Chapter 25

2275 Words
#BoDChapter25   Joyce POV   “Paano nangyaring nawawala na silang tatlo ng isang araw lang?” biglang komento ni Nichole sa tabi ko. Marahil tulad ko ay nagtataka rin siya kung paanong sa isang araw ay tatlo agad sa amin ang nawala at ang nakakapagtaka pa ay dahil sa loob ng eskwelahan sila nawala?   Siguro talagang nasa paligid lamang ang may kagagawan nito.   “s**t! What should we do? We have no idea where exactly to start looking for them!” tumayo si Rodniel at napasabunot sa kaniyang buhok. He walks back and forth kaya marahil ay narindi sa kaniya si Ashlie na sumabad na rin.   “Can you guys at least calm down!? Oo nga’t may nawawala na kaya paano kayo hihinahon but your panics wouldn’t help us! Mas lalo lamang ninyong pinapalala ang sitwasyon!” ani Ashlie na pilit ipinapaintindi sa amin ang kaniyang sinasabi.   Itinukod ko ang aking siko sa pares kong tuhod saka yumuko at pumikit ng mariin. Inabot na kami ng tatlong oras at dumidilim narin, marahil ay hinahanap narin kami ng mga magulang namin ngunit may kung ano sa aking ayaw pang umuwi.   Why do I feel like those who gone missing is just near here exactly at where we are right now? Is this hunch even possible? Kasi kung iisipin na talagang may kumuha sa kanila malamang ay sa hindi mataong lugar sila ilalagay kung saan walang nakakaalam.   Bigla akong napaigtad at para bang nabuhusan ng maligamgam na tubig sa ideyang biglang pumasok sa aking isip. Tama!   “Guys I think I know where we can start looking for them! Sa may St. Margarita! Alam niyo yung isang bakanteng malaking lote doon na dating taniman ng mga maisan!? Di’ba wala nang pumupunta roon saka abandunado na ang mga gusali doon na factory ng pagawaan dati ng corn snacks!?” tanong ko sa kanila.   At tama nga ako dahil bigla silang nagsiunatan sa pagupo at tila nabuhayan ng dugo. Unti unti silang lahat na napagawi ang tingin sa akin at kitang kita ko ang pagkaseryuso sa kanilang mga mata ganun narin ang pinagsamang pagasa na mahahanap namin sina Jellaine, Johan at Matt.   “I know that place!” sabi ni Yuri.   “My uncle worked there before when that factory was still open,” saad naman ni Cesiah.   “I’ve been there before and still know the way to go there!” dagdag naman ni Daivy na prenteng nakaupo sa isang swing na dumuduyan duyan pa.   “So, kailan tayo pupunta roon?” kuryusong tanong ni Francis na agad namang sinagot ni Monica.   “We have no time, we will be there tomorrow!”   “Aabsent tayong lahat, ganun?” taas ang kilay na tanong ni Abi kaya lahat kami ay madiing napabaling sa kaniya.   “Obviously, Abi! Bakit nahahati ba katawan mo para yung isang bahagi papasok at yung isa naman maghahanap!?” sarkastikong sabad ni Ashlie na mabilis na ikinangiwi ko.   “Basta bukas! Kailangan na nating mahanap sina Jelliane because we’re not sure if they were o-okay….” Ako naman na ang nagsalita ngunit unti unti iyong humina nang mapadapo ang aking tingin sa kinaroroonan ni Prince.   Medyo malayo siya sa amin ng bahagya at tulala lamang sa kung saan. Mukha namang hindi siya nakikinig sa amin kasi kanina pa siya sa ganiyang posisyon. Tila ba nakuha ng iba ang dahilan kung bakit bigla akong natahimik kaya nang sundan nila ang tinititigan ko ay dinig na dinig ko ang pagpapakawala nila ng malalalim na buntong hininga.   “Kanina pa siya ganiyan,” ani Freshue.   Mabilis akong nagiwas ng tingin at ipinukaw na lamang ang atensyon sa isang poste ng ilaw kung saan unti unti itong nagliliwanag dahil dumidilim na ang paligid. Pansin ko rin na habang palalim na nang palalim ang gabi ay dumadami na ang mga tambay dito sa parke.   Naalala ko tuloy ang nangyari kay France. Ditong dito yun nangyari eh. I shake my head because of the memory and suddenly stood up. Malapit lapit lang din naman dito ang bahay namin at dahil lumalalim na ang gabi ay kailangan na naming umuwi upang makapagahinga.   Dahil bukas, umpisa na nang madugong paghahanap para sa membro ng aming pamilya.   “Guys, let’s call this a day. Go home and have your complete rest because tomorrow, we’ll be draining our energy searching for our friends which is also our family member,” wika ko saka tinitigan sila isa isa. Matapos niyon ay isa isa na rin silang nagsitayuan at kaniya kaniyang tahak sa daan pauwi sa kanilang mga tahanan.   Ngunit bago tuluyang tumalikod, I saw him staring at me intently and it gives me strange feeling. But I shrugged the thought that just came on my head because he is my family, and family wouldn’t do things to harm one of them.   Or so I thought?   “Joyce, tara na!” bumalik ako sa ulirat saka bumaling kay Nichole na kanina pa pala naghihintay sa akin. Muli ko siyang tinignan ngunit naglalakad na siya palayo. Siguro guni guni ko lamang iyon.   “Oo nandiyan na!” sigaw ko pabalik kay Nichole saka patakbo siyang nilapitan.   He’s weird.   *   Dave POV   “Sige una na ako sa inyo, ingat bro!” paalam ni Gian bago pumara ng isang tricycle at agad na sumakay doon. Kumaway pa ako bago tuluyang tumalikod at naglakad.   Ang daming nangyari ngayong araw. Tatlo sa amin ang nawawala, isa ang nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng kaniyang kapatid at si Erish, ang tagal ko nang walang balita tungkol sa kaniya.   Ano na kayang lagay niya ngayon? Gustong gusto ko na siyang makita. Alam ko naman na hindi na bago sa akin itong pagaalala ko sa kaniya lalo na nung nabalitaan kong burado ang alaala niya. Paano kung hindi na bumalik yung alaala niya? Paano kung hindi na niya, ako matandaan?   Parang hindi ko ata kaya yun.   Alam nang mga kaklase namin na gusto ko si Erish, hindi na iyon sekreto pa tulad noong un akong nakilala siya. I always stared at her and watched her move. Saka ang ganda niya tuwing ngumingiti, ang kaso nga lang hindi naman siya palangiti, minsan lang nga kung lalabas ang dimple niya.   Oo, kaya sobrang gandang ganda ako sa kaniya. I really like her so much, simulat sapul pa lamang gusto ko na siya. I still remember the day I confessed about my feelings for her. She just ignored me and left me tongue-tied kasi mostly sa mga napapanood ko kapag umamin ang isang lalaki sa isang babae agad na kikiligin ito ngunit sadyiang pinatunayan niya lamang sa akin na talagang hindi totoo ang mga nangyayari sa movie.   Because I did not even saw her cheeks turn red by that time, does that mean the feelings aren’t mutual? But I don’t care at all, as long as she haven’t told me that she don’t like me I still hope that can like me. And I will be waiting because you couldn’t force someone to like you, and if they ever did like you for just a couple of days after confessing that you like them? That wasn’t the word they called crush, which is only an imaginary feelings.   Instead, the truth is they just compelled their self to like you without them knowing it. Kasi ganun naman talaga eh, sa madaling salita, awa lamang ang bagay na iyon kaya sa huli mabilis ding nawawala kasi yung aw among sekretong nararamdaman ay unti unti naring naglalaho.   Kaya kung hindi pa ako sigurado sa isang bagay, pinapatagl ko muna ito ng buwan o mas matagal pa upang makumpirma lang na tama talaga at accurate ang nararamdaman ko. Because if I wasn’t still sure about the thing, in the end I would just hurt myself or worst, pati ang iba masasaktan ko rin kahit hindi ko naman sinasadya, kasi naging padalos dalos ako sa isang bagay na hindi ako sigurado.   Inilibot ko ang aking tingin sa mga tindahang nagliliwanag dahil sa malalakas na sinag ng kanilang mga ilaw. Nagkalat din ang mga tambay na hawak hawak ang kanilang mg cellphone pang aliw sa sarili. May mga grupo ng mga kalalakihang nagtitimbunan habang walang tigil ang pagkawala ng mga malulutong na mura sa tuwing may nangyayari sa character na nilalaro nila.   May mga kababaihan naman na kaholding hands ang kanilang mga kasintahan na tulad din ng iba, walang kasiguraduhan kong pagmamahal ba o atraksyon lang ang nararamdaman nila.   Hindi rin mawawala ang mga batang nagkalat sa kalsada upang maglaro lamang ng mga patamaang bata o patintero kahit dis ora na ng gabi. Ang iba namang matatanda ay nasa tapat ng mga bahay ng kanilang kapit bahay habang pinaguusapan ang mga nangyari sa buhay ng iba, ang mga tsismosa at tsismoso.   Sa kabilang parte naman ay ang tindahan ng mga ihawan kung saan ang makakapal na usok ay nanggagaling dito. Napupuno naman ito ng mga kalalakihan at kababaihan na naghihintay maluto ang kanilang mga binili.   Sa tapat ay ang parlor o barber shop kung saan ang mga lalaking may damdaming p********e naman ang makikita at matatagpuan. Meron ding mga babaeng may damdaming panglalaki na tuwang tuwa habang may tinitignang larawan sa telepono ng kaibigan.   Napailing na lamang ako sa sarit saring klase ng mga tao ngayon. Talaga ngang kasabay ng pagunalad nang bansa ay ang pagiba na rin ng mga kinauugalian ng mga tao.   While walking, my phone under my pocket rings. Mabilis ko itong kinuha at nang makita kung ano ang pangalan ng caller ID ay agaran ko rin itong sinagot.   “Dave, anak? Where are you? Why are you still not here? I learned about your three classmates, they are missing just this day. God, anak please be here, okay? I’m so worried, and about your classmate who is at the hospital? How is she?” sunod sunod na bungad ni mama.   I sighed before I answered her.   “I still couldn’t be there, ma. And about my classmate in the hospital, I’m going there to visit her so don’t worry about me. I will be there soon as I visited Erish ma, or if you like, you can send my service to get me right after I see my classmate,” mahinahon at magalang kong sagot.   Ngayon naman ay siya ang napakinggan kong nagpakawala ng buntong hininga sa kabilang linya. Napabaling ako sa aking likod nang may busina akong napakinggan, mula doon ay nakita ko ang isang tricycle na naghahanap pa ng isang pasaherong ikakarga bago umalis.   Mabilis ko iyong tinungo upang makapunta na agad sa hospital. At kahit na hindi pa tumatanggap ng bisita si tita para kamustahin si Erish? Pupunta parin ako, hindi ko kayang maghintay na lamang ng mga balitang ibibigay nila sa amin. Gusto ko ay ako mismo ang makakakita sa kaniya.   “Okay, I’ll tell kuya Encho to get you but promise me that you’ll be safe there, okay?” paninigurado ni mama kaya mabilis ko siyang sinagot ng siguradong sigurado.   “Yes ma, promise. So, I’ll be ending this call ma. Papunta na ako doon, I-tetext na lamang kita kapag nakarating na ako ma.”   “Okay, I’ll wait for your text, bye anak,” aniya kaya tumango na lamang ako saka pinatay ang tawag. Thought it looks like I’m rude to my mom but that is our usual talk. Wala lamang iyon kay mama saka alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang pamilya ko.   “Kuya, sa central hospital nga po!” banggit ko sa driver saka upo sa space na natitira. Hindi na ito ang unang beses kong makakasakay ng tricycle kaya alam ko na ang gagawin.   *   Sakbit ang aking bag ay tinungo ko ang room na pasuko ring sinabi sa akin ng nurse sa may reception. Ang sabi niya pa ay hindi raw talaga pwedeng sabihin ngunit sadyang makulit ako, ipinakita ko pa sa kaniya ang aking ID at ang larawan ko sa cellphone kasama si Erish.   Kaya sa huli ay napilit ko din siya.   Mula sa aking nilalakaran na medyo malayo layo pa sa distansya ng kwartong kinalalagyan ni Erish ay alam ko na agad na may tao sa loob nito. Malakas ang kutob kong may tao ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko?   Bakit may nararamdaman akong kakaiba? Bakit parang may panganib o guni guni ko lang?   Nang makarating ako sa tapat ng kwartong inuukupahan ni Erish ay mabilis ko itong binuksan. Hindi na ako nagabala pang kumatok kahit na malaki ang posibilidad na si Tita ang maabutan ko o kaya naman ay si Tito. Ngunit ang tumambad sa akin ay ang isang lalaking nakasuot ng putting gown, and I know that he’s a doctor.   Ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay nang maabutan ko itong may itinurok sa kableng nakakonekta sa katawan ni Erish na walang malay. Agad na bumilis ang t***k ng dibdib ko sa kaba kaya kaagd akong lumapit sa kaniya at mabilis itong kinuwelyuhan.   “Oh, easy boy! Anong ginagawa mo dito? Hindi pa tumatanggap ng bisita ang pasyente ayun sa kaniyang pamilya.” Aniya na mas lalong nakapagpainit ng aking ulo. Seryuso lamang siyang nakatingin sa mga mata ko habang hawak ko ang kwelyo ng polo niyang puti sa loob ng putting white gown na tanging ang mga doctor lamang ang nagsusuot.   “I should be the one who’ll be asking you that! What are you doing here and what are you doing to her? May plano kabang masama kay Erish!? Ano, sumagot ka–“ ngunit hindi pa ako natatapos magsalita nang biglang bumukas ng malaki ang pintuan at pumasok ang……   [End of Chapter 25 – Thank You
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD