#BoDChapter20
Grachell POV
“Hi, St. Charles Borromeo class! I’m Roselyn Mangante, 21 years old and your new adviser! I hope we can get along everyone! Sana maging masaya tayo sa buong taong magkakasama!” nakangiting anunsyo ng isang babae sa harapan naming lahat. We all stared at her and got like star struck upon seeing a beautiful maiden in front of our class.
Tila isang himala na may isang taong masayang napadpad sa aming section. Halos lahat kasi ng mga guro, mapaSPG man o supervisor ay natatakot at diring diring pumasok sa klase namin. Para bang may ketong kaming lahat na nakakahawa.
But then, kung titignan ko ang babaeng ito na paniguradong bagong guro sa paaralang ito ay mukhang wala pa siyang kaide-ideya tungkol sa klaseng hahawakan niya.
Sana talaga, tulad ng kaniyang sinabi ay maging masaya kami sa buong taong magkakasama na mukhang imposibleng mangyari dahil kahit isang beses man lamang ay wala pa kaming naging araw na masaya kasama ang adviser ng klase namin. Lagi naman kasing galit ang mga guro sa amin. Minsan nga naiisip ko nalang kung napipilitan na lamang ba silang turuan kami dahil kahit papaano ay malaki ang binabayad ng mga magulang namin.
Tinitigan ko ng mabuti ang guro na prenteng nakaupo sa harapan. Nakangiti lamang siya sa amin at maya maya pa ay ibinaba ang sakbit niyang shoulder bag sa teacher’s seat. Isinunod niya ang nagiisang librong dala na mukhang Filipino ang subject.
Oo nga naman, wala na si Mrs. Reyes, ang Filipino subject teacher din namin bukod sa pagiging adviser. Dito kasi, mga guro ang lumilipat at hindi ang mga estudyante. Nasa iisang room lang ang pinangyayarihan ng mga klase sa iba’t ibang subject, maliban na lamang kung sakaling magpupunta kami sa Campus Ground, Science Laboratory, Computer Laboratory, Gymnasium, TLE Room, Audio Room at marami pang iba.
Pumupunta lamang kami doon tuwing may mga activities na hindi kayang gawin dito sa classroom dahil walang mga gamit o masikip ang space.
Umupo si Ms. Mangante sa Teacher’s seat at pinagsalikop ang kaniyang mga kamay. Ilang sandali pang katahimikan bago siya nagsalita.
“Alam ko na mahirap din para sa inyo na mawalan ng adviser na matagl tagal niyo rin namang nakasama. I understand you guys kung hindi kaagad tayong lahat magkasundo kasi nga baka ang iba sa inyo ay hindi parin matanggap na wala na si Mrs. Reyes.” Aniya. Parang gusto ko namang sumabat at sabihin walang kapantay ang sayang nararamdaman namin lalo pa’t ngayon ay wala na ang taong iyon.
But then I wouldn’t do that. Kasi ang weird lang na ang saya pa namin na namatay ang adviser namin kahit totoo naman. Ngayon kasi, kung sakali mang mawala o nagresign ang isang guro, paniguradong magiiyakan at malulungkot ang mga estudyante niya. Pero kasi sa kaso namin gagawin lang namin yun kung napamahal talaga kami sa adviser namin.
But Mrs. Reyes? I wouldn’t even shed a single tear for her. Duh, she deserved that. Kulang pa nga ata iyon eh. Though, I pity her. Kahit papaano naman ay nakakaramdam pa rin ako ng lungkot. Pero iba eh, mas nananaig iyong saya ko dahil wala na yung taong halang ang kaluluwa.
“But don’t worry guys, once you give me a chance to be your adviser, once you accept me to be you class adviser, I will promise that I will treasure this class. Ito ang unang klaseng hahawakan ko and I’m hoping that my first year and first time will be good. Sana magkasundo tayong lahat.” She said at tila ba lumambot at gumaan ang dibdib ko habang pinapakinggan siya.
Napakalambing niyang magsalita at habang pinapakinggan mo siya maiisip mo talaga na totoo siya sa mga salitang binibitawan niya. Naaalala ko pa noon, dati gustong gusto ko talaga magkaroon ng kasundong guro tulad ng ibang estudyante na pawing magkakaibigan lang ang turing sa kanilang mga adviser o subject teacher.
But when Mary died and we asked our teachers to save her? Or at least to call an ambulance to save her, no one dared to help us. Hindi nila kami pinansin bagkus ay umalis sila na para bang walang nagbubuwis buhay. Na para bang walang mamamatay.
Mary, she’s my ultimate best friend. Kaya ang sakit para sa akin na nung mga oras na nahihirapan na siyang huminga, nung mga oras na babawian na siya ng buhay at wala man lamang akong magawa upang tulungan siya? s**t, that hurts me so much. God knows how badly I really wanted to help my best friend, pero kahit anong pilit ko kung hindi pwede wala akong magagawa.
That time, hindi kami pinayagang ilabas ng school si Mary at itakbo sa hospital upang malapatan ng lunas sa mga sugat na tinamo. They did not even care kahit na halos luhudan na namin sila mailigtas lang siya, they did not pay even at least a glimpse at her direction to know her condition. Hirap na hirap yung taong lumaban mabuhay lang pero yung mga taong may magagawa upang tulungan siya hindi man lang naawa.
They ignored us, and by that very moment, I just realized that I don’t want and need to have a close teacher nor an adviser. Kasi iyong alaala na inukit nila sa utak ko ay panghabambuhay ng nakatatak doon at kahit kailan ay hindi na magbabago.
Lintik lang, parag hindi isang tao yung nagaagaw buhay nung mga oras na iyon nung hindi nila kami pinansin! Parang ginawa nilang isang basang tuta ang kaibigan ko na humihingi lang ng kaunting bahaw mabuhay lang.
And that fvcking hurts me so much that it reaches my core. Kaya masisisi ba nila kami kung ganito nalang kami magalit? Na sa bawat pagtulog ko isa isa ko silang pinapatay at pinapahirapan. Kasi mga wala silang puso! Mga sakim sila! Basta pera wala na silang pakialam sa buhay ng iba.
I thought teacher is our second parents. Pero mukhang mali, teachers are the one who will suffer you ‘til death. Para sa akin, ang mga guro ang unang kalaban namin sa impyernong paaralang ito.
“We hope so, too ma’am. We hope so.” Biglang saad ni Gian.
*
Avenger POV
Isang taon. Halos isang taon na ang nakalilipas. Isang taon na simula nang huli ko siyang nakita. Isang taon na siyang wala. Isang taon na siyang namayapa, at ngayon? Ngayon ko pa lamang siya maipaghihiganti.
Ngayon ko pa lamang makukuha ang hustisya na matagal ko ng gustong makuha.
Araw araw ko siyang naiisip. Araw araw walang palpak na hindi ko naaalala ang mga oras at masasayang minuto ko kasama siya. Gabi gabi kong tinititigan ang litrato naming dalawang magkasama. Gabi gabi kong iniimagine ang maamo niyang mukha habang tumatawa.
Kung sana nandito pa siya…..
Ang saya, ang saya namin noong buhay pa siya. Ni hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay bigla siyang mawawala. Sa isang iglap ang lahat ng masasayang alaala ko kasama siya ay maglalaho at mapapalitan ng walang hanggan na galit at paghihinagpis. Poot at labis na muhi para sa mga taong iniligtas niya na hindi man lang inalala ang araw na iyo.
Bakit siya pa? Bakit siya pa ang kailangang magdusa para lamang mailigtas ang buhay nila? Bakit kailangan niya pang isakripisyo ang sarili niya para lang sa iba?
Para lang sa iba na hindi niya kilala?
Ang hirap tanggapin. Siya nalang ang taong nakakaintindi sa’kin pero pati siya kinuha pa. Naiinis ako sa mundo, ano bang naging kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Ang gusto ko lang naman ay sumaya ah? Ang gusto ko lang naman maramdaman na may nagmamahal din sa akin?
Bakit hindi ko iyon makuha?
Tapos siya. Ang taong lagging nakasuporta at umuunawa sa akin ang siya pang kinuha. Nakakagalit ang mundo, gusto kong ipagsigawan sa lahat na bakit lahat nalang kinukuha sa akin? Bakita pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin? Pakiramdam ko isa lang akong walang kwentang tao dahil wala ng nagmamalasakit sa’kin lalo pa’t ngayong isang taon ng patay ang taong nagmahal sa akin ng lubos.
Unti unti kong naramdaman ang panlalabo ng aking mga mata. Payak akong nakaupo habang nakatingin sa mga taong iniligtas niya. Kahit man gustuhin kong pakawalan ang mga luhang nais tumulo ay hindi ko magawa. Ayoko.
Ayokong magmukhang mahina. Tama na ang pagiging mahina, tama na ang pagiging mabuti. Kasi sa huli, kahit ibuwis mo na ang buhay mo sa mga taong nasa paligid mo, hindi mo parin mababago ang katotohanang wala silang pakialam sa’yo.
I stoop when suddenly my tears stream down my face. Hindi ko pala kaya, hindi ko pala kayang pigilan dahil ang sakit.
Si ate. Si ate nalang yung nagiisang taong nagmamalasakit sa akin eh, pero bakit kinuha pa siya? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Wala na ba akong karapatang maging maligaya? Bawal ba akong makaramdam ng pangmatagalang saya?
Bumibigat ang dibdib ko na siya namang pagbuka ng aking bibig upang magpakawala ng mga mabibigat na hikbi. Ito yung pakiramdam na inis na inis ako dahil hindi ko makuha yung gusto ko. Ito yung pakiramdam na may kinuha sa pagkatao mo. Ito yung pakiramdam na parang may kulang sayo dahil wala siya…..
Wala na yung gagabay, susuporta at magmamalasakit sa akin ng sobra.
ARGH!!!!! Ang sakit sakit! Pabigat ng pabigat ang dibdib ko na sinasabayan pa ng tila ba walang tigil na pagpatak ng mga maiinit kong luha. I bit my lower lip to prevent from sobbing but I just can’t. Sobrang sakit na para bang gusto ko nalang tapusin yung buhay ko para hindi ko na maramdaman ang ganitong klaseng t*****e.
I am slowly dying ever since when my sister got killed by someone I did not know. Ang hirap ng ganitong pakiramdam kasi sa tuwing makakakita ako ng mga bagay na nakakapagpaalala sa kaniya parang binibiak ang puso ko sa sobrang paghihinagpis.
Yung iba tuwang tuwa habang kasama ang kompleto nilang pamilya, samantalang ako nagiisa. Walang kasama, walang karamay, walang nagmamahal at walang nagmamalasakit. It’s hard to live with in this kind of life. Napakahirap magisa kasi ikaw ang gagawa ng lahat.
I miss my sister. Noon, nagtutulungan pa kami sa lahat ng bagay. She never let me do things alone, she was always there initiating to help me even though I can manage. Kahit na kami nalang dalawa noon, I wouldn’t wish for something more because I’m already contented with my very thoughtful sister.
But then she was murdered. Pinatay siya isang taon na ang nakakaraan. Ang rason? Kasi niligtas niya lang naman ang mga taong hindi niya pa nakikilala. Pero nasaan na ba ang mga taong iyon? Nandito, nasa paligid ko lamang at ang tanging iniintindi ay ang paghihiganti para sa isang taong kahit kailan ay wala namang ginawa para sa ikabubuti ng lahat.
Honestly? She just only care about herself. Hindi naman talaga kayang magsakripisyo ng taong iyon dahil ang totoo siya pa nga ang dahilan kung bakit nawala ang ate ko. I know the whole story kaya hindi ko lang matanggap na kung makaakto siya para bang hindi siya pumili ng isang tao kapalit ang walang kwenta niyang buhay.
Yes, in the first place ay siya naman talaga ang papatayin. Si Mary, siya naman talaga ang dapat matagal ng patay, pero hindi. Kasi idinawit niya si ate at ginawang kapalit niya upang makaligtas. Kaya sa huli, si ate ang nawala.
Si ate na walang kaalam alam sa mangyayari sa kaniya.
Sa una’t sapul ay si Mary na talaga ang traydor sa klase. Kasi gagawin niya ang lahat mailigtas lang ang sarili niya kahit kapalit pa niyon ang buhay ng mga taong nasa paligid niya na walang ginawa kung hindi ang mahalin at magmalasakit sa kaniya.
Sa umpisa pa lang talaga ay dapat siya na ang namatay. Dapat siya ang nawala at hindi na nadamay pa ang ate ko. Pero wala eh, nangyari na ang lahat at hindi ko na iyon maibabalik pa. Karapat dapat lang naman talagang mamatay ang babaeng yun.
Inosente? Psh, she maybe look so innocent but truth is she’s a devil in disguise. Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi iyon makita ng mga taong ito? Ng mga taong nasa paligid ko. Bakit hindi nila makita ang totoong ugali ng demonyong babaeng iyon?
Ngunit kahit na ganoon? Kailangan kong sumakay sa pesteng roller coaster na ito para lang makuha ko ang hustisya na para kay ate. Hindi ko pa nagagawa ang ganitong bagay pero mukhang ang sarap kumitil ng buhay lalo na kung alam mong karapat dapat silang patayin. Though I thank them for choosing Mrs. Benedicto and Mrs. Medez to be killed, ang dalawang iyon ay mas masapaw pa sa demonsyo.
May mga tao talagang hindi mo maiisip na tatraydurin ka sa dulo, kasi nga magaling silang lahat magpanggap. At minsan, kung sino pa ang mukhang mabait ay sila pa ang manunuklaw sayo sa huli na siyang mabilis mong ikamamatay.
Kaya magingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo, baka ang isa sa kanila ay ahas na may dalang delubyo.
[End of Chapter 20 – Thank You