Chapter 5: Total Error
Someone's POV
"Big news... She's already here in Vlione." I tried to control my self from killing someone. He just broke into my room, again, the thing he usually do in the morning and it sucks! I'm having fun playing chess with my mate right now. He can't just stop me.
It's my turn. So I moved my pawn...
"Who's she?" I asked, without looking at him.
"The one you've been waiting for... 14 years?"
I was about to move Knight...
"You mean her?"
"Yes... I mean Mizuumi Morgan." he answered. I can't help myself from smiling.
The last piece is finally here! I've been waiting for this moment.
"Where is she now?"
"Havenry Town. Lignesium Academy, exactly. And that's... kinda problem." I kicked the table. The chess board and the pieces were scattered everywhere. I can feel all people inside this room are now trembling in fear.
"That... will never be a problem. Call the other Sorcieres. We're going to make a move as soon as possible. We have to get her at all cost."
What do you think you are doing?
Nananadya ba siya? Why does she have to put her on that Academy? Damn Legends... I won't let you get on my way!
"What are we going to do?"
"Rank Game... I know, for sure, she'll be there."
Mizuumi's POV
"Oh paano? Balik na ako sa office. Kapag may kailangan kayo, puntahan niyo lang ako doon. And one more thing..." natahimik ang lahat. Nag iba kasi bigla ang tono ng pananalita ni Master. May awtoridad pero... Nakakatakot. "Take care of Mizuumi. Kapamilya na natin siya ngayon." anito. Hindi ako nakapagsalita.
"Sus! 'Yun lang pala!"
"Walang problema Master!"
"Master... Hindi mo na kami kailangang sabihan. Iingatan namin siya kahit 'di mo sabihin."
Pagkatapos ng sandaling kasiyahan ay umalis na rin si Master Hades. Sabi niya inaasikaso pa lang daw ng Admins ang schedule ng bawat rank. Baka daw mamaya pa matatapos at bukas niya ibibigay sa amin. So today is free day first day. Napaisip tuloy ako. May math subject kaya? Science? Physical Education? Eh recess?
Nahinto ako sa pag iisip nang may isang magandang babae ang lumapit sa akin. Para siyang lalaki kung tumindig. Makapal ang kilay niya. Natural na mapupula ang pisngi. Nakapony tail ang buhok niya na lagpas balikat.
"Hi Mizuumi! Ako nga pala si Gabriella. Ang Team Captain ng Warrior rank." pakilala nito sa akin. Kakabahan na sana ako. Pero nung narinig ko ang boses niya, ang liit, para bang nagsibalikan ang dugo ko sa katawan ko. Nakipag kamay siya sa akin.
"Ako naman si Daniel. Sabihin na nating, ako ang papalit kay Gab kapag wala na siya. In short, Team Captain substitute." taas noong sabi naman ng lalaki na hinawi ng kaunti si Gabriella patungo sa likod niya para makipagkamay sa akin. Malakas na binatukan siya nito.
"Oh shut up shape shifter! Team Captain Substitute ka diyan! Sino nagsabing mawawala ako? Ha!"
"Nagjo joke lang ako. Hindi ka naman mabiro." Inakbayan niya si Gab.
"Sa tingin mo ba di ko kakayanin? Kayong lahat?"
"Kapag hindi mo kaya, nandito naman ako. Barbie girl..."
"Oh no no no... I'm very aware what you're incapable of. Kilala na kita, bata pa lang tayo. Baka imbes na mapabuti sila, maligaw lang sila ng landas. Kaya no! At isa pa! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na 'wag mo akong tatawaging Barbie Girl!"
Sinugod ni Gab si Daniel. Bugbog ang inabot nito. Nagbangayan lang sila ng nagbangayan. Parang silang mga bata. Matapos ng bangayan nila, muli akong nilapitan ni Captain. She pat my head.
"Kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami. We're rankmates after all. Sabay sabay tayong aangat... Okay?" she flashed a smile. Napatingin ako sa likod niya, where Daniel is, he's smiling too while giving me a two thumbs up.
Why are they so kind?
"Aye!" sagot ko habang tumatangu tango pa. "Thank you...." Gab winked at nagpaalam na may mahalaga daw siyang gagawin. Sinundan naman siya ni Daniel. Ayun nag umpisa na naman silang dalawang magbangayan.
Ang swerte ko yata dahil nandito ako sa Warrior rank. I couldn't ask for more. Lahat sila, mababait. Pinaparamdam nila na kabilang ako sa kanila. Wala na akong pakialam kahit kami ang pinakamahina, kung ganito naman kami kasaya kasama ang bawat isa, it doesn't matter. Nothing can break us apart. And I think that's the thing other ranks couldn't have.
"So new recruit... How is Warrior rank for you?" muntik ko ng makalimutan si Cane. Kanina pa nga pala siya sa tabi ko. Ang dami kasing nandumog sa kin.
"They're so kind and thoughtful... Ngayon ko lang naramdaman na belong ako sa isang grupo." those words just came out from my mouth, without even thinking. Maybe it's my heart that speaks.
"Right, right?" ani Cane. I can see her eyes sparkling.
"Everyone here has been waiting for you... They're so excited to meet you." I turned to see Dwayne. Medyo malapit lang siya sa upuan namin. May hawak siyang libro. Babawiin ko na yata ang sinabi ko. Is he a nerd or he just love studying or reading? O may pinagkaiba ba yun?
"I think I'm gonna love it here. Salamat pala sa warm welcome..." nginitian ko sila.
"I'm hungry... Nauuhaw na rin ako, I badly need coffee. Mamamatay na ako."
"Mamamatay? What the hell? Kakakape mo lang Cane!"
"Coffee monster..." Dwayne muttered.
"Tara! Kain tayo." nakangusong sabi ni Cane. Inangkla nito ang kanyang kamay sa akin.
"Dwayne... Tara!" aya ko naman kay Dwayne. He sighed. He closed his book. He's going to bring it with him. Tumayo ito at saka naunang lumabas.
Pagkalabas namin ng room, naghihintay si Dwayne sa amin.
Ang ganda ng field! Ang lawak tapos may mga lumilipad na mga kung anu ano. Medyo nasasanay na rin ako sa mga nakikita ko pero hindi ko pa rin mapigilang mamangha.
Naglalakad kami ngayon sa hallway. Maraming mga estudyanteng nagkalat. I had time to observe them. May isang babae, nakapalibot sa kanya ang nagkumpulang paru paro. Nakita ko ang rankmark na Tiger, kulay violet, sa may sentido niya. Elite... Meron rin akong nakitang lalaki. May rankmark ng Epic Grand sa kamay. Bawat pagsipa niya sa mga bola, ay may panibagong lumalabas. Merong may hawak na bow and arrow, staff, wand at payong. Yun ang iilan sa mga nakita ko.
"Nandito na tayo."
Kakamasid ko sa paligid, hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa destinasyon namin. Ang cafeteria. Medyo maraming tao. Iba ibang rank. Mythical Glory lang yata ang wala dito.
Pagkaorder namin ng pagkain ay umupo na kami agad. Sakto lang para sa tatlong tao. Ang binili ko ay tuna sandwich, pancake at saka pineapple juice. Kay Dwayne naman pancake rin at saka lemonade. Habang kay Cane naman... Alam niyo na. Kape. Kape lang ang binili niya. 3 cups of coffee I should say.
"Akala ko ba gutom ka?" I asked while looking at her coffee.
"Yeah..."
"Yeah pero kape lang ang inorder mo."
"Gutom ako kaya kape ang inorder ko. Remove the lang'." may pinagkaiba ba yun? Isinubo ko na lang ang sandwich.
Medyo maingay dito dahil may mga nagkukwentuhang mga estudyante. Pero sa mga kasama ko... Walang may balak magsalita. Busyng busy sa libro niya si Dwayne. Si Cane naman nagkakape habang pinaglalaruan ang mga baraha niya. Kaya naman ako na lang ang mag oopen ng topic.
"Dwayne... Pwede bang magtanong?" Naistorbo ko ba siya sa pagbabasa niya? Baka nangangain to ng tao.
"Sure... What is it?" nilipat niya sa ibang page ang libro niya.
"Ano magic mo?" That's what I really want to ask. Nauna ko siyang nakilala kesa sa mga iba naming rankmates pero mas nauna ko pang nalaman ang magic nila kesa kay Dwayne.
"Hahahahaha! Hindi mo pa pala alam." Cane commented while you know, drinking her coffee.
"Tss."
"Why?" tanong ko, nakakunot ang noo.
"Hindi ko nga alam eh, bakit sinabayan niya pa tayo maglakad kanina. Tho... He can actually be here in just 15 seconds." sabi ni Cane. She's now drinking her second coffee.
Ano daw? 15 seconds? Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Ilang sandali bago ito mag sink in sa utak ko...
"You mean... Teleport?" halos manlaki ang mata ko sa sarili kong tanong.
"No... I don't do teleporting. Speed. You know... Flash." he said as if it's just a normal thing to say. He may look like a normal student, a typical nerd, pero may tinatago pa lang ganong kapangyarihan. Mala-movie... Ang cool pala ni Dwayne.
Saktong pagkaubos ko ng pineapple juice, tumayo si Dwayne.
"Mauna na kayo. May dadaanan pa kasi ako."
"San ka pupunta?" tanong ni Cane sa kanya. Inubos na niya ang panglima niyang kape. Yeah... Nung naubos niya ang tatlo, umorder pa siya ulit ng dalawa.
"Library. Just going to return this book."
"Sama ako..." Sabay silang napalingon sa akin. "M-may gusto lang din sana akong hiraming libro."
"Okay... Let's go. Ikaw? Sasama ka ba?"
"Of course! Bakit? May balak ka bang solohin 'tong kaibigan ko?" ipinulupot ni Cane ang kamay niya sa braso ko at medyo nilayo kay Dwayne. Ano bang ginagawa nito?
"Huh? W-what are you talking about? Tss..." He walked out.
Sabi ni Cane, nasa Southest Wing daw ang library. Sobrang laki pala ng library nila. May pagka vintage ang tema. Kahit ang malaking pinto, ang gara tingnan. Kararating lang namin ngayon. Nasa may pinto si Dwayne, kanina pa yata kami hinihintay. Una siyang lumabas sa amin and we thought hinihintay niya lang kami sa labas ng cafeteria pero wala na siya. It turned out na nauna na pala talaga siyang nandito. Bumili pa kasi ulit ng kape tong kaibigan ko. Canned coffee.
"Sige na pasok na kayo. Dito na lang ako." binukas niya ang kape niya at saka sumandal sa pader.
Sabay kaming pumasok ni Dwayne. Nagtungo kami sa front desk ng libarary pero walang tao. May pinindot yata siya, biglang may nag kring.
"Oh Mr. Chavez!" May nagsalita pero hindi namin nakikita. Sino 'yun? Nagulat na lamang ako nang biglang may dumungaw. Parang tumakas yata ng ilang segundo ang kaluluwa ko.
What the hell? It's a dwarf! Sinong hindi magugulat diba?
"I'm here to return the book. Thank you."
"Natapos mo na? Maganda diba?" tumango ang kasama ko. "Sabi naman sayo maganda 'yun eh." Close sila ha. Palagi sigurong nagpupunta dito si Dwayne. "May hihiramin ka pa ba?"
"Wala na. But my friend... Nandit siya para manghiram din ng libro." Dwayne moved a bit to make a way for me. "I'll just look around here for a minute. Take your time." nagpaalam ito. Hindi ba dapat ako ang magsabi sa kanya ng take your time. Pero sabagay... Si Flash nga pala ang kasama ko.
"Welcome! Mukhang bago ka lang dito... O ngayon ka lang nagpunta ng library?" anito habang ibinabalik ang libro na sinauli ni Dwayne. Parang may sarili itong buhay na lumulutang sa ere pagkatapos ay nagpunta sa pinakamataas na bookshelf.
Hindi ko alam kung pang ilang layer yun. Sobrang dami kasing libro tapos ang laki pa. I think it's not just thousands.
"New recruit po."
"I see... I'm Copernicus Isaac, the librarian here in Lignesium. You can just call me Mr. Isaac. 'Yan ang tawag sa akin ng karamihan sa mga Legends." Napatitig ako sa kanya. The name... It's like it's a combination of both Nicolaus Copernicus and Isaac Newton. Cool... "So... What book do you want?"
"Tungkol po sana sa Vlione... About this world and stuffs." parang hindi yata niya ineexpect na yun ang hihiramin ko. Napataas kasi ang parehong kilay niya.
"O-okay... Meron pa ba?"
"Lignesium Academy. Wala pa po kasi akong gaanong alam dito."
"Sure... It's okay. May mga ilang estudyante na ring nanghiram ng ganon libro dito. Wait a second."
He raised his right hand. May napansin akong dalawang librong lumilipad sa itaas. Ang isa ay kulay blue habang ang isang libro naman ay medyo luma na kay brown. Nagsiliparan ang mga iyon patungo sa kamay ni Mr. Isaac. Astig...
"Here... Enjoy and take your time reading it. Ibalik mo na lang kapag tapos mo na lahat basahin."
"Salamat po Mr. Isaac!" I cheerfully thanked him. Sakto naman at bumalik na rin si Dwayne. Tapos na yata siyang mag tingin tingin.
"You done?" tanong nito. Tumango ako as an answer.
Pagkarating namin sa room, agad na umupo ako at binuklat ang libro. It's not just words or numbers are in here. Meron ring mga nagpoproject na realistic images and animations. Grabe ang ganda...
Dalawang oras bago namin natapos basahin ang dalawang libro. Nag inat ako sa upuan ko. Nangalay yata ang likod ko don.
By the way... I wasn't reading those books alone. Kalahati yata ng Warriors ang nakibasa sa akin. Aliw na aliw din sila sa mga projections. May mga informations din silang ngayon lang nila nalaman dahil sa binasa namin.
Ako namang ngayon lang nakabasa. Isa lang ang masasabi ko...
Amazing!
Ayon sa nabasa ko... May siyam na kilalang lugar dito sa Vlione. Havenry Town, Ramiah Town, Northland, Oxfiore, NorthEastland at Godensu at ang Cronosarr na halos hindi kita sa Mapa dahil sa sobrang liit nito. May mga good wizards and dark wizards rin pala. Kabilang ang Lignesium sa Good Wizard. Yung mga dark wizards ay yung mga nasa school ng Rune Sorciere Institute, Griomore Academy, Villaintail Academia at Black Phantom University. And the Magic Council is the sovereignty in this world. There are 10 of them. Nabasa ko na rin ang tungkol sa Lignesium. Alam ko na yata lahat... The Ranks, Classes, Sanctuary at sa nangyaring First Great Magic War noon.
Sa sandaling oras na 'yun ay para bang nalunod ako. Sa sobrang dami kong nalaman, para bang ang hirap umahon. Pero at least, hindi na ako mukhang tangang walang alam. Dahil ngayon' alam ko na lahat. Or not all?
"Mizuumi! Pinapatawag ka ni Master..." ani Gabriella. Kararating niya lang yata galing sa office ni Master.
"Hmm... B-bakit daw?" I asked nervously. She shrugged.
"Hindi niya sinabi eh. Ang sabi niya lang ihatid daw kita sa office niya. You don't have to worry... I think naman that's not something serious naman." she assured me with a smile.
Kahit ang iba ay pinalakas ang loob ko. Tila umurong ang takot at kaba na naramdaman ko. They never really failed to make me feel better...
Kumatok si Gab sa pinto ng opisina ni Master Hades.
"Come in!" sigaw ni Master sa loob. Binukas naman ni Gab ang pinto. Sabay kaming pumasok na dalawa. "You can now go back to your room Gabriella..." nagbow si Gabriella sa kanya bago umalis. Nagpaalam din ito sa akin. Usually, pag ganitong mga sitwasyon, nanginginig na ako sa takot pero ngayon hindi. Hindi ako kinakabahan... Thanks to the Warriors.
"Bakit niyo po pala ako pinatawag, Master?" tanong ko.
"Have a sit Mizuumi..." tinuro niya ang bakanteng upuan malapit lang sa desk niya.
"Thank you po."
"Uhmm... Paano ko ba ito sisimulan." he let out a heavy sigh. Ako naman ay napakunot noo. "May dapat kang malaman..."
"Ano po 'yun? Tungkol po saan?"
Huwag kang kabahan... Breathe in, breathe out Mizuumi!
"Kinausap ako ng Admin kanina, the one who did your tests. And she said that... Your lab test results was a total error."
"P-po?" Total error?
I wanna stay calm at least, pero hindi ko na yata kinaya. Now I'm starting to feel pressured, and scared at the same time... Halo halo na.
"It was a total error. Meaning... You shouldn't be in Warrior rank and you're not a Mage class." after hearing that, I just forgot how to breathe...
"You don't have any magic Mizuumi..."