Chapter 21

2327 Words
#BoDChapter21   Jelliane POV   Katatapos lang ng huling subject namin at ngayon ay lunch time.   Isinilid ko ang mga notebook kung ginamit ganun na din ang ballpen at highlighter ko. Pagkatapos ay mabilis akong tumayo at hinanap si Prince sa mga malalaking ulo ng mga kaklase ko. De joke lang, hinahanap ko lang yung bebe ko at magpapaalam sana ako.   Nang makita ko si Prince ay parang kiti kiti ko siyang nilapitan. Nakaupo pa siya sa kaniyang upuan habang kalmadong nagayos ng ballpen sa capsule niya, iyon bang lagayan ng mga pens. Minsan sosyal din ‘tong si bebe ko eh. Ang mamahalin ng mga gamit, pero syempre hindi dahil don kaya ko siya minahal.   Minahal ko siya kasi mahal ko na talaga siya. Okay, ang g**o ko na.   “Baby, magccr lang ako okay? Wait mo na lang ako dito then sabay na tayong punta sa favorite restaurant natin, okay ba yun? Naiihi na kasi talaga ako, sasabog na pan–“ hindi ko na nagawa pang matapos dahil agad na sumabad si Gian.   “Parang timang ‘to, kung naiihi ka edi umihi ka. Hihintayin ka naman niyang jowa mo!” saad niya kaya napanguso na lamang ako at tumingin kay Prince with my puppy eyes. Kibit balikat siyang nakatingin sa akin at napapailing na tumayo.   “I’ll go with you.” Sabi niya na mabilis kong tinutulan. I wave my hand and crossed my leg. s**t, naiihi na talaga ako! Bakit ba kasi walang cr ‘tong classroom namin?   “Hep, wag na! Stay here and I’ll pee quickly so you wouldn’t get bored waiting for me? Please? Oo na okay? Lalabas na eh?” nagpapacute kong sinabi. He looked at me for a couple of seconds and after that, he finally accepted his defeat.  Hindi talaga ako matitiis nitong bebe ko, mahal ako ne’to eh.   “Fine! But do it fast so we could eat already!” aniya kaya sunod sunod na napatango na lamang ako. Matapos nun ay patakbo na akong lumabas ng aming classroom.   Wala na akong pakialam kahit sino sino na ang nasasanggi ko. Ihing ihi na talaga ako at kunting kunti nalang talaga ay lalabas na. Nakakahiyang bigla na lamang akong maihi dito eh ang dami pa namang tao! Susme, bakit kasi bawal lumabas tuwing may klase!?   Nang marating ko ang hall papunta sa girl’s comfort room ay medyo kumunot pa ang noo ko. Mukhang wala atang mga tao dito na nakakapagtaka. Minsan kasi kapag uwuin o lunch break ay nagpupunta ang mga kababaihan dito para magretouch ng mga make-up nilang hindi naman nagulo o nabawasan.   Ewan ko ba sa mga kababaihan ngayon, ang kakapal na magmake-up, oras oras pa kung magretouch! Hays, but anyways, ganun din naman ako so pati sarili ko pala nasasabihan ko.   Hingal na hingal kong nilagpasan ang bawat poste habang nakasapo sa aking puson. Nang sa wakas ay narrating ko rin ang comfort room. Ngunit sa akmang pagpihit ng knob ng pintuan ay isang tinig ang aking narinig sa akin likudan.   “Your time is up, Jelliane.”   And when I look back, something hard hit my head that immediately made me unconscious. But before I totally lose my conscious, I asked him why.   “Bakit?” then right after that, everything went black.   *   Third POV   Kitang kita ng salarin kung paanong bumagsak sa sahig ang wala na ngayong malay na si Jelliane. Tinitigan niya lamang ito at napaasambit sa hangin.   “Ate, this is for you.”   Matapos niyon ay agad niyang binuhat ang dalaga at mabilis na nilisan ang lugar. Hirap na hirap man ay hindi iyon naging hadlang upang maisakay niya sa isang luma ng van ang walang malay na dalaga. Napagpasiyahang dumaan ng salarin sa pinakalikod na gate ng paaralan kung saan tanging ang mga director lamang ang may karapatang dumaan doon.   Ngunit dahil natiyempuhang walang tao ay tila ba sinusuwerte ang salarin dahil matagumpay niyang nailabas ang dalaga sa paaralan. Pagkatapos mailagay sa likudang bahagi ng lumang van ay agad siyang sumakay sa unahan at minaniobra ito paalis sa lugar.   Ngayon, ang lugar na lamang kung saan paglalagyan ng dalaga ang problema ng salarin.   *   Kunot noo at tila ba inip na inip nang naghihintay si Prince sa kaniyang sariling upuan. Kada segundo ang lumilipas ay napapasulyap siya sa kaniyang relo. Kanina pa lamang nang nagpaalam ang kasintahan ay may kaba na agad na nararamdaman si Prince.   Kaba na may mangyayaring masama ngunit dahil mapilit si Jel ay ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon, iniisip na baka guni guni niya lamang ang kabang nararamdaman.   Ngunit sa pagsapit ng ilan pang minute ay tila ba mas lalo nang umusbong ang matinding kaba sa sistema ni Prince. Kilala niya si Jelliane, lagi itong totoo sa kaniyang mga binibitawang salita kaya lubos siyang nagtataka kung bakit inaabot na ng halos kalahating oras ay hindi parin dumadating ang masayahing kasintahan.   “Rahizen, Erol, nakita niyo ba si Jelliane?” nagaalalang tanong ni Prince sa dalawang kaibigan na kapapasok lamang sa loob ng silid.   Mabilis na nagkatinginan ang dalawa at nangunot ang noo. Matapos ang ilang segundo ay tinignan ni Rahizen si Prince at saka nagtatakang nagtanong.   “Bakit hindi pa ba nakakabalik? Wag mong sabihing nasa cr parin hanggang ngayon?” tanong niya kay Prince na bakas ang sobrang kaba sa mukha. Isang iling ang natanggap ni Rahizen mula sa kaibigan at tila ba pati siya ay tinubuan na ng kaba at pagtataka.   “Tara, tingnan natin!” biglang bulalas ni Erol na mukhang naintindihan ang nangyayari. Kaya mabilis na tumayo si Prince at patakbong sinundan ang dalawang kaibigan. Sakto namang paglabas niya ay ang pagsilay ng ngiti sa labi ng salarin.   Napapangiti na lamang ito ng patago habang iniisip kung gaanong alalang alala na si Prince sa kaniyang kasintahan na halos kalahating oras nang hindi parin nakakabalik galing sa comfort room. Sa oras na iyon ay tila ba napagtanto niyang hindi siya nagkamaling gawin ang unang hakbang.   Mabilis ang pagtakbo nina Erol, Rahizen at prince patungo sa kinaroroonan ng girl’s comfort room. Halos kalahating segundo bago nila ito marating, at halos masapo ni Prince ang kaniyang ulo nang makita ang loob ng comfort room na wala ng katao tao. Ni kahit isa ay walang makikita rito.   Napapikit siyang tinukod ang kamay sa pader habang hinahabol ang hininga. Dahil sa nakita ay lalo lamang itong nagigay alarma sa buong sistema ng binata. Kung kanina lamang ay gaano pa lamang ang kaniyang nararamdaman kaba ngayon naman ay labis labis na ito na hinaluan pa ng pagaalala.   “s**t! Sana wag ang iniisip ko, please!” bulong niya sa sarili habang mariing nakapikit.   “Tangina! Kay Jelliane ba’to!?” biglang bulalas ni Rahizen kaya mabilis na napamulat ng mata si Prince at agad na nilapitan ang kinaroroonan ng mga kaibigan.   Sa bungad ng pintuan ng comfort room ay natagpuan niya ang dalawang kaibigang nakaluhod ang isang tuhod habang may tinitignan sa sahig. Nang kaniya niya itong lapitan ay mistulang napukaw ang kaniyang tingin sa tatlong patak ng dugo sa sahig.   Halos matuyo tuyo narin ito na para bang matagal na iyong pumatak sa sahig. Unang tingin pa lamang ay mahahalata mo na agad na hindi iyon basta basta lang dahil katabi ng tatlong patak ng dugo ay ang isang hikaw.   At ng mga oras na makita niya ang napakapamilyar na isang kabilang pares na hikaw na iyon ay tila ba huminto ang oras. Dahil ang hikaw na iyon ay alam niyang pagmamayari ni Jelliane. Hindi siya pwedeng magkamali, iyon ang hikaw na iniregalo niya sa dalaga nung nakaraang monthsary nila.   “Ay ang cute naman nun oh!” turo ni Jell habang pinagmamasdan ang isang pares na hikaw sa may rose gold section.   “Gusto niyo pong tingnan ma’am?” nakangiti namang tanong ng sales lady dito na mabilis namang agad na tinanguan ni Jel. Naiiling na lamang sinundan iyon ng tingin ni Prince.   Nang sa wakas ay maiabot na ng sales lady kay Jelliane ang pares na hikaw na may Spherical na design at hugis puso sa gitna ay naglalambing itong humarap sa binata. Kumikintab ang mga matang itinuro ng dalaga ang pares na hikaw na siguradong nagustuhan niya.   “Do I have a choice?” saad na lamang ni Prince saka inilabas ang wallet at kumuha ng dalawang libo upang ibayad sa sales lady. Nakangiti iyong tinanggap ng sales lady at saka nagpasalamat. Tuwang tuwa namang agad na isinuot ni Jelliane ang hikaw at mabilis na ipinakit kay Prince na patagong napapangiti.   “Bagay di’ba? Di’ba?” pangungulit ni Jelliane na pumu-pose pa habang pinapakita sa binata kung gaano bumagay sa kaniya ang kabibiling hikaw. Dahil doon ay agad na napuna sila ng sales lady na aliw na aliw habang sila ay pinapanood.   “Alam niyo ma’am, sir? Kayo pa lang ang costumer na bumili dito nang ganiyan ka sweet. Saka tanging nagiisa lang po talaga ang hikaw na iyan, mabuti ho at nagustuan ni ma’am. Saka bagay na bagay po kayo, nakakainggit kayong panuorin!” kinikilig na ani ng sales lady.   “Yes, please! Mainggit ka! De joke lang, hahaha!” pabiro namang saad ni Jelliane saka malambing na kumawit sa braso ni Prince. Hindi naman na napigilan ni Prince na mangiti dahil doon.   Parang isang sirang plakang nagpaulit ulit sa ala-ala ni Prince ang mga araw na iyon kung kailan nila nabili ang hikaw na gustong gusto ni Jelliane. Mabilis na lumabo ang kaniyang paningin at napasandal na lamang sa pader habang hindi na naiwasan pang maluha dahil sa naalala. Mas lalo lamang tumibay ang kabang nararamdaman dahil sa nakita.   Tandang tanda pa ni Prince kung paanong ingatan ni Jelliane ang hikaw na iyon kaya sigurado siyang may nangyaring masama sa kasintahan.   “J-Jell naman eh! I already insisted to go with you!” maluha luhang isinigaw ni Prince dahil sa biglang galit na naramdaman. Gusto niyang bugbugin ang sarili dahil hindi niya sinamahan ang dalaga. Nilapitan siya ng dalawa niyang kaibigan at hinagod ang likod niya.   “Don’t worry bro. We’ll find her.” Ani Erol na nakaradam narin ng lungkot dahil saksi siya sa magandang pagsasama ng dalawa. Tanging pagkuyom naman ng kamay ni Rahizen ang kaniyang nagawa habang pinapakinggan ang humahagulgol na kaibigan.   *   Joyce POV   Kararating ko pa lamang sa loob ng aming classroom nang biglang tawagin ako ni Yuri. Wala sa sariling lumapit ako sa kaniya at tinanong kung bakit.   “Pumunta ka daw pala sa faculty room. May sasabihin daw sayo si Ma’am Roselyn,” sabi niya. Tumango na lamang ako at saka pumunta sa akin upuan. Inilapag ko ang ang mini bag doon saka nagpaalam kay Nichole na kumakain pa ng siomai.   “Nic, punta lang akong faculty. Tawag daw ni Ma’am Roselyn, bantayan mo bag ko ha, baka maipit dala kong loptop,” paalala ko sa kaniya. Isang tango lamang ang nakuha ko. Ang luka, nagpainggit pa sa siomai niyang kinakain.   Pagkatapos niyon ay agad akong lumabas ng classroom saka nagtungo sa faculty room. Nakailang katok pa ako bago iyon binuksan. Bumungad sa akin ang mukha ng isang police. Tsk, nakalimutan ko na dito nga pala pinatay si Mrs. Reyes kaya malamang wala dito ang mga guro lalo pa’t private ang crime scene.   “May kailangan ka ba, hija?” tanong ng pulis. Ngumiti na lamang ako saka nagsalita. Parang gusto kong pukpukin ang ulo ko dahil naniwala ako sa kagaguhan ni Yuri. Yung banal na tao’ng talaga yun, malilintikan yun sa akin mamaya.   “Ay sorry po, akala ko po kasi nandito si Ma’am Roselyn. Pasensya na po!” Saad ko saka nahihiyang ngumiti.   “Ah ganun ba? Ang alam ko ay nandoon ata sa kabilang faculty room na luma ang mga teachers. Punta ka nalang dun, hija.” Muli akong ngumiti bago nagpaalam. Tinungo ko naman agad ang lumang faculty room at nahagip pa ng mata ko sina Erol, Rahizen at Prince na tumatakbo. Tatawagin ko sana sila kaso tinatamad ako kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.   Tatlong magkakasunod na katok ang aking ginawa bago bumukas ang lumang pintuan ng faculty room. Agad na bumungad sa akin ang masungit na mukha ni Mr. Dimaala kaya wala sa sariling napabati ako ng magandang umaga.   “It’s already 12:37, Ms. Antonil,” baritone niyang sinabi kaya parang gusto ko nalang uli pompyangin ang sarili ko. Saglit akong yumuko bago nahihiyang ngumiti at nagsalita.   “I’m sorry Mr. Dimaala, good afternoon sir!” maligaya kong bati. Though it was fake, I would never greet him like that, It’s just that I embarrassed myself so lulubusin ko na. Bwisit, ba’t ba kasi ang tamlay ko?   Nang makaalis na si Mr. Dimaala ay nagpaalam naman agad ako sa isang guro na papasok dahil pinapatawag ako ni Ma’am Roselyn. Pagkarating na pagkarating ko roon ay natagpuan ko si ma’am sa may visitor’s area kung saan kausap niya ang isang estudyanteng babae. Sakbit pa nito ang kaniyang kulay pink na bag at suot suot ang makapal niyang salamin.   Nerd.   “Ma’am, tawag niyo daw po ako.” Pambabasag ko sa masaya nilang kwentuhan. Aba, hindi ako tutunganga lang dito habang pinapakinggan ang kwentuhan nilang hindi ko naman maintindihan.   Nagulat ako ng biglang tumayo si ma’am na agad namang sinundan nung babaeng estudyante. Kumaway pa ito sa akin kaya medyo tumaas ang kilay ko. Wow, feeling close kami ni ate. But anyway, since I don’t want to be rude, I greeted her pleasantly.   “Hi!” kumaway din ako sa kaniya saka tumingin kay ma’am Roselyn. Okay, ang awkward.   “Joyce, I want you to meet the new member of our family, your new classmate, Agatha Eunice Psalm. She’s a transferee from Mary Grace High and I want you to introduce her to your classmate. So, maiwan ko na kayo.” Sunod sunod na sinabi ni Ma’am Roselyn at tanging nganga na lamang ang aking nagawa.   Wow, new adviser and now new classmate? Hmm, weird.   [End of Chapter 21 – Thank You  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD