#BoDChapter24
Christle POV
Walang tigil sa pagpadaloy ang aking luha sa aking pisngi pababa sa aking leeg. Ni ang pagkurap ay hindi ko magawa habang nakatitig sa larawan naming dalawa ni kuya. Kapit kapit ko ang picture frame kung saan ang litrato kong tinitignan ay kuha nung nakaraan kong kaarawan.
“K-kuya…” sambit ko gamit ang dalawa kong labi na mistulang natuyo na at namamaga.
Halos dalawang araw na akong walang tigil sa pagiyak. Ang hirap pala talagang mawalan ng mahal sa buhay, sobrang hirap tanggapin lalo na kung mahal na mahal mo pa yung nawala.
Humahapdi na ang pares kong mga mata na ngayon ay singkit na dahil sa walang tigil na pagluha. Nahihirapan na rin akong suminghap ng hangin dahil barado na ang aking ilong, halos dalawang araw na rin akong hindi nakakapagayos ng sarili ni ang pagkain sa tamang oras ay hindi ko na magawa.
Wala rin akong sapat na tulog dahil lagi lang akong nakatunganga sa nakangiting mukha ni kuya sa nagiisa na lamang na litratong meron ako.
“Ma, ano pong gagawin niyo diyan!?” sigaw ko at mabilis na nilapitan si mama nang makita kong hinahalungkat niya ang mga gamit ni kuya. Kauuwi ko lamang galing sa school matapos malaman na wala na ang kuya ko.
Hinila ko si mama paalis sa cabinet ni kuya. Galit na galit niyang iniwas ang kaniyang sarili sa aking pagkakahawak saka ako nanggigigil na dinuro gamit ang kanan niyang kamay.
“Ikaw! Ikaw na punyeta kang bata ka! Ikaw na walang ibang ginawa kung hindi ang magdala ng malas sa buhay nami, ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang anak ko! Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang kuya mo! Napakamalas mong bat aka! Sana talaga pinatay nalang kita nung maliit ka pa!” bigla siyang umiyak habang galit na galit na sumisigaw.
Bigla akong natahimik at natutop sa kinatatayuan. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking pakiramdam at ang pagusbong ng sakit at kirot sa aking dibdib. Mabilis na nanlabo ang parehas kong mga mata at wala sa sariling yumuko.
T-tama si mama, ako nga s-siguro ang dahilan kung bakit nawala si kuya.
Ang tanga tanga mo Christle! Ang laki mong tanga, malas at salot sa pamilya! Kung hindi dahil sayo edi sana kasama pa nila ang kuya mo! Edi sana buhay pa siya at nakangiti ngayon sa harapan mo!
“Kung hindi mo sana pinilit ang kuya mong sumama sa outing nila hindi sana mangyayari ang bagay na iyon! Napakawalang hiya mong bata ka! Nagtataka nga ako kung anak ba talaga kita o pinulot ka lang ng babaero mong ama sa kung saan at pinalit sa totoo kong anak!” dagdag niya pa na mistulang mga kutsilyong bumabaon sa aking dibdib.
Hindi ko na napigilan at kusa na lamang kumawala ang mga luhang akala ko ay naubos na.
Bakit ba ganito ang buhay ko? Bakit sa lahat lahat ng tao sa mundo nagpunta sa akin ang iba’t ibang klaseng malas? Bakit kailangan kong danasin ‘to? Bakit sa murang edad nangyayari na agad ang mga bagay na ito sa akin?
Bakit ang malas malas ko!? Bakit ako pa!? Bakit pa ako binuhay ng Diyos kung dadanasin ko lang naman ang mga pasakit na ito!?
Ayaw ko sa buhay ko!!!
“Kulang pa ba? Kulang pa ba ha!? Kulang pa ba lahat ng mga bagay na ginawa ko mapalaki ka lamang para gawin ito sa pamilya ko!? Punyeta kang bat aka! Kahit hindi ako siguradong anak nga talaga kita pinalaki pa rin kita ngunit ito!? Ito lang ang igaganti mo!?” mangiyak ngiyak niyang bulyaw.
“Talagang sisirain mo ang pamilya ko!? Sana ikaw nalang ang namatay at hindi ang kuya mo!”
Sa pagkakasabing iyon ni mama ay hindi ko na napigilang mapahagulgol. Ang sakit, ang sakit isipin na sarili kong ina nagagawa akong sabihin ng ganiyang mga klaseng salita. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa kaniya para magalit siya sa akin ng ganiyan.
Bakit nga ba hindi nalang niya ako pinatay nung maliit pa ako? Edi sana hindi ko mararanasan ang mga bagay na ganito! Kasi sobra na eh! Sobra sobra na yung sakit at bigat na dumadagan sa dibdib ko sa tuwing naririnig at nakikita kong galit na galit si mama sa akin. Para bang pinagsisisihan niya pang binuhay at pinalaki niya pa ako.
At iyon ang sobrang hirap tanggapin bilang isang anak. Iyong nagsisisi ang nanay mong nabuhay ka pa samantalang yung ibang ina diyan halos ikamatay na makita lang na nagkakasakit yung mga anak nila.
Siguro nga tama si mama, siguro nga hindi niya ako totoong anak at pinalitan lang ni papa yung sanggol nung bata pa ako.
Pero kahit na eh, tinuring ko silang pamilya, tinuring ko siyang tunay kong ina, minahal ko sila ng hingit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Pero bakit ganun? Bakit hindi parin lahat ng iyon sapat? Minsan iniisip ko nalang na gilitan ang sarili ko sa harap ni mama baka sakaling sa ganung paraan maging proud na siya sa akin.
Baka sakaling kahit sa isang pagkakataon mapangiti ko siya. Baka sakaling mapasaya ko siya dahil wala na ako sa buhay niya.
Wala na ang batang kinamumuhian niya ng sobra.
“Mula ngayon hindi mo na mahahawakan lahat ng gamit ng kuya mo! Kahit sa ganitong paraan malalayo ko siya sa kamalasan mo kahit wala na siya!” biglang sinabi ni mama at hindi ko na siya napigilan pa ng hakutin niya lahat ng gamit ni kuya at isinilid sa isang bagahe.
Nakatayo lamang ako sa isang tabi habang hinahayaan ang sariling humikbi ng humikbi at umiyak. Nawala na nga si kuya sa akin pati ang mga gamit niyang magpaparamdam sa akin na kahit papaano ay kasama ko parin siya mawawala na rin.
Dumapo ang nanlalabo kong mata sa isang larawang inilipad ng hangin habang patuloy lamang si mama sa pagkuha ng mga gamit ni kuya. Mas lalo lamang akong naluha at bumigat ang dibdib nang muli kong masulyapan ang nakangiting mukha ni kuya kasama ako.
Humigpit ang kapit ko sa picture frame na hawak ko at pikit matang niyakap ito ng sobrang higpit.
Kung si kuya lang ang yakap yakap ko ngayon hinding hindi na talaga ako bibitaw. Hinding hindi ko siyang pakakawalan man lang, hinding hindi ko hahayaang dumulas ang kapit ko sa kaniya. s**t, ayokong wala si kuya. Gusto ko nandito lang siya eh, bakit kailangan niya pang mamatay?
Sunod sunod ang pagpapakawala ko ng hikbi at ang walang tigil na pagsinghot.
Sa tuwing iniisip ko na ako ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala sa akin parang pinipiga ang puso ko. Para itong dinudurog sa sobrang sakit nang nararamdaman ko. Ngayon paano na ako ngayong wala na si kuya? Sobra na ang galit ni mama at sigurado akong mas lalo lamang siyang magiging malala sa akin.
“K-kuya naman kasi eh, b-bakit ba hindi ka l-lumaban? Bakit hinayaan m-mong mangyari i-ito? Bakit mo ako iniwan?”
*
Jelliane POV
Hindi ko maiwasang maluha habang iniiwas ang tingin sa mga ipis na gumagapang sa aking binti. Gustong gusto kong tumili ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka marinig ako ng kung sino at bigla na lamang tapusin ang buhay ko.
“P-Prince….Mommy, D-daddy…” pigil hininga kong bulong sa hangin.
Pinipigilan ko na lamang ang sarili kong masuka kahit na umabot na hanggang sa sikmura ko ang nakakasulasok na amoy ng naaagnas at inuunod na bangkay ilang dipa lamang ang layo sa akin. Hindi ko maiwasang pagtaasan ng balahibo habang bumabalik sa isip ko ang bangkay na iyon. Tila ba kahit hindi na ako nakatingin ay tumatak naman iyon sa isipan ko.
Pumikit na lamang ako at naghintay ng kahit na anong mangyayari. Kung ito man ang katapusan ko ay natatakot na ako. Ayoko pang mamatay, gusto ko pang makita si mommy at daddy. Gusto ko pang makausap si Prince at humingi ng sorry dahil pinaghintay ko siya sa wala.
Gusto ko pang masaksihan ang mga mukha nila. Gusto ko pa silang makausap o kahit makapagpaalam man lang. Ayaw kong mamatay nang hindi sila nakakausap.
Narinig ko ang paglangitngit ng bakal na pintuan kung saan. Umayos ako nang pagkakaupo at sobrang nanlalamig na ako sa kaba. Parang binabayo ang aking dibdib dahil sa malakas at mabilis na pagtibok ng aking puso. Ramdam na ramdam ko ang maiinit na butil ng pawis na dumadausdos pababa sa gilid ng aking noo.
Hindi ko makita kung sino ang pumasok dahil nasa may likudang bahagi ko iyon. Nahaharangan nitong lumang aparador ang pintuan na nasa likod ng lumang aparador. Mga sira sirang gamit naman ang aking nasa tabi, ang kinaroroonan ng bangkay ay sa tabi ng nakabukas na kubeta at may mga basang kariton na punit punit. Meron din akong nakitang mga lumang malalaking gulong sa may pinakagilidan at sa taas nito ay bintana na tanging ang isang guhit lang ng sinag ng araw ang nakakapasok.
Natatabunan ito ng mga kalawanging yero at bulok na plywood. May iba ring malalaking pako sa gilid na bali-balikot at mga kahoy na matataba at malalaki. Sa may kisame naman ay may isang bilog na salamin. Ngunit basag na ang ibang bahagi nito at tanging ang ilan na lamang maliliit na bahagi ang natira dahil halos puro nasa sahig na ang kabahagi.
Napakarumi ng sahig, may mga itim itim na tila ba inanay at may mga tubig tubig na sigurado akong ihi ng mga daga dahil maliban sa mapanghi ay masakit din ito sa ilong dahil sa tapang ng amoy na sinasabayan pa ng nakasusulasok ng amoy galing sa naaagnas na bangkay.
Kung sino man ang nagmamayari ng gusaling ito ay panigurado akong matagal na itong naipatayo. Bitak bitak na ang mga pader na kunting tibag lamang ay paniguradong guguho na ito. Malamang na abandunadong gusali na ito at dahil sa napakatahimik ng lugar, sigurado akong malayo ito sa kinaroroonan ng karamihan.
Nagkaroon ng liwanag kung kaya’t kahit na lubos ang pangangatog at panginginig ng aking katawan ay nagawa ko paring habulin ang kinaroroonan ng liwanag. Ngunit lubos akong nagimbal ng makita ko siya hila hila ang walang malay at duguan si Johan.
“Hayop ka! Hayop ka! Paano mo nagagawa sa amin ‘to!? Pinagkatiwalaan ka namin! Demonyo ka!” tila ba umabot na sa sukdulan ang galit ko kaya hindi ko na napigilan pang sigawan siya ng mga masasakit na salita.
“Paano ko nagagawa ito sa inyo?” pagak siyang tumawa saka muling nagsalita.
“Simple lang naman, Jel. Ang traydurin kayo at isa isahing patayin sa huli. Kaya pasalamat ka dahil hindi ka pa mamamatay ngayon, magkakasama muna ulit kayong lahat bago ko kayo iisa isahing gilitan ang leeg sa harap ng bawat isa!” humalakhak siya na para bang nasisiraan na siya ng bait.
“You fvcking traitor! You son of a b***h! Hindi ka magtatagumpay diyan sa imposible mong plano, tanga! Dahil mahahanap nila kami at ikaw ang gigilitan ko ng leeg sa oras na makawala ako ditong hayop ka!” nanggagalaiti kong sigaw. Pilit akong nagpumiglas mula sa pagkakatali ko sa kakaibang uri ng metal wire.
Ngunit sa huli ay napatili ako dahil naramdaman ko na lamang na tila ba may napunit sa aking balat. Nang silipin ko ang aking binti ay mas lalo akong napatili nang makita kong nagkaroon ng malaking hiwa ang aking binti na hindi sinasadyang nadali ng isang nakausling kalawanging malaking pako.
Mas nanaig naman sa akin ag matinding takot nang makita ko ang isang malaking daga na papalapit na sa aking bagong sugat.
“Tangina mo! Pakawalan mo ako di – aray!!!!” reklamo ko nang mas lalong humahapdi ang aking sugat. Ngunit kung ang dating ipagtatanggol ako ay mas lalo lamang napahalakhak sa nangyari sa akin.
“See that!? That’s what you get for cussing too much, Jel. If I were you, I would just behave.” Aniya at napatili na lamang ako ng bigla niyang itinulak sa aking direksyon ang walang malay na si Johan. Sobrang kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko nang masaksihan ko ang pagtama ng panga ni Johan sa gilid ng lumang aparador.
“Hayop ka talaga!!!”
*
Third Person POV
Nagtipon tipon ang magkakaibigan sa isang parke matapos magsimulang maghanap sa bawat bakanteng lote sa kanilang lugar, mapavillage man o slum site. Humahangos at pagud na pagud na isinandal ni Joyce ang kaniyang likod sa isang matanda ng puno bago pinagmasdan ang kaniyang mga kasamahan.
Ngunit agad siyang nagtaka nang makitang kakaunti na lamang sila at mapansing may mga nawawala sa kanila.
“Guys, where’s Matt and Johan? Why are they not here?” she asked confused and suddenly Carlo from the left side stood up and answered her.
“Johan went missing right after the three of you left the room,” mababakas ang lungkot sa boses nito. Ngunit akma na sana siyang magtatanong tungkol kay Matt kung nasaan ito nang naunahan na siya ni Gian.
“Matt is also missing; he’s not with us after we left the school.”
At dahil doon, tila ba mas lalong napanick ang magkakaklase dahil sa nalaman. Ngayon ay tatlo na ang nawawala sa kanila at hindi nila alam kung saan ang mga ito hahanapin.
[End of Chapter 24 – Thank You