#BoDChapter23
Ashlie POV
Nagulat ako sa mga nalaman ko kanina. Ewan ko ba pero may kung ano sa akin na kakaiba eh, may mga ideyang pumapasok sa isip ko pero ayaw ko itong paniwalaan. All of the ideas that inside of my head are driving me insane and it was really hard to believe at.
Paano ako maniniwalang isa lang sa amin ang may kagagawan nun? Hindi, may sinumpaan kami kaya malabong isa sa amin. Saka mahal namin ang isa’t isa kaya hindi namin hahayaang may mapahamak sa kung sino man sa amin.
And we hold to that promise and pledge.
Pero ang hindi ko maiwasan ay ang mga napapansin ko. Parang nakakapagtaka namang bigla kaming nagkaroon ng bagong kaklase sa gitna ng taon? Mostly kung ganitong mga school days ay abala na ang lahat sa kanilang mga studies. Pero ano ang dahilan kung bakit nagtransfer si Agatha sa amin? Nope, what is her reason to transfer?
Malabo namang nakick out siya dahil ang eskwelahan ngayon ay hindi ginagawa ang bagay na iyan. Parents of every students has their power to control the school, at sa kaso ni Agatha ay malabong mapatalsik siya.
She looks like the daughter of a billionaire.
“Ash, what do you think of Agatha?” biglang tanon ni Monica sa tabi ko habang naglalakad kami. Nakasunod lamang kami sa iba pa naming kaklase. We’re doing our searching to find Jelliane. And about her, I’m so worried.
Kaclose ko din si Jelliane at ang tagal narin ng pinagsamahan namin. I hope she’s fine and sana may makuha agad kaming ideya kung nasaan siya. Iniisip ko palang iyon kinuwento sa amin ni Johan tungkol kay Daphne, iyong nawalang bata nung nakaraang araw lamang at saka iyong tungkol sa litrato na nakita nila dun sa letter na pinadala ay sobra na akong kinakabahan at natatakot.
Paano kung yung nangyari sa kuya ni Christle ay mangyari rin kay Jel? No, hindi pwede, ayaw ko nang may mawala ulit na isa sa amin. Hindi na namin kaya, kung kay Mary pa lamang ay hirap na hirap na kami paano nalang kung pati kay Jel mangyari pa?
Paniguradong masasaktan ng sobra si Prince. Oo nga’t kahit minsan ay hindi mo man makikita na mukhang may pakialam ang isang cold na lalaki sa isang kiti kiting babae pero alam ko, alam naming lahat kung gaano kamahal ni Prince si Jelliane.
Ngayon pa lamang na nawawala ito ay ganun na ang reaksyon ni Prince ano pa kaya kung may nangyari nang masama kay Jelliane? He couldn’t accept that, we couldn’t accept that. It’s really hard to accept that and we don’t know how to cope again in case that thing happen.
And about Agatha? Isang malaking misteryo ang katauhan niya para sa akin. May kung ano sa kaniya na hindi ko maintindihan. Kailangan ko iyong malaman.
“Agatha? I just think that she’s a witch who suddenly appeared out of nowhere with her flying broom,” I said casually but that wasn’t a joke. Totoo ang sinasabi ko. Iyon talaga ang tingin ko sa kaniya at naiisip ko.
Para siyang isang mangkukulam na biglang lumutaw dala ang kaniyang pagiging misteryuso.
“You know what Ash? I’m so worried about Jelliane, and please include Prince on the list, seeing him crying makes my heart broken. Ang hirap palang makakita ng mga lalaking umiiyak no? Nadadala ka ng emosyon nila. Watching him kanina almost made me shed a tears,” muling saad ni Monica and all I could do is nod my head.
She’s right, nakilala namin si Prince na tahimik at napakacold ng personality. Pero kanina? Iba eh, para akong nakatingin sa isang taong namatayan ng mahal sa buhay. Yung para bang nagfa-flashback sa isip mo lahat nung mga araw na nakikita mo silang masayang magkasama tapos biglang boom! Ang hirap iexplain eh, pero iba yung sakit.
I’ve saw many girls cry but his was different. Sobrang lakas ng ipekto sa mga nakakakita, parang nararamdaman mo rin kung ano yung nararamdaman niya. Parang yung sakit ay naibabahagi niya sayo na hindi mo nalang namamalayan na naluluha ka na rin pala.
“Johan!?”
Napabaling ako sa likod nang marinig ko ang nagaalalang boses ni Carlo. Naabutan ko siyang nakikisingit habang papalapit sa amin. Nakakunot ang kaniyang noo at mahahalata ang pagiging balisa nito base pa lamang sa kaniyang mga mata.
Nang magawa niyang makalapit sa amin ay agad siyang nagsalita. Kinapitan niya pa kami ni Monica sa magkabila naming braso habang seryusong tinatanong kung nasaan si Johan.
“Ash, Mon, nakita niyo ba si Johan? Alam niyo kung nasaan siya? Kanina ko pa siya hinahanap kaso hindi ko siya makita! Ang sabi ni Joyce ay nakasunod lamang sa kanila ni Matt si Johan nang lumabas sila sa classroom pero wala naman si Johan nung makasalubong ko sila. Itatanong ko sana kung nasan si Johan pero hindi na nila alam!” sunod sunod nitong sinabi na tila ba labis na kinakabahan at hindi mapakalai.
Nagkatinginan kami ni Monica. I turned my head to see my classmate getting far from the three of us. Wala silang kaide-ideya sa kung gaano kabalisa si Carlo ngayon habang nagtatanong kung nasaan na nga ba si Johan.
“Carlo, sandali lang! Baka naman may pinuntahan lang,” kalmado at pilit na pinapahinahon ni Monica ang huli ngunit sadyang hindi iyon alintana ni Carlo.
“Hindi eh! Ang sabi niya kanina sasabihin niya daw kay Ms. Roselyn pero nung pumunta akong faculty at tinanong si ma’am ang sabi niya hindi daw siya kinausap ni Johan!” siguradong sambit niya.
Bigla siyang bumitaw sa amin at napasambunot sa kaniyang buhok. Gigil na gigil siyang tumingala saka muling nagsalita.
“Paano kung pati s-si Johan n-nawawala na rin!? Hindi pwede! Hindi!” ani Carlo bago mabilis na tumakbo papunta sa iba pa naming kaklase na sobrang layo na sa aming kinatatayuan. Muli kaming nagkatinginan ni Monica na parehas naring may pagaalala sa hitsura saka mabilis na tumakbo at sinundan si Carlo.
May iba pa kaming estudyanteng nadadaanan ngunit wala na kaming pakialam kahit pa galit na galit na silang nagrereklamo dahil nasasanggi namin sila ni Monica. Ang mas mahalaga sa amin ngayon ay ang kapakanan ng bawat isa.
Pero paano kung tama si Carlo?
Paano kung pati si Johan ay nawawala narin?
Paano kung pati siya ay kinuha narin ng taong nasa likod ng pangyayaring ito?
“Carlo!” tawag pansin ni Monica ngunit hindi niya kami nilingon, bagkus ay tuloy tuloy lamang ito sa pagtakbo upang maabutan ang iba pa naming mga kaklase. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa mga nangyayari.
Kung sakali mang tama ang hinala ni Carlo, edi ibig sabihin niyon ay kami ang pakay ng taong nasa likod ng lahat ng ito?
Paano kung may kaugnay rin ito sa pagkamatay ni Mary?
Paano kung may kaugnay rin ang mga nangyayaring ito sa pagkamatay ni Mr. and Mrs. Medez pati narin si Mr. Roxas?
Posible kaya?
“Johan sandali, hintayin mo kami!” sigaw ko na rin saka mas binilisan ang pagtakbo maabutan lamang siya.
I need to find out.
*
Third Person POV
“Try to eat this one, this is your favorite,” nakangiting inabot ni Mrs. Basilio sa anak na hanggang ngayon ay wala paring maalala ang isang piraso ng hiwa na nabalatan na pulang pula na mansanas kasama ang isang hiwa ding peras.
Nakangiti man ang ginang ay bakas na bakas naman ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa anak na walang imik habang nakahiga lamang. Tandang tanda pa ni Mrs. Ginang ang unang araw na makatikim ng anak ng peras nung araw ng pasko halos labing lima narin ang nakakaraan.
Walang karea-reaksyong bumaling ang tingin ni Erish sa kaniyang ina na umaasang tatanggapin niya ang isang pirason hiwa ng peras o kahit ang mansana man lamang. Ngunit dumaan ang ilang minute ay nakatitig lamang ang dalaga sa kamay ng ginang na may hawak hawak na prutas.
Dahil doon ay mukhang nakuha agad naman ng ginang na ayaw kumain ng anak kaya mabilis niyang ibinalik sa isang pinggan ang mga hawak. Nang may tumulong luha sa kaniyang pisngi ay patago siyang tumingin sa gilid saka pinunsan ang luhang kusa na lamang pumatak.
Sa kabilang bahagi naman ay bumalik sa pagkakatulala sa hangin ang dalaga na ultimo ang paggawa ng kahit na maliit na ingay ay hindi kaya. Tila ba naging burado ang isipan nito at ang lahat ng mga alaala ay biglang nawala tulad na lamang ng parang bulang naglaho sa hangin.
Pagkatapos mapunasan ni Mrs. Basilio ang kaniyang luha ay inayos niya ang mga pinagbalatan ng mansanas at peras saka ito inilagay sa isang plastic at itinapon sa malapit na trash bin. Maya maya pa nang saktong muli siyang makaupo sa katabing upuan ng hinihigaan ni Erish ay bumukas ng malaki ang pintuan at agad namang iniluwa nito ang bunsong anak na si Hella kasama ang matandan ng ina at ang nagaalala niyang asawa.
“Mommy!” masayang bati ni Hella sa ginang na mas lalong ikanaemosyon naman ni Mrs. Basilio.
Paano ko ba ipapaliwanag kay Hella na walang maalala ang ate niya? I’m sure that it would be hard for Hella to understand that especially that she knew how Erish loves her so much.
Sambit niya sa kaniyang sarili. Mula doon ay mas lalaong pumatak ang kaniyang mga luha kaya mabilis siyang nagpaalam na pupunta lamang ng comfort room ngunit ang totoo ay nais niya lamang pawiin ang kaniyang luha para maging matatag.
She needs to be strong for the sake of her family especially her daughters. Hindi makakatulong ang pagiging mahina, mas lalo lamang itong makakasaam.
Nagpakawala ng napakalalim na buntong hininga ang ginang bago humarap sa katapat na salamin.pinagmasdan niyang mabuti ang kaniyang itsura na halos ilang araw ng walang matinong tulog. Mapaaraw o gabi niyang binabantayan ang panganay na anak kung sakali mang may kailanganin ito.
Napakalaki na ng kaniyang eye bag at halos mangitim na ang palibot ng kaniyang mata. Naniningkit na rin ito dahil sa walang tigil niyang kakaluha. Sobra siyang nagaalala para kay Erish na isang linggong walang malay at ngayon naman ay burado ang alaala?
“How is she, Dr. Gamboa? Is my daughter fine?” tanong ni Mr. Basilio sa doctor na kalalabas lamang ng silid kung saan nasa loob ang anak na panganay. Kitang kita ni Mrs. Basilio ang pagbakas ng pagud at kalituhan sa mukha ng doctor ngunit nang magangat ito ng tingin sa magasawa ay mabilis din naman itong napalitan ng isang ngiti.
“Don’t worry, Mr. Basilio. I will do everything to make you daughter fine, but as for now, good thing she’s already awake and conscious. Ngunit sana maintindihan ninyo na hindi pa natatapos ang epekto ng drogang ginamit sa inyong anak,” dagdag nito na agad namang ikinalito ng mukha ni Mr. Basilio.
Umusbong naman ang matinding kaba sa sistema ni Mrs. Basilio na labis ang pagaalala sa kalagayan ng kaniyang panganay na anak.
“W-What do you mean, doc?” kinakabahang tanong ng ginang. She couldn’t remain silent knowing that her daughter wasn’t good especially the day when she learned that kinds of different drugs with high dosages were inhaled by her daughter.
Tumungo ang doctor habang nakatingin lamang ang magasawa dito naghihintay hanggang sa msagot ang kanilang katanungan.
Dr. Gamboa let go a deep sigh before he answered Mrs. Basilio’s question.
“Due to the high dosages your daughter had inhaled, she is suffering from what we called temporary memory loss. It was because of the effects of the drugs that was used over her, but we can assure you that it is only a temporary memory loss, it wasn’t permanent and she could still remember all her memories. But…” biglang tumigil sa pagsasalita ang doctor kaya mabilis na sumabad si Mr. Basilio.
“What is it, Dr. Gamboa. Tell us, anak namin ang pinaguusapan natin dito kaya sabihin mo sa amin,” mariing wika ng ginoo. Tinitigan siya ng doctor bago muling nagpatuloy.
“It could take her months or possible ding abutin ng taon bago mawala ang bisa ng epekto ng mga droga. That is the long-term effects of the combination of drugs that your daughter inhaled. Ang mga nakaraang coma for one week ay ang short-term effects of the drugs at masasabi kong maaari pa iyong maulit,” ani ng doctor.
“Diyos ko po, ang anak ko!”
Dahil sa napakinggan ay unti unting nanghina si Mrs. Basilio na mukhang hindi kinaya ang mga impormasyong napakinggan galing sa doctor. Mabilis namang agad siyang inalalayan ng kaniyang asawa.
Maluha luhang pinagmamasdan ng ginang ang kaniyang repleksyon sa salamin habang inaalala ang araw na iyon kung kailan sina ng doctor ang kondisyon ng panganay niyang anak.
“Diyos ko po, naway tulungan ninyo ang anak ko!” bulong niya sa hangin saka tumungo at ngayon ay hinayaan nang umagos ang mga luha pababa sa kaniyang pisngi.
*
Unti unting gumalaw ang kamay ni Jellaine at kasabay ang pagmulat ng mabibigat na talukap ng kaniyang mga mata. Hilong hilo siya at ramdam na ramdam niya ang matinding hapdi at kirot sa bahagi ng kaniyang ulo.
Makalipas ang ilang sandali ay umayos siya ng pagkakaupo at natagpuan ang sariling nakasalampak sa isang maduming sahig kung saan napakaraming buhangin at may mga patay pang ipis at malalaking daga. Ngunit ang mas lalong nakapagpataas ng kaniyang balahibo ay ang naagnas ng bangkay ng isang halos hindi na maitsurahang bangkay malapit sa kaniyang kinauupuan.
Buong lakas na napatili si Jelliane ng gumalaw ang paa nitong punong puno ng mga uod at lumabas mula sa butas ang napakaraming maliliit na daga at ipis.
[End of Chapter 23 – Thank You