Chapter 7: Dark Side

2366 Words
Chapter 7: Dark Side "Pagpasensyahan mo na siya. He's always like that." bulong ni Howard sa tabi ko. Tinatapik tapik ang aking likod. "Yeah. Pero mabait naman 'yan... And don't worry, hindi ka namin pababayaan." Xien said. Tiningnan ko ang mga nasa harapan ko. Nauunang naglalakad ang dalawa, sina Shiro at Four. Sa bayan ng Havenry daw kami pupunta at may kliyenteng naghihintay doon sa amin. "Ano pala ang trabaho natin?" I asked. I'm really curious. Baka kasi mamaya... Nevermind. Huwag naman sana. Lahat sila ay napatingin sa akin. There they go again... 'Yung mga tinginan na 'yan eh. May masama ba silang balak? "Kidnap. Mangingidnap tayo." —Howard. "Tapos may ransom." —Nami. "Gagawa tayo ng karumal dumal na krimen, Mizuumi." —Blaire. Halos lumuwa ang mata ko sa mga sinabi nila. Ang seryoso ng pagkakasabi nila non, walang halong biro... Seryoso ba talaga sila? "Joke lang!" sabay sabay nilang sabi. What the hell? "Hahahahahaha! Do you really think, we're going to do that?" nakahawak sa tiyan na ani Blaire. "Hindi kami kriminal. Actually, it's a job that can help our clients. Tapos may bayad. Nakalagay iyon sa sulat na ipinapadala nila. And this letter... Sabi dito, To Legends of Lignesium, Nais ko sanang idulog sa inyo ang problema ko. Isang Dark Wizard ang nakapasok sa bahay ko kahapon ng umaga at binantaan ang aking buhay. Kapag hindi ko binigay sa kanya ang kailangan niya, papatayin niya ang buong pamilya ko. Nag iwan ito ng sulat bago umalis. Ang sabi niya babalik siya dito mamayang alas sais ng gabi. Nais niyang kunin ang librong ipinamana sa akin ng Ama ko, ang Dark Side. 10,000 jewels ang ibabayad ko para sa paghuli sa kanya. Umaasa akong matutulungan niyo ako... 'Yun ang nakalagay sa sulat..." Basa ni Nami sa sulat. 10, 000 jewels talaga? Grabe naman... Ang laki ng halaga na 'yun! "Dark Wizard..." I heard Xien muttered. "They're in Havenry... Paanong nangyari 'yun?" tanong ni Blaire habang nakapangalumbaba. Malalim na nag iisip. "Dark Wizards are everywhere... There's no barrier anymore." it was Four. So nakikinig pala siya sa amin kanina pa? "What? Pero... Kelan pa?" nagtatakang tanong ni Nami. "It's been 3 weeks..." "What's happening..." I heard Xien, it was almost a whisper. "Ang Magic Council. Sila lang naman ang may kakayahang gawin 'yun." Shiro said, in a serious tone. Nandito na kami ngayon sa bayan ng Havenry. Medyo matao tulad kahapon na unang dating ko dito. May mga normal na naghahanapbuhay. May mga nakatayong stalls, iba iba ang tinitinda. May naglalako rin ng paninda tulad ng pamaypay. May nagiinstrumento sa tabi, may mga kabahayan at iba ibang shop sa bawat nadadaanan namin. May ibang tao na nakakakilala sa mga kasama ko, tumatawag at kumakaway. "Nandito na yata tayo." Huminto kami sa isang bahay na pagkalaki laki. May matatayog ring gate at nagtataasang pader. Mansyon na yata 'to. Sa may tabi ng door bell, may nakaukit na pangalan ng may ari. 'Jeck D.' Pinindot ni Shiro ang door bell. Automatiko namang bumukas ang gate. Sabay sabay kaming anim na pumasok. Hanggang sa makarating kami sa mismong b****a ng mansyon. May isang lalaking pormal ang suot na naghihintay sa amin. He's a butler, I can say. "Hinihintay na po kayo ni Señor sa loob. Sumunod po kayo sa akin." anito. Binuksan ng dalawang kamay niya ang pinto. Bumungad sa amin ang matandang lalaki na nakawheel chair. May nakatayong babae sa tabi niya na sa tingin ko ay kanyang anak. "Nagagalak ako at pinaunlakan niyo ang kahilingan ko. Ako nga pala si Jeck Daniels, ang sumulat sa inyo. Ito naman ang anak kong si Jairah. Salamat, dahil dumating kayo." saad ng matanda. Nagbow naman ang babae. "Sa katunayan niyan, nagdalawang isip pa si Papa na sumulat sa inyo. Because it's a Dark Wizard that we're dealing here." sabi naman ni Jairah. "Desperado lang ako... Dahil hindi nila pwedeng makuha ang librong iyon. Bukod kasi sa pamana 'yun ng yumao kong ama, naglalaman rin iyon ng mga impormasyong hindi dapat malaman ng isang Dark Wizard." sambit muli ng matanda. "Nasan ang libro Mr. Daniels?" "Nasa isang kwarto." Sumenyas ang matanda sa anak niya na ihatid kami sa kung saan naroon ang libro. Ang laki talaga ng bahay. Bawat madaanan namin, sobrang luwag, ang laki ng espasyo. Tapos may mga paintings na nakasabit at vase sa kahit saan. Sinusian ng anak ng may ari ng bahay ang pinto ng isang kwarto. Para itong library, puro libro lang kasi ang buong kwarto. "Mula noong nagpakita ang Dark Wizard, napagdesisyunan ko ng ilock na lamang ang kwartong ito." Nang mabuksan, nauna silang naglakad papasok. Sumunod lang kami. "At ito ang librong hinahanap niya..." 'Dark Side' "Pwede ko po bang basahin ang libro? I-if you don't mind..." medyo nag aalangan pa ako. I love books. I love reading. Parang gusto kong basahin because of the title. It got my attention. I'm curious. Hinintay ko ang sagot nila. Akala ko hindi ito papayag. Mr. Daniels handed it to me. I opened the book, which the Dark Wizard is after. The author's name is Joaquin Daniels. First page pa lang medyo iba na ang naramdaman ko. Something's off... Or maybe it's just me? 3:30 pm pa lang. Nagpaplano na sila ng pwedeng gawin. Sina Nami, Four, Howard, Shiro, Blaire at si Mr. Daniels ang mga nag uusap usap. Si Xien, hawak ang may hawak ng Dark Side ngayon. Alam ko naman na wala akong maitutulong lalo na kapag kapangyarihan ang pinag uusapan. Habang ako naman ay nagtitingin tingin lang sa mga libro. May natapos na ring akong basahin. Ang mga Author, hindi ko kilala pero ang gagaling nila. Ang gaganda ng mga sinulat nila. "Fond of books too?" I turned to see Jairah, daughter of Mr. Daniels. "Ahmm... Yeah." "Same here. What's your favorite book?" "One Hundred Years of Solitude by Gabriel Garcia Marquez. It was awesome." "Huh? Parang ngayon ko lang yata narinig yan. Is he a new author?" Oh shoot! Hindi nga pala kilala 'yun dito. "O-oo. Yata. Hehe." "Ah kaya pala. I like old authors kasi kesa sa mga bago. Favorite ko yung She is a Secret by Hinata Fallen. It's like a real story of a girl who's from other world. She's a believer. A warrior and a fighter. Waaah! Promise ang dami mong matututunan kapag nabasa mo na." Natulala na lang ako sa sinabi niya. It's almost like me. Nagulat na lamang ako nang may inabot ito sa akin. "Here. Take it. Bihira lang kasi akong nakakakilala ng katulad ko, who love books too. Gift ko na lang sayo, and advance thank you na rin for helping my father." She is a Secret... "T-thank you..." Nakakatuwa naman. "No worries." Bumukas ang pinto ng silid at lahat kami ay tumingin sa direksyon na iyon. Mga maids... May dala silang tray ng pagkain at mga inumin. "Tara... Kumain na muna kayo." Nagmeryenda ang lahat. Well except sa akin at kay Four. Busog pa kasi ako, at saka ayoko ng kumakain habang nagbabasa. Pinilit nila akong kumain pero ayoko talaga. Sa huli ay ako ang nasunod. Lumabas sina Nami, Jairah at Mr. Daniels matapos itong kumain. Nakakainip. Hihintayin pa naming mag alas sais. Nasabihan na rin nila ako sa mga plano nila. Habang nagbabasa ako, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ang apat. And Four was... Napasinghap na lamang ako at agad na iniwas ang tingin. I caught him looking at me. Bakit ba ganyan siya... "Why can't I read your mind?" "H-huh?" I'm so nervous that I'm shaking right now. Presensya niya pa nga lang, napakahirap ng huminga. Tapos 'yung tanong niya pa Why can't I read your mind? What the hell? Mas gugustuhin ko na lang na huwag na siyang magsalita. That would be better... Hinintay ko ang sagot niya pero wala. Hindi na ito nagsalita. Then good... Lumipas na ang ilang oras, hindi pa rin nagigising ang apat. Kahit sina Nami hindi pa rin bumabalik. Tiningnan ko ang orasan sa itaas ng isang shelf. It's already 5:56. "Baka gusto niyo ng gumising... Mag aalas sais na." Kanina ko pa sila ginigising, but there are no responses at all. I'm starting to get nervous. Hindi maganda ang nararamdaman ko dito. "It's like he came first before us..." that cold voice again of Four. Why can't I get used to it? It always sent chills run up and down my spine. At ano raw? "Where's the book?" biglang tanong niya. "N-nasa akin." I can smell something's going wrong... "Just keep the book with you. If someone asks you, don't give it. Don't give it to anyone. Except, if it is me..." the fire ordered me. Niyakap ko ng mahigpit ang libro. May kumatok sa pinto ng silid. We both look on that direction. It's one of the maids. "Nasaan po ang libro? Pinapatanong po ni Señor..." tanong nito. "Why?" it was Four who answered her with a question. "Ipinapatago niya na po." lumapit ang maid sa akin at kukuhanin na sana ang libro pero umatras ako. "N-nasaan siya? A-ako na lang ang maghahatid..." suhestiyon ko. "Hindi na po kailangan. Inatake po kasi si Señor kanina kaya nagpapahinga na po siya sa kwarto niya ngayon." she insisted. Why is she so persistent, in a weird way? "S-sige... Samahan mo na lang ako sa kwarto niya." "I'll go with you too. I just wanna make sure he's okay." Tiningnan niya lang kaming dalawa. Pagkatapos ay ngumiti. A creepy smile. What the? "Hahahahahahaha! Sabi na nga ba eh, he's going to call for a help. And as expected... They called Legends." she said in a very scary way. From a maid, he suddenly turned into a man. Hindi sila nagkakalayo ni Joker. Ang pinagkaiba lang black and white ang get up niya. "Let me introduce myself. I am Greico of Griomore Academy, holding the second rank in Vlione. Pleased to meet you..." "Where's Mr. Daniels? What did you do to them?" Four asked the guy. Naglakad siya at nagtungo sa harapan ko. I'm already nervous with the situation right now, tapos lumapit pa siya sa akin. Lalo lang kumakawala ang puso ko sa kaba... "Oh... Jeck Daniels and your stupid mates? Pinatulog ko lang naman sila. The drinks, it has a sleeping potion. So, maybe the two of you didn't drink it, Isee. Well, enough with the talk. Ang libro lang ang kailangan ko, wala ng iba. Kaya wala akong panahon sa inyo." he said the before disappearing. Where did he go? "Give it to me..." Nagulat na lamang ako nang may bumulong sa tenga ko. He was about to grab my arm but Four was able to grab my waist first, roughly. He then throw some fire balls to the enemy. Nailagan niya naman ang bawat pag atake na iyon ni Four. I was fascinated by how those fire came out from his hands. "So, you're the famous Dragon Slayer... Four Parker holding the fire element hmmm?" Famous? Does that mean kilala si Four sa buong Vlione? Bakit hindi ko 'yun alam? "Why are you after the book?" Four ignored what Greico just said and asked him anyway. Nacurious din tuloy ako. Ano bang meron sa libro na 'to? Hindi ko kasi naintindihan yung ibang mga nakasulat. Kaya ayun, hindi ko na binasa. Saka parang wala namang saysay yung ibang nakasulat eh. "Mahal ang librong yan... Mas mahal pa sa buhay niya." aniya sabay turo sa akin. Napataas ang magkabila kong kilay. "Cut it. It's true that she's no use. But we all know that's not just the reason why you're here. Why do you need the Dark Side?" Did he just agreed on what that joker guy said? Seriously... Cold fire. Hindi naman kailangang ipamukha sa akin dahil alam na alam ko naman 'yun. "Tama ka... Kasi hindi lang mahal ang libro na 'yan eh. Pero bakit ko naman sasabihin sa inyo 'di ba?" "I must read this book... Give me time." usal ko. I was able to get Four's attention. Lumingon siya sa akin. I really wanna know why they are after the book. May sikreto bang laman 'to? What's the Dark Side all about? "Huli na ba ako?" hinanap ko ang boses na iyon nang may bigla na lang sumulpot na babae sa harap namin. Parehong pareho sila ng suot ni Greico. "Oh, hi! I'm Heira of Griomore Academy and you never want to make me angry..." pakilala nito. Nagulat na lamang ako nang makita ko ang dila niya, pang ahas. Akala ko ba mag isa lang si Greico na pupunta ngayon? Na isa lang ang Dark Wizard? "Hindi naman ako papayag na magtawag ang matanda na iyon ng siya lang... Syempre dapat may back up rin ako. Get the book now." utos ni Greico sa kasama niya. "Roger that..." What the hell? Did her arms just turned into a snake? "Run kid..." kalmado lang ang boses ni Four nang sabihin niya iyon. Para bang hindi siya kinakabahan sa anumang kayang gawin ng dalawang 'to. Kumaripas ako ng takbo gaya ng utos niya. Dalawang hakbang na lang ay makakalabas na sana ako nang may pumulupot na kung anuman sa paa ko. "Ahas! Argh! Bitawan mo ako!" walang humpay na sigaw ko. Pilit kong linapagpag ang aking paa. Ayaw matanggal ng ahas! "Ibigay mo sa akin ang libro!" "No! Hindi ko 'to ibibigay!" Nabitawan na niya ako nang may isang tila meteor ang tumama sa balat nito. "Argh! s**t! How dare you!" daing niya. "Now run kid..." "You don't have to tell me 'cause I'm really running..." I murmured. Natataranta na ako. Kailangan kong makalayo at basahin ang libro na 'to. Bakit hindi pa kasi gumigising sina Nami? We need your help! Please wake up! Nakalayo na ako. Ni hindi ko na nga alam kung saang parte ng mansyon itong napuntahan ko eh. Basta madilim sa kwarto na 'to. Tama lang ang liwanag na kaya kong makapagbasa. May mga iilang libro din dito na nakalagay lang sa isang mesa. "Dark Side..." binasa ko ulit yung title ng hawak kong libro. I was taken aback, muntik na ring mapasigaw, when I saw one of the books on the table... It's floating. Bigla rin itong nagliwanag... Nakakasilaw! What the hell is happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD