Chapter 6: Cold Fire
"According to them, you don't have any magic inside you..." sabi ni Master.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig... Alam ko na 'to una pa lang pero, bakit parang ang sakit? Is it because I want to stay here? Or because, I want to be with them so bad?
Pumasok ako sa mundong to na puno ng pantansya nang hindi ko nalalaman. Wala akong ka-ide ideya sa mga nangyayari. Ni hindi ko rin inaasahang makakapasok ako sa isang prestihiyosong iskwelahan, ang Lignesium Academy, kung nasaan ako ngayon. At alam ko na, na wala akong kahit anong taglay na kapangyarihan katulad ng lahat ng mga taong nandito una pa lamang. Pero nagkaroon ako ng pag asa dahil sa mga sinabi sa akin ni Cane... At ngayong si Master na mismo ang nagsabi, bakit parang hindi ko matanggap? O baka ayaw ko lang talaga tanggapin? Mas masakit pala pag sa iba mismo nanggaling. Lalo na kapag 'yun ay ang katotohanan.
"M-master..." tanging usal ko lang. I can't say no more words...
"Sorry Mizuumi... They found out that there's something off on that machine. They said they already told everyone not to use the Lab but the only Admin who didn't know about it was the one who bring you there, the one who tested you. She had no idea. Sinabihan ko na rin sila na ulitin ang tests baka may mali lang pero nakakailang ulit na raw sila at yun nga. It turns out that you are magicless." paliwanag ni Master.
"A-ano pong mangyayari sa akin?" I asked him. I'm scared to know the answer... Ayokong bumalik sa mundong pinanggalingan ko! I don't wanna live on that cruel world anymore!
"Everything here in Vlione lives with magic... Alam kong alam mo yan. And a magicless like you, shouldn't be in this world."
Yes, I know that. Who am I kidding? I just wanna escape the world where I came from, 'cause I don't belong there. And now that I'm in other world, I still don't fit in. Ipinagsisiksikan ko lang ang sarili ko. Lame.
Wala na bang ikakokomplikado ang buhay ko? Saan ba ako dapat? Should I just die instead? Now I just realized, I was never really blessed. I'm cursed...
Now I'm crying like a kid...
"They already submitted it to the Headmistress who just came back from a two-month vacation. At ang sabi niya, dalawang linggo bago niya irelease sa Magic Council ang information tungkol sa 'yo, kasama na ang mga tests result mo." saad ni Master Hades. Nararamdaman ko ang lungkot sa boses ni Master. Pakiramdam ko naaawa siya sa akin.
"At k-kapag po nalaman na nila kung ano talaga ako, walang kahit anong kapangyarihan... A-ano pong gagawin nila sa akin? Ibabalik... ba nila ako sa m-mundo, kung saan ako nanggaling?"
"No Mizuumi. Hindi ka nila ibabalik o ipapadala sa kahit saan. Once the Magic Council finds out something about you, especially you having no magic. They will not hesitate to kill you... In a brutal way. And after killing you, you will be erased from the memories of those who know you. Even in my memories, or your friends', as if you never existed... That's what Magic Council are capable of."
I was stiffened. I couldn't speak. I couldn't move. I don't even know if I'm still breathing... Or maybe I am, but barely.
Ano ba itong pinasok ko? Bakit umabot sa ganito?
"You still have two weeks... Mizuumi two weeks." napaangat ako ng tingin kay Master Hades. "I know there's a reason of you being here in Lignesium. Hindi naman pwedeng wala hindi ba?" He smiled.
"M-master..."
"I believe in you Mizuumi... You should believe in your self, too."
Those were the last words na narinig ko mula kay Master bago ako tuluyang lumabas ng office niya. Para akong may malalang sakit pagkatapos ay tinaningan ang buhay. After two weeks ay mawawala na ako sa parehong mundo... Ang saklap ng buhay ko. I don't belong in both worlds. Maybe death is really my fate.
"Mizuumi!"
Bakit ngayon pa? Kung kailan naman ang dami ko ng nalalaman... Vlione. Lignesium Academy... Nag uumpisa pa lang akong mamuhay ng masaya eh. Ngayon pa lang din ako nagkakaroon ng mga kaibigan. Paano na lang sina Cane? Si Dwayne. Ang Warrior rank... Sina Nami at Shiro. Master.
Ang sakit... Ang bigat sa pakiramdam.
"Mizuumi... Kanina pa kita tinatawag. Okay ka lang ba?" hindi ko napansin na may tao na pala.
"N-nami..."
"Umiiyak ka... May nangyari ba?" she asked.
She looks worried. Pinunasan ko ang mukha ko pati ang sipong nagbabadya ng tumulo.
"W-wala naman... Okay lang ako." Pinilit kong ngumiti.
"No you're not okay. Come here..." aniya at niyakap niya ako.
Umurong na sana ang mga luha ko, ngayon ay nagsibagsakan na naman. Napakaiyakin mo Mizuumi! Humagulgol lang ako sa balikat niya. Siya naman ay marahang hinahaplos ang likod ko.
We stayed on that position for a minute. Ako ang unang kumalas sa pagkakayakap.
"Better?" Tumango ako.
"Thank you Nami..."
"Come with me."
"T-teka saan tayo pupunta?"
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako at mabilis na tumakbo. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Bawat makasalubong naming estudyante sa hallway ay tinitingnan kami. May mga nagtataka... Siguro ay dahil isang Mythical Glory lang naman ang kasama ko ngayon. Ang Team Captain pa.
Hanggang sa huminto na si Nami kakatakbo. Kaya huminto na rin ako. Napahawak sa magkabilang tuhod. Sa layo ba naman ng tinakbo namin, naubusan yata ako ng hininga. Nakakahingal...
Nagpalinga linga ako sa paligid. Nasaan na ba kami? Saang sulok ng Lignesium ba ako dinala ni Nami?
May parang bahay sa harapan namin. Napatingala ako. May isang banner ng rankmark... Dragon.
"Welcome to Mythical Glory's headquarter!"
Sa pagkakaalam ko, bawal kaming pumunta sa South Wing, kung saan ang teritoryo ng mga Mythical Glory. Tho kahit naman daw maligaw kami dito, hindi namin makikita ang lungga nila dahil nakatago ito. It's hidden so that no one could see or enter it. It's some sort of spell, I guess...
"P-pwede ba ako dito?"
"Oo naman! Ako mismo ang nagdala sayo dito kaya okay na okay lang... Tara?"
Sumunod lang ako sa kanya sa pagpasok. Pagtapak ko pa lang ng dalawa kong paa ay napahinto na ako... Grabe ang ganda!
Kung titingnan mo sa labas, parang maliit na bahay lang. Pero iba pala ang naghihintay sayo sa loob. Parang nasa palasyo ako... Palace with no guards at wala ring trono. May salas sa pinakagitna. May apat na malalaking bintana at ang gagara ng disenyo ng mga kurtina. May parang mini resto bar.
"Oh... That's Mizuumi?" hindi makapaniwalang tanong ni Blaire. Nasa isang sulok siya na para bang nageensayo. May tatlong dummy sa harapan niya tapos may nakapalibot na mga baril sa bawat isa nito.
"You brought a girl here..." hinanap ng mata ko ang nagsalita. May babaeng naglalakad palapit sa amin. Si Xien, Howard's sister.
"She's our friend."
"Siya yung funny girl na sinabi ko sayo. The 'karumal dumal' thingy..." natatawang sabi ni Blaire kay Xien. Namula yata ang pisngi ko sa kahihiyan. Hindi pa rin pala nila nakakalimutan 'yun... But to think na ikinuwento ako ni Blaire sa kaibigan niya, ang sarap sa pakiramdam.
"Nice meeting you in person!" nagulat na lamang ako dahil nasa tabi ko na siya. Ilang metro pa lang ang layo niya sa akin kanina. Pero paanong... "Xien Maegan... You're Mizuumi, right?" tumango ako. I wasn't expecting for this. Nakipag beso pa siya sa akin...
Akala ko masungit siya... Ang bait niya pala! Kinikilig tuloy ako.
I noticed someone sleeping, nasa sofa siya nakahiga. The one with the lightning... Ano na nga ba ulit ang pangalan niya? Nakalimutan ko na. Kanina lang sinabi sa akin ni Cane yun eh.
"That's Kalli..." napansin siguro ni Xien na doon ako nakatingin. Kalli pala. "Dalawang oras na siyang tulog. Baka three days from now, doon pa lang siya magigising."
"No. Let's have a bet, 100 jewels... 1 week." Blaire butted in.
"Geez... Okay, bet. 3 days and 1 week for you."
What the hell? Are they even serious? Parang normal lang sa kanila to. 3 days? 1 week? Ganon talaga siya kahaba matulog? Monster...
"By the way. Lunch is ready... Kain na tayo. Tara Mizuumi." aya sa akin ni Xien. Nauna siyang naglakad. While, Nami lead me the way papunta sa dinning area nila.
"Nasaan 'yung apat?" tanong ni Nami habang hinahain ang mga plato. Ako naman ay tumulong sa paglalagay ng mga baso.
"Shaun is with Shiro. Sabi nila pupunta lang daw sila ng Sanctuary. And as far as I remember, it's Neko's birthday today... So Four's probably there, too." Xien said while placing the placemats on the glass table.
"Bakit di ko 'yun alam?" ani Blaire.
"Kay Silver ko lang nalaman. She said they are planning to throw a surprise party for him."
"My guardian is probably the most useless. Para siyang si Kalli. Laging tulog." reklamo ni Blaire.
"Mine is so...manly? Alam niyo naman si Dwight." Nami muttered.
"How about you Mizuumi? Kumusta naman guardian mo?" asked Xien.
"A... I don't have a guardian."
"She's a new recruit. Hindi pa siya nakakapunta ng Sanctuary. Sa Saturday pa ang taming niya." ani Nami. Nabasa ko ang tungkol sa mga guardian pero hindi ko maalala yung taming chuchu. "Saka, I think it would be impossible for a Warrior to tame a guardian."
"Oh, yeah. Come on, let's eat na..."
"Hindi niyo na ba siya gigisingin?" tanong ko, nakaturo kay Kalli.
"Oh no! Don't ever dare... If you wake him up, matutusta ka lang." kinabahan naman ako sa sinabi ni Blaire.
"Ano pala rank mo Mizuumi?"
"W-warrior."
Liar. Who am I kidding?
Kumakain kami. Nagkukwentuhan... They're sharing their funniest and happiest moments with me. And this doesn't feels good... Bakit ba niloloko ko ang sarili ko? Hindi naman na ako tatagal sa mundong 'to. Dalawang linggo lang, at mamamaalam na ako sa kanila.
It was nice meeting you all... I had fun, so much.
"You're crying... Again." I turned to my right. It was Nami.
"You don't feel okay..." sabi naman ni Xien.
"Nami brought you here... To relax." si Blaire.
"Okay lang ako... Masaya ako, actually." nginitian ko sila.
"We got a job!" narinig ko ang boses ni Howard. Sa may likuran ko. Dali dali kong pinunasan ang luha sa mukha ko.
"You're here... Kumain na ba kayo?" tumayo si Xien.
"May bisita pala kayo?" ani Shiro.
"She's kinda...familiar." narinig ko ang unti unti nilang paglapit sa direksyon namin.
"Mizuumi?" 'di makapaniwalang tanong ni Shiro.
Nagsilapitan sa amin ang dalawa.
"Oh the criminal... Heyo!" kumaway pa si Howard. Criminal? That again... So embarassing.
"Bakit nandito ka? Dito ka na ba? Mythical Glory ka rin?" sunod sunod na tanong ni Shiro.
"I invited her here. And no... She's a Warrior."
"Sayang naman..."
"Ano yang hawak mo?" tanong ni Blaire kay Shiro. May hawak kasi itong papel.
"Ah eto? We sneaked into Master's office before going here." he said confidently.
"Let's go for a job!"
"We already asked Four. He's going with us." Shiro.
"What?" gulat na tanong ng tatlong babae.
"Weh? Hindi nga?" ani Blaire.
"That's... Very unusual." usal ni Nami. "If that's so... Then, let's go!"
"Aye!"
"Isama na rin natin si Mizuumi..."
"H-ha?" Nagulat ako sa sinabi ni Shiro.
"Oo nga. Sama ka sa amin Mizu." Mizu? Blaire already created a name for me. I think, to make it short.
"You should come with us... Ako bahala sa 'yo." Nami said with a wink.
"S-saan tayo pupunta?"
"Havenry. Sa bayan lang..." Shiro answered. Tila wala lang sa kanya ang sinabi niya. Lalabas ng Lignesium? Is that even legal?
"Di ba bawal lumabas?"
"There's no fun, if you don't break rules..." ani Blaire. Isa isa ko silang tiningnan. Their smiles... Why am I having a bad feeling about this? "Isa pa, wala namang makakaalam."
Hindi ko aakalaing magagawa ko to. We were able to escape from the Army. Pumuslit lang naman kami ng Lignesium para daw sa isang trabaho. Anong klaseng trabaho ba 'to? This is like ditching classes. Tho, wala pa namang klase ngayong araw. But still, that doesn't change the fact that we broke one of the rules.
Nasa labas na kami ng Lignesium. Medyo malayo... We're waiting for someone right now, I don't know sino.
"Nasan na ba si Four?" Nami asked, with tone of authority.
"Are you really sure na sasama siya sa atin?" paninigurado ni Xien.
"Baka nagbago ang isip." Blaire murmured, but we heard it.
"I already told him na dito ang meeting place." sabi naman ni Shiro.
"Guys... Tama na kayo kakareklamo. Dadating si Four, okay?" Howard was able to shut them up.
Ako naman nasa isang sulok lang. Nananahimik. Ayokong makisawsaw sa usapan nila. Maiinit ang ulo nila, baka kung ano pang gawin sa akin. Like hey, I'm with most powerful rank, the holy Mythical Glory.
Parang may kulang. Ngayon ko lang napansin wala pala si Bryson... Wala pala ang hangin.
"Mizuumi... You okay?" napansin yata ni Nami ang kabang nararamdaman ko.
"Y-yung totoo? Hindi..."
"Hahahahaha! First time? If you're worried kasi lumabas tayo ng Lignesium ng walang paalam, well cut it. Sabi naman sa 'yo... It's fun to break rules sometimes." she said and smiles.
That smile again! Is this really the Captain of Mythical Glory? Parang mas pasaway pa yata siya sa apat na kasama ko eh.
"Sino pala ang hinihintay natin?" I asked Nami.
"Four. Don't you know him?" Napakunot noo ako.
"Ngayon ko lang narinig pangalan niya. Sino 'yun?"
"R-really? 'Di mo siya kilala?" she said in disbelief. "Four Parker... The most powerful Legend. He's holding one of the five elements of Vlione. The Fire."
I thought I was done with this. Pero hindi pa pala. And this is probably the biggest information na nalaman ko...
And after so many years, he finally came...
Another epitome of beauty... From head to toe. Almost perfect! The bangs. Those long eyelashes and thick eyebrows. And those eyes... He has no emotions at all.
Lahat ay natahimik, walang may gustong magsalita.
Why? What's happening?
Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila.
I realized now, that aside from the two, Nami and Master of Mythical Glory... There's other person that can make their tongues tied. This guy...
"You came?" bungad ni Xien sa kanya. Hindi niya man lang ito pinansin. Ipinasok nito ang parehong kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya.
Ilang sandali pa. Tiningnan niya isa isa ang mga kasama ko. Hanggang sa dumapo ang paningin nito sa akin. Those cold stares...
"Who's this kid?" he finally spoke. I got goosebumps all over my body, hearing his voice. He's a fire, but why is he so cold?
"She's a friend. Our friend..." Nami answered him.
"And?"
"And... She's coming with us." si Shiro naman ang sumagot ngayon. Inakbayan niya ito. They're like best friends. Hindi nagkakalayo ang height nila. Mas mataas nga lang ng isang dangkal si Four kesa kay Shiro.
Inalis niya ang kamay ni Shiro.
"Why?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Kasama namin siya okay? Tapos!" Blaire yelled at him. She just shook her head in frustration.
"I thought we're going for a job?"
"Yes, we are." Howard.
"Then why bring that low rank with us? Bringing a kid around would be a bad idea. What could a Warrior like her can even do?" he look into my eyes again, intensely. Akala ko naman mapapadali na lang ang pagkilala ko sa kanya pero hindi pala. Siya lang yata ang kaisa isang ganito ang ugali sa kanilang lahat...
Pero sabagay, ano nga ba ang kaya kong gawin? I'm not even a Warrior rank. I don't have any magic. In short, I'm useless...
"Four..." it's like a warning coming from Nami.
Ayoko ng ganitong pakiramdam... Baka mag away pa sila ng dahil lang sa akin.
"Walang mangyayari sa kanya dahil nandito naman tayo. So, worry nothing..." I can feel that Shiro is trying make the atmosphere light.
"Four, look... Kami naman ang bahala sa kanya eh. I'll protect her." I was touched by what Blaire said but I really can't take this anymore.
"T-tama siya... Huwag niyo na lang ako isama. Baka maging sagabal lang ako sa trabaho niyo." nginitian ko sila para ipakitang okay lang ako.
"No. You're coming with us." it was Nami again. Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinarap si Four. "Whether you like it or not... You're not the one who's going to decide." may awtoridad na aniya pa. Four bites his lip and looked at me once again.
"If anything happens to you. It's your damn fault..."
Those deadly, cold eyes... It's killing me. I can't read him. I don't even know if he's angry or what. So this is Four Parker...
What a cold fire...