ang ingay, mas nakakakaba pala kapag tahimik. Naririnig ko na nga yata mga t***k ng puso ko eh...
"Master!"
"Hi Master!"
"Master bagong gupit ka ah!"
"Buhay ka pa pala Master!"
What the hell?
"Magsibalik na kayo sa mga upuan niyo... 'Wag ng magulo. Tatanda ako ng maaga sa inyo niyan eh. Kapag ako hindi nakapag asawa. Malilintikan kayong lahat sakin."
Una, akala ko si Master, 'yung naghatid sakin sa Lab, dahil sa tinawag nila. Pero hindi... Ngayon ko lang siya nakita.
Hes I think, in the age of 30 to 40. Nakaupo siya sa harapan. May hat siyang suot, katulad ng kay Bruno Mars. Naka long sleeves na checkered polo siya, nakatuck in sa kanyang black pants. What a cute get up...
"Master may bagong recruit sa rank!"
"New member of the family, wiiiee!"
"Oh yeah... Oo nga pala. Anong pangalan mo anak?" tanong nito sa akin. Nakatingin na naman tuloy silang lahat sa akin.
They are all waiting for my answer. Nakaka conscious... Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa at maglaho...
"M-mizuumi po. Mizuumi Morgan."
"Warriors... Let's all welcome Mizuumi!"
"Welcome to the family!"
"Let's get drunk! Joke!"
"Long table!"
Ang gulo nila, at the same time, nakakatuwa silang tingnan. I feel so welcome in this rank. So this is the Warrior... I think I've found my new family now.