Chapter 8: Greico of Griomore Academy
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto yakap yakap ang librong kanina ko pa dala. Naaalala ko pa naman ang mga pasikot sikot na nadaan ko kanina. Bawat pasilyo, na tinatakbuhan ko ay sigurado akong nadaanan ko.
"If they really need this... Then, I'll give it to them."
Takot ako, oo. Sa sitwasyon ngayon, hindi ko alam kung anong kaya nilang gawin sa nga kasama ko. The fact na napatulog nila ito ng hindi nila nalalaman, I know they can do something worse than that... Nag aalangan din ako kung kakayanin ba ni Four ang dalawa. At kapag nangyari 'yun, baka isunod nila sina Nami, na kasulukuyan pa namang mga walang malay ngayon.
Greico said, he already expected this pero bakit isa lang ang kasama niya? Are they that confident enough to defeat 6 of them? Ganoon ba sila kalakas?
Tanaw ko na ang pintuan ng kwarto. Kailangan kong ibigay sa kanila 'to. They can't harm no one anymore... Kung ang Dark Side lang naman pala ang gusto nila...
Hingal na hingal akong nakarating sa may pintuan. Nahawak sa tuhod ko ang isang kamay, habang nayakap naman ang isa sa libro.
Naabutan ko silang dalawa— Greico and Heira, abala sa kung anumang ginagawa nila. Napalingon ang mga ito sa akin. An evil smile escaped from Greico's lips. Sino ba naman hindi matutuwa? Ang biyaya na mismo ang lumalapit sa kanila.
"I'm here to give the book. The Dark Side... This is only what you want, right?" Mukha man akong matapang sa oras na ito, but the truth is I'm really shaking in fear big time. Nangangatog ang tuhod ko, my hands are trembling as well. Four told me not to give this to anyone except him. But, I have no choice.
Just trust me...
Agad na lumapit sa direksyon ko si Greico. Inabot ko sa kanya ang libro na kinuha niya naman ng walang pagda-dalawang isip.
"What a good girl..." mahinang usal nito.
"Just don't hurt them, please... Huwag niyong saktan ang mga kaibigan ko." pagmamakaawa ko. May mga nagbabadya ng mga luha sa mata ko... Ayokong umiyak.
He look directly into my eyes... I couldn't help but to look in his dark eyes, too. It's fascinating.
"Too late, sorry..." he replied with an evil smile.
I was frozen. This ain't right!
Automatikong hinanap ng mga mata ko sina Four...
"What did you do to them?!"
Napako ako sa kinatatayuan ko. I didn't expect to witness this kind of bloodshed. What the hell? Are they even human?
I found Four in a corner. Naliligo sa sarili niyang dugo... May isang kutsilyong nakasaksak sa kanyang leeg and it sucks! Hindi ko siya magawang tingnan ng matagal dahil sa itsura niya ngayon. I couldn't even bare to think about it... Kahit sina Xien, Howard at Shiro... They're lying on a cold tiled floor and there were blood all over their body. Si Blaire ay nakasabit sa isang pako, with her mouth open. I'm barely breathing right now. Naninikip ang dibdib ko. My friends... Pinatay sila na parang hayop. Ang brutal ng pagkakapatay sa kanila!
What happened to them? Is this what Dark Wizards can do? They don't deserve this kind of brutality!
I wanna help but, how? I'm already too late...
"M-mizuumi... Ru...run..." napalingon ako sa likod. May pamilyar na boses ang nagsalita.
I was frozen at the moment I saw that person...
"N-nami... A-anong nangyari sa i-inyo..."
Pinipilit nitong gumapang palapit sa akin... Putol ang kanyang isang kamay at isang paa. Puno rin ng dugo ang uniporme niya...
Maya maya pa ay tumigil na ito sa paggalaw. She's not breathing anymore.
"N-nami... Nami!"
I'm now seeing my friends' lifeless bodies...
I couldn't even do anything!
Four is right, I'm very useless! If only I have magic... Kung katulad lang sana nila ako... At kung sana mas maaga ako nakarating...maybe, I could have saved them. But damn! I'm too late! Patay na sila...
And this is all my fault!
Nami's POV
Habang nilalabanan namin ang dalawang miyembro ng Dark Wizards, bigla na lamang pumasok si Mizuumi sa kwarto. Hindi namin inaasahan ang pagdating niya kaya bahagya kaming nagulat. Four already told us na itinakas niya ang libro pero, bakit nandito siya ngayon?
"I'm here to give the book. The Dark Side... This is what you want, right?" matapang na hinarap niya ang dalawa.
"Mizuumi no!" sigaw ni Blaire, pero hindi niya kami pinakinggan.
Hindi ko alam bakit hindi niya kami naririnig o nakikita. O baka ayaw niya lang talaga kaming pansinin...
"What are you planning to do, Mizuumi?" I said, almost a whisper.
Inabot niya sa lalaki ang libro. Tinanggap niya naman iyon ng walang hesitasyon. 'Yan lang naman kasi ang pakay nila, ang rason kung bakit sila nandito. Ang librong Dark Side.
"M-mizuumi... What the."
"What a good girl..."
"Just don't hurt them. Please... Huwag niyong saktan ang mga kaibigan ko." pagmamakaawa nito.
"M-mizuumi..." rinig kong usal ni Xien. Kahit ako ay naaawa sa sitwasyon niya ngayon. She don't want us to get hurt. She wants to protect us. So, she had no choice but to give the book.
Naabutan ko si Four dito na halos hindi na makatayo habang nakikipaglaban sa dalawa. Pinatulog kami, because of a sleeping potion in our drinks, he explained, and that was probably the most stupid situation I've ever been. Hindi namin naisip na baka kumikilos na pala sila habang nandito kami sa loob. The moment I saw the two enemies, tinulungan ko agad si Four na makipaglaban. It was really hard to fight them. Maging ako ay napuruhan matapos ang iilang palitan namin ng mga atake. Hanggang sa may isang Ice Chains ang pumulupot sa kanila. Pinaulanan ng mga baril ang dalawang Dark Wizards... As I turned my back, I saw Shiro and Blaire. Nakita ko rin sina Xien at Howard na ngayon ay tumutulong na rin.
Matapos ang ilang minuto ng paglalaban, I can say, they really are strong. No, I admit it. Ang hirap kalabanin ng mga Dark Wizards... Dalawa lang sila at anim kami pero hindi halatang agrabyado kami. Ang iba sa amin ay sugatan, lalong lalo na si Four. Malakas rin naman ang bawat atake namin sapat na para mapuruhan ang lalaki na kalaban. He can barely move right now. We're also running out of mana... We can no longer fight anymore.
And then Mizuumi came...
Nakahawak lamang si Four sa kanyang tagiliran habang pinapanood si Mizuumi na binibigay ang libro. He has this fierce-looking face. I know what he's thinking right now... Galit siya.
"Damn that kid..." asik nito.
"Too late, sorry..." narinig kong sabi ng lalaki.
We didn't know what happened. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanila bago sila tuluyang naglaho.
"We failed..." muttered Howard, almost a whisper.
"It's her fault." Four said.
"No... It's no one's fault. Mizuumi was just worried and scared and... Maybe she panicked." Xien said in a soft voice.
Nilapitan ko si Mizuumi. I was about to touch her, comfort her, nang mapansin kong parang may iba...
"Shit..." I freaked out.
"Nami? Why?" natatarantang lumapit sa akin si Blaire.
"M-mizuumi... Mizuumi!" niyugyog ko siya.
Mizuumi's eyes turned white. She's not also breathing... She looks dead.
Just what the hell happened to her?
Nagsilapit na rin ang iba sa direksyon namin except Four.
"Anong... P-paanong... Bakit?" Blaire can't even find words to say.
"S-sinong may gawa nito?" Si Shiro na napatulala na lamang, kahit si Howard.
"Illusion..." pumasok ang anak ni Mr. Daniels na siyang nagsalita.
"Illusion?"
"Dark Illusion, that's Greico's magic." sagot nito. "The girl is inside an illusion.. At kapag hindi pa ito nagising sa loob ng limang minuto..." bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "I hate to say this, but... She will die."
"What?" reaksyon ni Xien. Nakayakap ngayon sa kanya si Howard dahil umiiyak na ito.
"N-no way..."
"P-pero... Anong pwede nating gawin?" Naiiyak na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Mizuumi...
"Wala tayong gagawin dahil wala na tayong magagawa... Hindi niyo dapat hinayaang makalapit sa kanya si Greico. No magic can stop a Dark Illusion, unless Greico himself will stop it or, si Mizuumi mismo ang dapat na makalabas diyan sa ilusyon na yan. If she's too weak, that she couldn't fight what's inside, then it will be her end. She will be stuck forever in the darkness."
"N-no way... Hindi pwede 'to!"
"We just have to trust Mizuumi. Let's believe in her... She can get out from that illusion, you'll see." Howard said, encouraging us.
Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin kaming magising si Mizuumi. I know she's brave... Kakayanin niya 'to. Pero hindi maiwasang lahat kami ay mag alala. Dahil apat na minuto na ang nakakalipas. Xien is still crying. Tulala pa rin sina Blaire at Shiro.
"This is all my fault..." napalingon ako kay Shiro. "Kung hindi ko sana siya isinama dito... Hindi sana nangyari sa kanya 'to ngayon." saad pa nito. His voice was so sad, and I couldn't help but cry harder.
"No... I think it's my fault." yes. Ako ang may kasalanan. "I'm the Captain... Hindi ako nag-isip. Kung hindi ko sana siya dinala sa base natin, hindi sana nangyari sa kanya 'to. Sinabi ko pa na ako ang bahala sa kanya pero, nilagay ko lang sa alanganin ang buhay niya." napahilamos na lamang ako sa mukha ko.
I thought bringing her to our lair will make her feel better. She was crying and I don't want to see her like that. Hindi ko alam na malala pa pala ang mangyayari sa kanya. Anong klaseng kaibigan ako? Pinahamak ko lang siya!
"Shut up you two... It's not your fault. Ako ang may kasalanan dito. Nangako akong poprotektahan ko siya pero hindi ko nagawa." One fact about Blaire is that she shows no fear nor weaknesses. She never cried in front of us. She's probably the bravest, kung ipagkukumpara kaming tatlo. But now, it's written in her face. She's worried and sad and broke... Hindi ko alam kung paano niya nakakayang pigilan ang pag iyak niya sa mga ganitong sitwasyon. I salute her...
"No Blaire... Wala kang kasalanan dito." Shiro said with disagreement.
"Kung kasalanan mo, kasalanan ko rin. I won't let you shoulder it alone. Mizuumi is not only your friend. She's my friend, too..." It was unexpected and very unusual to hear those words coming from Blaire. She speaks with a heart now.
We just met Mizuumi... and I want to know more about her. I know all of us here feel the same way. We can't just lose her... Not like this. Not this way!
"I told you already not to bring that girl with us. Don't blame yourselves... It's her fault."
"Hindi mo alam ang nararamdaman nila. Mizuumi is not just nothing for them. She's a friend. You should at least control your f*cking mouth sometimes Four. You, being heartless, isn't what we need right now. Death is what we're talking about here. Not your facts. And definitely not your ego." Howard was able to shut Four up. This is Howard... There's nothing more that could break you but the truth. He's always this straight forward type. But he's always a brother, not just to Xien but to all of us. Tho, he's annoying sometimes.
7 minutes had already passed. Nothing happened to Mizuumi. We're losing hope.
"M-mizuumi... I know you're strong. Gumising ka na."
"Did we just lose her?" Xien's crying like a baby, in Howard's chest. Hinahagod lang ni Howard ang likod niya na sa tingin ko ay nalulungkot rin sa nangyayari. Shiro is just standing, sa harap mismo ni Mizuumi. Si Blaire ay nakaupo lang sa isang sulok, nakayuko, but I know she's not crying. Four was too far. Ako ay nakatingin lamang sa kawalan. Umiiyak... I really don't know what to feel anymore.
Bumalik si Jairah, kasama na ngayon ang Papa niya. They both look sad, showing sympathy.
"Nanggaling ako sa kwarto kung saan itinago ko ang tunay na libro. Hindi ko alam na makukuha pa rin pala nila." hindi ko naintindihan ang sinabi ng matanda. Hindi ko na kayang mag isip... Ayoko ng mag isip. Napansin kong lahat sila ay nakatingin sa kanya. "Ngayong nasa kanila na ang libro, malamang marami ng hindi magandang mangyayari sa mundo natin. Sa librong 'yun nakakubli ang sikreto nila..."
"No you're wrong."
Wait! That voice...
"M-mizuumi...."
She's alive. Like nothing happened...
How?