Chapter 22

2343 Words
#BoDChapter22   Freshue POV   Tahimik akong naupo sa aking upuan. Pansin ko ang katahimikan sa buong classroom at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Ilang sandali pa ay pumasok si Joyce na may pait sa mukha. Kibit balikat siyang pumunta sa unahan ng silid at inagaw ang atensyon ng lahat.   “Makinig muna!” sigaw niya. Ngayon ay nakatingin na ang lahat sa kaniya, naghihintay na muli siyang magsalita at sabihin kung bakit.   Ngunit nang bigla siyang bumaling sa entrance door at may sinenyasan na pumasok ay gaya ng iba, napatingin din ako sa may pintuan. Mula doon ay pumasok ang isang babaeng nakasuot ng salamin, naka fist tale ang maiksing buhok, sakbit ang malaking back pack sa likod at yapos yapos ang tatlong makakapal na libro.   Pinagmasdan ko siyang mabuti at inalala ang kaniyang mukha. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko lamang matandaan kung saan ko siya nakita noon. Pero sigurado talaga akong siya yun, ang kaso lamang ay hindi ganiyan ang ayos niya, o baka naman kahawig niya lamang?   “Uy! May bago!?” Ani Terrod na mabilis n ginatungan ni Carlo.   “Ayus ah! May new adviser and now new classmate!?”   Nagkaroon din ng iba’t ibang opinion ang iba ngunit agad naman silang pinatahimik ni Joyce na mukhang iritang irita na. First time kong makitang mainis si Joyce ng ganiyan.   “Manahimik nga muna! Pwede!?” sigaw niya na agad namang naging rason upang tumahimik ang lahat. Malamang ay nakuha na rin nilang wala sa mood si Joyce. Bakit kaya?   “Huy, bes! Sino yan?” dinig kong tanong ni Nichole sa una, sa unahang bahagi kasi sila parehas ni Joyce nakaupo kaya madali para sa kaniya na tanungin ito ng hindi malakas. Ngunit dahil immune na malakas talaga ang boses ni Nichole ay dinig na dinig naming lahat iyon.   Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya ni Joyce kaya naitikom ni Nichole ang bibig niya. Nang makitang wala ng may balak na magsalita ay tumikhim si Joyce at tila ba pagud na pagud na naupo sa teacher’s seat.   Tumingin siya sa babaeng nasa tabi niya lamang na napakalaki ng ngiti sa labi bago nagsalita.   “She’s Agatha–“ ngunit hindi pa siya natatapos magsalita nang sumabad ang katabi niya. I saw how Joyce’s face crumpled with frustration.   “Good afternoon, everyone! I am Agatha Eunice Psalm from Mary Grace High! Transferee and I will be a new part of this family! I’m hope I am welcome here!” nakangiti at punong puno ng kompedensa na pakilala nung babae.   Walang nagsalita at mataman lamang siyang tinitigan. Binabantayan ang bawat kilos at sinusuri ang pigura niya. Ngunit ilang segundo pa lamang ng biglang nagsalita si Gian.   “You’re gladly welcome here in our family! And nice to meet you Agatha!” aniya.   Kung sa normal na section ay masaya pa ang iba na magkaroon ng bagong kaklase, sa amin iba. Kabaligtaran ang amin. We prefer to not have a new classmate. Masaya na kami sa kami kami lang ang magkakasama kasi kilala na namin ang bawat isa eh. Kami kami ang magkakasama nung nabuo kami kaya kahit wala nang dumagdag ay ayos lamang sa amin.   At ang isang dahilan, ayaw namin ng plastic. Once na mapabilang ka sa section namin, kung ano ang sekreto ng isa ay sekreto mo na rin. Ang maglabas ng sekreto ay hindi na maabutan ng kinabukasan.   Here in our section, we pledge to be one. We pledge to stick to each other. We pledge to protect each other no matter what happen. But if you did not pledge? You are not welcome in our section instead death will welcome you six feet underground.   “Agatha Eunice Psalm? Why do it sounds like a disguise devil?” baritonong saad bigla ni Matt na nakakuha ng atensyon naming lahat. Sabay sabay namin siyang binigyan ng nagtatakang tingin habang siya ay nakatungo lamang. Kalmado siyang nakaupo habang nakakibit balikat, magulo ang itim na buhok at prenteng nakasandal sa kaniyang upuan.   Nang magangat siya ng tingin ay saktong tumama ito kay Agatha na nasa unahan. I looked at her and saw how her sweet smiles slowly fade away. It’s as if she just hear unpleasant word. Unti unting umarko ang kaniyang kilay na kahit nahaharangan ng makakapal niyang salamin ay hindi nakatakas sa aking paningin.   “Pardon?” ngunit kahit na ganun ay kalmado pa rin siyang nagsalita. But after hearing it, Matt suddenly laughed sarcastically that made us all confuse.   “What a great pretentious and hypocrite claiming Excellency!” nakangiting sinabi ni Matt habang nakatitig lamang kay Agatha.   I don’t get him and I couldn’t read him! Para bang may malaking pader na naghaharang upang hindi namin mabasa kung ano man ang iniisip niya.   Ilang sandaling katahimikan at wala akong ibang nagawa kung hindi ang ilibot ang aking tingin sa aking mga kaklase. Ang iba sa kanila ay kunot na kunot ang noo habang nagpapalipat lipat ang tingin kay Matt at Agatha samantalagang ilan naman ang walang pakialam katulad na lamang ni Daivy, Grachell, Ashlie, Gian, Yuri at Dave. Ukupado sila ng kani kanilang isipin na mistulang walang pakialam sa nangyayari sa paligid.   I was about to get my book in my bag para magbasa na lamang din at huwag nang makinig pa sa nangyayari nang magulat ako dahil pati si Agatha na kanina ay nakangiti lamang na ngayon ay tumatawa na ng malakas. She laughs like completely a witch who succeeded making a deadly potion.   “What a genius! You amaze me on that, Mr. I-don’t-care-about-your-name! Tsk, I underestimated students of this school! I’d thought no one would ever know that I was just pretending to be a nerd!” natatawa niyang sinabi.   My eyes literally got big upon hearing her. Kung kanina ang bait bait niyang tingnan, kung kanina mukha siyang inosente, ngayon naman ay mas mukha pa siyang maarte kaysa kay Daivy at Ashlie! Ni tinalo niya pa si Monica! Bakit nga ba hindi ko rin naisip na baka nagpapanggap lang siya?   Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Matt at Agatha. Mukha namang nakuha narin nila ang atensyon ng iba pa na tila ba ay mukhang interesado sa nangyayari. Mataman lamang na nagkatitigan sina Matt at Agatha na ngayon ay ibinagsak na sa teacher’s table ang tatlong makakapal na libro.   Tulad ni Matt ay nakakibit balikat na rin ito at wala na ang makakapal na salaaming pumapaibabaw sa kaniyang singkit na mata. Right now by just staring at this girl beside Joyce, I couldn’t help but noticed how grumpy she looks like.   No offense, she look so beautiful though. Ngayon naman ay si Joyce na ang sobrang nakakunot ang noo at kaunting kaunti na lamang ay sasabog na sa sobrang inis. Ngunit nang akma na sana siyang magsasalita ay biglang bumukas ang pintuan na agad na iniluwa ang tatlo pa naming kaklase.   Humahangos na pumasok si Erol kasama si Rahizen at ang matamlay na si Prince. I feel bad upon seeing him in that state. Mamula mula ang mga mata, sobrang g**o ng buhok, gusot ang polong suot at napakalungkot ng mukha.   He looks like a mess. Mukha pa siyang pagud.   “Anong nangya – Prince, you looks like s**t!” biglang bulalas ni Grachell na mabilis na napatayo nang makita ang tatlo.   Ganun din ang nagawa naming lahat. Nakuha nila ang atensyon naming lahat at unti unting bumakas ang kaba sa aming mga dibdib lalo na dahil sa ayos ng tatlo. Pagud na pagud silang tatlo at lubos na napakalungkot nilang tingnan.   “s**t! Bakit parang kulang tayo?” nagtatakang tanong ni Johan.   Nagkatingin kaming lahat sa at tila ba inaalam kung sino pa ang wala ngunit agad iyong naputol nang biglang umimik si Rahizen na sinundan naman ng nagpipigil na iyak na si Prince. Erol tried to reduce the tension by assuring us but it wasn’t enough.   “J-Jelliane is missing.” Saad ni Rahizen habang nakayuko.   “We tried to look for h-her but she’s not a-around. Fvck! I really s-should’ve go with her even if she r-refused!” piyok na naisambit ni Prince saka pabagsak na sumadal sa pader. He covered his face and I know that she’s crying.   We are all quiet and just hearing them out. Mababakas na rin ang pagkabahala sa mukha ng lahat. Ang iba ay biglang napaupo dahil mukhang hindi ma process ang napakinggan.   “But we will find h-her, okay!? We will find Jelliane and she’ll be with us again!” Erol assured us. Ngunit tila ba wala itong epekto. Ang malaman pa lamang na nawawala ang isa sa amin at hindi sigurado para sa kalagayan nito ay lubos na nakakalungkot.   This is the first time that one of us got missing. At hindi namin alam kung ayos lang ba siya.   “J-Jell,” mahinang bulong ni Prince na mas lalong nakapagpabigat ng dibdib ko. I’m witness upon their good relationship and it is really hard for him to know that Jelliane is missing.   *   Third POV   Matapos malamang nawawala ang isa sa kanila na si Jelliane ay tila ba nalunod sa mga isipin ang bawat isa sa kanila. Ang hindi nila alam, abot abot hanggang langit ang saya ng salarin na isa lamang sa kanila habang pinagmamasdan ang mga mukhang mababakas ang labis na pagkabahala at pagaalala sa lahat.   Ilang sandali pa ay narinig nila ang pagtunog ng kampanilya hudyat na magsisimula na ang klase. Kahit lunod sa mga isipin ay pinilit nilang making sa discussion ng bawat gurong pumapasok at nagtuturo sa kanilang lahat.   “Okay, class dismiss!” Anunsyo ng panghuli nilang guro bago ito nagmamadaling lumabas ng kanilang silid na tila ba ay meron silang mga nakakahawang sakit.   Sa kalagitnaan nang napakatahimik na paligid ay biglang tumayo si Johan at may pait na tinignan ang kaniyang mga kaklase. Sa lakas ng impact naang kaniyang pagtayo ay gumawa ito ng ingay. Ang iba na malapit ay na sa kaniya ay nakuha niya ang atensyon ngunit tila ba wala lamang ito sa iba.   “Hindi ko ito palalagpasin. Isa na ang nawala sa atin at hindi ako tutunganga lang na walang gagawin. I heard about Mrs. Medez daughter when she got missing two days ago. Paano kung iisa lang ang kumuha sa kanilang dalawa at hindi lang sila ang mawala? Paano kung–“   “So what would you do?” malamig na tanong ni Matt na ikinatahimik ni Johan. Nagiwas ng tingin ang iba dahil kahit sila ay hindi alam kung ano ang gagawin.   “I will ask for help….again. At kung sakaling…kung sakaling wala paring tumulong?” napalunok si Johan bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. Humigpit ang kapit niya sa strap ng kaniyang bag.   “Then fvck them! Kung hindi sila tutulong edi wag! Guys! Kailangan nating gumawa ng paraan!” buong tapang niyang saad na may halong pagdidiin sa bawat salita.   Tila ba nagigting ang tenga ni Prince dahil sa napakinggan. Alam niyang may punto si Johan at iyon din ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Ngunit ang tanong ay kung paano at kung saan sila magsisimula. Ni wala silang kaide-ideya kung nasaan si Jelliane at kung ano ang lagay nito.   Ngunit kahit nalilito kung ano ang gagawin at payak na tumayo si Prince at kinuha ang kaniyang bag. Namamaga pa ang kaniyang mata dahil sa katatapos lamang ng kaniyang walang tigil na pagiyak kanina habang binabalikan ang mga masasayang alaala kasama ang kasintahang si Jelliane.   “If they wouldn’t dare to help us then we will! Tayo ang tutulong sa sarili natin and right after that, I swear! I will skin them all alive!” nanggigigil na sinabi ni Prince bago padarag na lumabas ng silid.   “Prince saan ka pupunta!?” pahabol na tanong ni Nichole na agad namang sinagot ni Prince sa isang malamig na paraan.   “Sa impyerno!”   Isa isang nagpakawala nang malalalalim na buntong hininga ang iba saka isinakbit sa kanilang mga braso ang kanilang mga bag.   “Sasama ako sa paghahanap!” Ani Monica.   “Para kay Jell!” saad naman ni Nichole na tumayo na rin.   Nang makalabas na ang lahat at tanging si Agatha, Matt, Johan at Joyce na lamang ang natitira ay biglang nagsalita si Agatha.   “Can I join?” maarte nitong tanong na mabilis rin namang sinagot ni Matt na mukhang umpisa pa lamang ay may napapansin ng kakaiba sa dalaga.   “No, you may go home! We don’t need you.” Ani nito saka lumabas na rin ng silid na sinundan ng dalawa. Ngunit biglang may naiisip si Johan kaya umiba siya ng daan at nagtungo sa patwalk patungo sa faculty room upang humingi ng tulong at magbakasakaling tulungan sila ng bago nilang adviser na si Ms. Roselyn.   Halos lahat ng mga estudyanteng nadadaanan niya ay tumatabi sa tuwing naglalakad siya. Ngunit imbes na pagtuunan ng pansin ay binalewala niya lamang ito at buo ang isip na humingi ng tulong sa guro. Nang malagpasan niya ang pathwalk at lumiko sa hall kung saan walang katao tao ay lubos ang kaniyang pasasalamat dahil tila ba ngayon nalang ulit siya nakahinga. He felt suffocated moments ago while walking with the other students.   Ngunit ang kaniyang akala ay nawala nang makaramdam siya ng presensya ng kung sino sa kaniyang likod. Tumahip ang kaba sa kaniyang dibdib kaya tumigil siya sa paglalakad. Dinig na dinig niya ang mabibigat nitong yabag na sumasabay sa malalakas na kabog ng kaniyang dibdib dahil sa pagusli ng biglang kaba.   At nang dahan dahan siyang lumingon upang makita kung sino ang taong nasa kaniyang lingon ay tila ba nakahinga siya ng maluwag nang makitang siya lamang pala.   “Ikaw lang pala–“ ngunit laking gulat niya nang bigla siya nitong hinampas sa ulo ng isang matigas na bagay. Unti unting lumalabo ang kaniyang paningin at naramdaman na lamang niya ang pagbagsak niya sa buhanginan.   Bago tuluyang mawalan ng malay ay nakita niya ang pagsilay ng isang ngiti sa labi nito.   “T-Traydor ka….” Bulong ni Johan na tuluyan nang nawalan ng malay.   [End of Chapter 22 – Thank You
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD