#BoDChapter19
Third POV
“Uy, una na ako ha? Nandiyan na asawa ko,” paalam ng isang kapwa guro ni Mrs. Reyes.
“Ah oo sige, hintayin ko nalang asawa ko. May ginagawa pa raw kasi!” sagot niya naman bago ibinaba ang matte lipstick na gamit. Nagngitian pa ang dalawa bago tuluyang umalis ang kapwa guro na nagmamadali. Muli lamang na tumingin si Mrs. Reyes sa maliit na salamin sa kaniyang table.
Napasulyap siya sa kaniyang wristwatch at doon napagtantong magaalas singko na ng hapon. Halos tuwing sasapit ang ganitong oras ay naglalabasan na ang lahat ganun din ang mga nasa matataas na klase. Ang iba ay umuuwi na agad samantalang nagpupunta pa sa mga mall ang iba upang makipagbonding sa kani-kanilang mga kaibigan.
Napabuntong hininga si Mrs. Reyes saka inalis ang tingin sa kaniyang relo. Agap na tumama iyon sa isang maliit na picture frame sa tabi ng kaniyang salamin. Mabilis na nagbago ang reaksyon ng kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang larawan ng isang babaeng napakalapad ng ngiti habang nakakawit ang kamay sa isa pang babae.
“Nadia, walang hiya kang luka ka…” bulong niya sa hangin na medyo pumiyok pa. Unti unting sumibol ang lungkot ng guro habang nakamasid sa mukha ng babae.
Mapait na napangiti ang guro saka kinuha ang litratong nakuhaan ilang taon narin ang nakakaraan. Ngunit sa nito lang nakaraang buwan ay namatay ang kapwa guro dahil sa isang murder case na nangyari sa tapat mismo ng faculty room. And the woman right beside Mrs. Reyes in the picture was Mrs. Benedicto, ang unang naging puntirya ng section ni Joyce.
At ang masaklap ay ang katotohanang magkaibigan ang dalawa. Iyon ang hindi matanggap ni Mrs. Reyes, na namatay ang kaibigan niya ng hindi man lamang nila nalalaman kung sino at paano ito namatay. Nung mga araw na lumabas ang autopsy ng bangkay ni Mrs. Benedicto ay hindi na inalam pa ni Mrs. Reyes ang resulta.
Labis siyang nalulungkot na wala na ang matalik niyang kaibigan. Nadia was her best friend ever since when she stepped on this school. She was in her first year of high school when she met Nadia and became her best friend who always been there for her.
Ilang sandali pa ang lumipas ng biglang marinig niya ang ingay na nanggagaling sa pintuan ng faculty. Napasulyap siyang muli sa kaniyang relo at nakitang halos magaalas sais na ng hapon. Hindi na niya napansin pa ang oras sa pagbabalik tanaw nung mga araw kasama ang pumayapa ng kaibigan.
Nangunot ang noo ni Mrs. Reyes sa isipin kung sino ang taong kumakatok gayong halos lahat ng guro sa kanila ay alam kung paano buksan ang pinto ng faculty room. Ngunit pumasok sa isip niya ang service ng paaralan na si Kuya Urban kaya mabilis siyang tumayo.
‘Baka may itatanong lang o aayusin dito.’ Ani niya sa sarili. Tanging siya na lamang ang tao sa loob ng faculty room dahil halos nakauwi na lahat ng mga kapwa guro niya. Ang ibang officer naman ay nasa office ng bagong principal dahil may meeting ang mga ito.
Mas binilisan pa ni Mrs. Reyes ang paglalakad dahil pabilis ng pabilis at palakas ng palakas na ang ingay na kaniyang naririnig galing sa pinto. Kung sino man ang kumakatok ay wala siyang kaide-ideya kung sino man ito.
“Sandali lang!” iritado niyang sigaw na hindi rin naman pakinig sa labas dahil sound proof ang faculty room. Ngunit isinigaw na niya dahil sa inis sa kung sino man ang hindi makapaghintay na kumatok ng kumatok.
Nang nasa tapat na siya ng pintuan ay mabilis niya agad iyong binuksan. Ngunit umugong sa buong sulok ng silid ang napakalakas na tili ni Mrs. Reyes ng bumungad sa kaniya ang isang estudyanteng nakasuot ng mask na nakakapanindig balahibo. May hiwa ito na may mga tumutulo pang pulang likido, may tarak ng tatlong pako sa gilid ng bandang noo at hati ang kabilang bahagi sa bandang ibaba ng labi.
Ngunit ang mas nakakapanindig balahibo na ikinatili ni Mrs. Reyes ay ang matalas na kutsilyong kapit ng estudyanteng hindi halos mamukhaan dahil sa suot niyang mascara.
“T-tulong!” desperadong sigaw ni Mrs. Reyes saka tumakbo papasok sa loob ng faculty room. Umungol siya nang dahil sa pagmamadali ay dumulas ang kaniyang paa na dahilan kung bakit natapilok siya sa kaniyang suot na slingback pump.
Ngunit kahit na ganoon ay mas nagpursigi siyang makalayo at makahingi ng tulong. Kahit nananakit parin ang paa ay pinilit niyang gumamit ng pwersa galing doon upang kahit papaano ay makagapang siya. Pero sadyang mabilis ang mga pangyayari, dahil agad na hinabol siya ng estudyanteng nakamaskara at inundangan ng saksak sa kaniyang binti kung saan agad namang bumulwak ang mga dugo nang hugutin ng estudyante ang napakatalas na kutsilyo.
Mas lalong umugong ang buong silid dahil sa nahihirapan at takot na tinig ni Mrs. Reyes. Agad na nanlabo ang kaniyang mga mata at wala sa sariling naluha sa sobrang sakit na dulot ng malalim na pagkakatarak ng kutsilyo sa kaniyang kanang binti.
Walang tigil sa pag-agos ang halos mangingitim ngitim na kulay ng dugo galing sa nahihirapang guro. Naghahalo halo ang emosyong kaniyang nararamdaman. Napakabilis ng t***k ng kaniyang dibdib at may kung ano sa kaniyang takot na takot na gusto niyang makalayo at makaalis sa lugar ngunit sadyang hirap na hirap siya dahil sa kaniyang tinamo.
Umalingawngaw ang napakalakas na halakhak ng estudyanteng mistula pang nasisiyahan habang pinapanood ang gurong hindi na makakilos sa sobrang takot. Iyak lamang ito ng iyak.
Pinaglaruan ng estudyante ang kaniyang matalas na kutsilyong ngayon ay napupuno na ng mga dugong tumutulo dito. Unti unti siyang lumapit sa guro na may ngiti pa sa kaniyang labi na mas lalong ikinasigaw ni Mrs. Reyes sa sobrang panginginig sa takot.
Gamit ang parehas na kamay ay ginamit niya iyon para makalayo sa estudyanteng hindi magdadalawang isip na tapusin ang kaniyang buhay. Sa labis na takot na nararamdaman ay desperado at mabilis siyang gumapang palayo hila hila ang kaniyang kanang binting kumikirot dahil sa hapding sensasyong nararamdaman.
“Tsk, tsk, tsk. Kasi naman eh, kung sana tinulungan niyo lang kami hindi na tayo aabot sa ganitong klaseng p*****n. Grabe! Para lang akong isang killer sa isang movie!” natatawang pabalang na sinabi ng estudyante na mas lalong ikinataas ng balahibo ni Mrs. Reyes.
Sa sandaling iyon ay natigilan ang guro dahil kilala niya kung sino ang may ari ng tinig na iyon. Luhaan siyang bumaling sa estudyanteng ngayon ay napakasama na ng tingin sa kaniyang direksyon. Nanggigigil ang ngipin nitong pinagkikiskis habang tinititigan ang gurong walang pakialam sa kanila.
Tila ba sa sandaling iyon ay nandilim ang tingin ng estudyante at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ng guro kaya takot na takot at kabadong kabadong sinubukan ng gurong tumayo at makaalis. Buong katawan niya ang nanginginig, punong puno ng mga butil ng pawis ang kaniyang buong mukha ang halos nababalutan na ng pulos pulang likido ang kaniyang mga binti.
“Tulong!” tili ni Mrs. Reyes ngunit sadyang huli na ang lahat. Agad na sinakmal ng estudyante ang guro at walang habas na pinagsasaksak ang taong kinamumuhian ng lubos. Galit na galit nitong paulit ulit na sinasaksak ang guro at walang pakialam kahit na tumatalsik sa kaniyang suot na maskara ang mga dugo pati na ang nagkakapiraso-piraso na laman ng guro.
Tila ba natitiman niya na rin ito dahil ramdam na ramdam niya ang malamig na likido sa kaniyang labi. Sunod sunod at walang tigil niya iyong paulit ulit na inaambahan ng saksak. At makaraan ang halos isang minute ay unti unti na siyang tumigil.
Hinihingal siyang tumayo mula sa pagkakaluhod at pinagmasdan ang gurong halos wala ng buhay. Nakahilata ito sa nakatiles na sahig kung saan napakaraming dugo ang nagkalat dito na sinamahan pa ng ibang laman galing sa katawan ni Mrs. Reyes.
“Patawad, ngunit oras mo na ngayon. Ang mga taong tulad mo ay hindi na dapat nagtatagal pa sa mundo.” Sambit ng estudyante bago pagak na dumura sa bangkay ng guro. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang tumalikod at agad naring umalis ng faculty room. Bago tuluyang lumabas sa pinto ay pinatay niya muna ang ilaw at iniwang nakalock ang pintuan.
Dahil sa suot na mask, jacket na kulay pula at gloves na itim ay nakakasigurado siyang hindi siya makikilala kahit pa may cctv ang loob ng faculty room. Sinadya niya talagang lakasan ang boses habang nagsasalita upang sindakin ang mga makakapanood ng kuha kung sakaling irerecap nila ito.
“Tapos narin ako, hay salamat! Napakadali lang naman pala ng gagawin!” aniya pa bago patakbong pumasok sa boy’s comfort room at mabilis na nagayos ng sarili. Matapos ang ilang sandali ay lumabas na siya na para bang walang nangyari kani-kanina lang.
Sakbit ang bag ay sumisipol pa itong lumabas ng paaralan n may ngiti sa kaniyang labi.
*
Cesiah POV
“Nabalitan niyo ba?”
“Ang alin?”
“Natagpuan daw na patay si Mrs. Reyes sa loob ng faculty room kahapon! Ang sabi nga daw bulwak ang katawan nito at nagkalat ang ilang piraso ng laman….”
Mabilis na napukaw ng atensyon ko ang tatlong babaeng dumaan sa labas ng aming silid. Halos laman ng usap usapan ngayon ang tungkol sa pagkamatay ni Mrs. Reyes. Kanina nang pumasok ako ay ramdam ko na agad ang lagkit ng mga tingin sa amin ng mga estudyante. Akala mo eh inagawan ko sila ng jowa.
But anyways, I still can’t believe that terrod can do such thing! I mean, I know he’s kind but I just can’t think of the side thought that he could brutally kill someone! Halos pakinggan pa lamang ang mga tsismisan sa mga grupo ng mga estudyante parang hindi ko na kinakayang pakinggan.
Naiisip ko nalang na paano kung kakain na ako? Baka mawalan ako ng gana kasi maiimagine ko na laman ni Mrs. Reyes ang kinakain ko. Yayks!
“How could you manage to do it, Terrod? Give me some tips para kapag ako naman ay hindi na ako mahirapan kung paano magisip!” pangungulit ni Rahizen kay Terrod na seryusong nakaupo lamang sa kaniyang upuan.
“Huy, Izen! Walang ganiyanan! Wag mong sagutin Terrod!” pagak naman ni Johan na sinabayan pa ni Carlo.
“Oo nga, pero ayos ka Terrod! Talagang ginawa mong chop-chop eh no!?” Humalakhak si Carlo kaya napapikit na lamang ako. Para bang wala namang pakialam ang iba dahil kani-kanila sila ng mga topic na pinaguusapan.
Iginala ko ang paningin sa buong silid at tanging sina Erol, busy sa pagbabasa sa pocket book, si Daivy na nakikinig lang sa usapan nina Ashlie at Monica, si Grachell na nakatulala sa labas ng bintana, si Yuri na nagbabasa ng bible niya sa relihiyon niya, si Freshue na nakaharap sa makakapal na libro at si Matt na nakaub-ob lang sa lamesa niya ang hindi umiimik. Malamang humihilik pa yan si Matt ngayon.
I just shake my head and look outside the window. Sakto namang pagtunog ng bell hudyat na magsisimula na ang mga klase. Inilibot ko ang aking paningin at napapahikab pa dahil sa sobrang boring.
Dapat talaga tulad ni Fresh eh magbabasa rin ako ng libro kaso nakakatamad dahil kagabi iyan na ang ginagawa ko kaya tutunganga na lamang ako ngayon. Ngunit agad na naagaw ng pansin ko ang dalawang babaeng nakasuot ng uniporme ng mga guro.
Kumunot ang noo ko at napaayos ng tayo. Mukhang ngayon ko lamang nakita ang dalawang ito. Are they the new teacher? Tsk, I pity them for applying in this campus. Baka hindi sila magtagal dahil halos mga anak demonyo ang tuturuan nila.
The one has carrying her shoulder bag while there’s a book on her hand. Nakapusod ang buhok nitong medyo makulot na kulay brown. She looks good with her simple make-up, ang mas lalong nagdala ay ang makapal niyang eyebrow at matte na lipstick na kulay pink. Yeah, even though ang tingkad ng kulay ng eyebrow at lipstick niya napakasimple paring tingnan ng kaniyang make-up.
Ang isang babae naman ay nakalugay ang straight na itim na buhok. Mukhang kagagaling lang nito sa Brazilian dahil ang kintab pa ng kaniyang buhok. Hindi tulad ng sa naunang babae ay tanging blush at ang kulay pula lamang niyang lipstick ang nakikita ko. Mukhang naturally beautiful ang isang eto. Tanging ang dalawang libro lamang na yapus yapus niya ang kaniyang dala.
I watched them and my eyes suddenly got big when the girl with a shoulder back stopped in front of our classroom’s entrance door. Nagpaalam siya sa kaniyang kasama bago pumasok sa loob ng aming silid. Hanggang ngayon ay nakatitig parin ako sa kaniya. And when she smiled, kitang kita ko ang kulay itim niyang brace na sobrang bumagay sa kaniyang aura. Kumikinang kinang pa ang diamond earrings nito.
Is this what they called ‘admire at first sight’? I couldn’t blame boys if they stared for a couple of hours at this girl because she’s worth starring at! Her white skin toned and attractive aura can make you tongue-tied.
“Hi, St. Charles Borromeo class! I’m Roselyn Mangante, 21 years old and your new adviser! I hope we can get along everyone! Sana maging masaya tayo sa buong taong magkakasama!” Aniya na ikinatigil ng lahat.
Guess like there’s a new character in my story. I hope she wouldn’t be one of our class burdens because I couldn’t think of killing her. Mukha pa naman siyang mabait.
[End of Chapter 19 – Thank You