#BoDChapter18
Daivy POV
Panibagong araw na naman at hindi ko alam kung ano na namang mga mangyayari ngayon. Yesterday is really tough. Nagtagumpay naman kami sa plano namin. Actually walang nangyari kahapon when we reached the abandoned house near at the supermarket site. Ang natagpuan lang namin doon ay si Daphne na walang malay.
And when she woke up, we asked her about what happen but she doesn’t remember even a single detail. Sucks right? Wala siyang maalala sa mga nangyari, ang tanging alam niya lang daw ay natutulog siya which is very weird dahil namamaga pa ang kaniyang mga mata.
So far wala naman siyang matinding galos na tinamo maliban na lamang sa napakadumi at may mga gasgas niyang katawan. Ang sabi rin ng mga police ay wala daw silang nakitang kakaiba sa lugar. Even the corpse that we saw in the picture! Wala siya sa bahay!
One thing I’m sure of, magkaiba ang pinagyarihan ng lahat. Walang kahit na anong nakita sa lugar maliban sa isang putting tuwalya na naging dirty white na ang kulay. The towel was covering Daphne’s body while she was lying on the old couch.
Nakakapagtaka na walang maalala si Daphne but our concern is that she’s safe. Ibinigay na lamang ni Ms. Alfer sa mga otoridad ang kaso at pinaiimbestigahan narin ang buong campus upang hanapin ang mga grenades na sinasabi ng taong nasa likod ng mga pangyayaring ito.
Kung sino man siya, sigurado akong napakaingat niyang kumilos na hindi niya hinahayaang kahit isang bedensyiang makuha ay wala.
“St. Charles! What’s wrong with you guys!? Anong nangyayari sa section natin ngayon at kayo ang laman ng usap usapan tungkol sa mga patayang nagaganap!? Ganiyan na ba talaga kayo kawawalang hiya!?” natahimik ang lahat nang biglang pumasok si Mrs. Reyes, ang adviser ng section namin. Kitang kita ko ang galit sa kaniyang mga mata na para bang nanggaling siya sa napakalalim na depresyon.
Mrs. Reyes is in her midst 40’s and she is our adviser, though we don’t feel that she is because every time she always treated us as if we are all burden for her. She loathed our section at tanda ko pa nung sinabi niyang kami ang pinakaworst na nahawakan niyang klase. Hindi namin siya pinapansin kahit na ang sakit niyang magsalita. Wala kaming ginagawa iyon ang alam namin kaya pumapasok sa kabilang tenga at lumalabas sa kabila ang mga sermon niyang walang katapusan.
No offense, pero ganiyan siyang klaseng adviser. Ang swerte nga nung ibang section dahil ang bubuti ng mga adviser nila hindi tulad kay Mrs. Reyes na lagging kumukulo ang dugo tuwing pumapasok sa classroom namin. Minsan talaga maiisip mo nalang kung ano bang ginawa namin sa kaniya kung bakit ganiyan niya kami pakitunguhan. Mostly naman ngayon di’ba, ang mga adviser at mga estudyante magkakasundo? Pero maiba kami, para kaming mga nasa isang gyera at mismong general ng buong sandatahan ang kumitil ng buhay naming lahat. Ganun ang feeling every time na makakaharap namin si Mrs. Reyes.
She never care, ni hindi niya kami tinuring na advisory class niya kasi malas daw kami sa kaniya. Funny isn’t it? Kinakaayawan kami sa dahilang hindi namin alam. Worst nga talaga.
“Hindi ko talaga alam kung bakit dito pa ako nagpunta sa klase niyong walang ibang idinulot kung hindi problema! Salot nga talaga kayo, letse!” aniya saka padabog at nanggagalaiting lumabas ng aming silid.
No one dares to speak. We remained silent, digesting every hurtful word our adviser has said. Nakatungo lang ang lahat at ramdam na ramdam ko ang lungkot sa aming bawat isa. Lalo pa nang hindi pumasok si Christle. I know how hard it is to accept that someone needs to go. At sa kaso ni Chris, alam ko na sobra siyang nahihirapan lalo pa’t halos ang kuya niya na ang lagi niyang kasama.
Biglang bumukas ng malaki ang entrance door at walang kahiya hiyang pumasok doon si Monica na kasama si Ashlie. Right, ngayon sila babalik. Yan ang sabi ni Ashlie kahapon na in-announce niya pa sa GC namin. Kaya ang ending, tuwang tuwa ang buong klase.
Though we’re still worried about Erish. Ang tagal niya ng wala at hindi pa tumatanggap ng visitor ang pamilya niya. Para daw masecure ang buhay ng anak nila lalo pa’t hindi pa kilala kung sino ang pumatay kay Mrs. Medez na nagdroga kay Erish.
But Mrs. Basilio informed us na nagkamalay na daw si Erish. But sad to say, she doesn’t remember everything. Nakakalungkot isiping pati ang mga magulang at pamilya niya ay hindi niya rin maalala. Ang sabi ni Tita ay epekto daw iyon ng drogang ginamit kay Erish. Ngayon ay ginagamot parin siya at meron ng malay hindi katulad noon na halos isang lingo siyang walang malay.
“Goodmorning guys! Miss me!?” banat ni Ashlie. Monica laughed at her and waved her hands on air. Just like her usual.
“Heh! Asaness ka Ash! Syempre hindi noh! Mukha mo kaya lagging nakikita namin sa i********: and f*******: account namin! Baka ako namiss nila!” saad ni Monica na ikinangiwi ko. Kahit kailan talaga ang mga talandisay na mga babaeng ito.
“Huy, kayo! Abah makaoutfit magdedebut!?” gatong naman ni Jelliane na nakakapit tuko nanaman kay Prince. Haven’t I mentioned na mag-on sila? Yes, silang dalawa ang Queen and King of the year since sila lang ang magjowa sa klase namin. Single kaming lahat.
Ewan ko lang sa mga nagliligawan.
“Ashlie, Monica asan na ang pasalubong! Paasa kayo nasan na ang mga chocolate bars na pangako niyo!?” tanong ni Francis na nilapitan pa ang dalawa. Dahil sa sobrang taba ni Francis, ayun nasanggi si Cesiah na tahimik sa isang tabi. Kaya ang ending?
“Bwisit naman ‘tong tabatchoy na’to! Yang bilbil mo kainin mo ng Manawa ka sa dami!” inis na reklamo ni Cesia kay Francis. Nagtawanan ang lahat na tila ba nakalimutan na agad ang mga masasakit na binitawan ng adviser namin kanina.
“St. Charles, please be silent! Nagka-klase na yung kabilang section!” pananaway naman ni Joyce, ang perpektorista naming Presidente. I just rolled my eyes and drifted my look.
Hindi ko inaasahan ang pagtama nito kay Erol na nakayuko habang may sinusulat sa kaniyang deathnote, I mean notebook. Ganiyan kasi minsan si Erol, maaabutan mo yang nagsusulat ng kung ano ano sa notebook niyang siya lang nakakaintindi.
Minsan nga napapagkamalang diary niya iyon, but then he just always deny it and would say na nagjjot down lang siya ng mga details ng mga information pumapasok sa isip niya para sa story niyang ginagawa. Oo, minsan nagiging writer din yan si Erol. I remembered the day nung nagpapizza siya when he gained 200k followers in his writing platform where all his stories was available to read there.
I even tried to read and add all his stories in my library and end up reading pass midnight. Inabot pa ako ng alas dos ng madaling araw matapos lang yung isa niyang story na sinimulan kung basahin nung umaga ng sabado. Kaya ayun, hindi na ako muling nagbasa kasi nagkaroon lang naman ako ng malaking eyebag.
“Uy, umayos na kayo nandiyan na si Ma’am Ap!” biglang bulalas ni Cyron kaya mabilis na nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan ang mga kaklase ko. Right after that, pumasok na ang subject teacher namin sa Ap at nagsimula nang magturo.
*
Freshue POV
Hapon na at kaaalis lang ng klase namin ang subject teacher namin sa Health. I was putting my books and notebooks in my bag when suddenly Erol stood up in front and said.
“Let’s play the game again. I want to continue taking revenge for Mary’s death.”
Natahimik ang lahat sa ilang minutong lumipas. Pero ng sinundan siya ni Ashlie sa pagsasalita, doon pa lamang nakapagsalita ang lahat.
“Yeah, Total nandito naman na kami. Ano?” tanong ni Ashlie.
“Okay, I’m in!” ani Monica.
“Sali naman!” sabi naman ni Abi.
“Let’s all do this!” pagtatapos ni Rahizen.
Pagkatapos ay agad na naming inilagay sa bawat gilid ng silid ang lahat ng mono block chairs. Sinigurado rin muna namin na wala ng tao sa labas dahil lagpas alas singko na ng hapon. Paniguradong nakauwi na pati ang mga nasa mataas na sections at ang mga senior, junior, at ang mga guro.
Ngayon, kami nalang ang nandito.
“Here comes the bottle!” nakangiting anunsyo ni Johan na agad ding inilapag sa gitna naming lahat. Tumayo si Matt at siya na ang nagspin ng bote. We waited for seconds. And when the bottle stop spinning, sa harapan mismo ni Erol iyon tumapat.
Mula sa aking kinauupuan ay kitang kita ko ang pagdilim ng kaniyang mga mata. At ilang segundo lang ang lumipas saka siya nagsalita.
“Mrs. Reyes, our wick adviser.” He said and that made us all tongue-tied for a couple of minutes.
Si Mrs. Reyes ang napili niyang papatayin? Alam ko na hindi naging maganda ang pakikitungo sa amin ni Mrs. Reyes and we are all confused kung ano ba talaga ang rason at dahilan niya kung bakit siya ganun sa amin. Pero ni minsan hindi pa pumasok sa isip ko na isa siya sa magiging taong mapapatay ng klase namin. O ng isa man sa amin.
“Okay, our adviser then,” pambabasag ni Daivy sa katahimikan kaya bumalik kaming lahat sa sitwasyon. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan si Erol na kuhain ang bote at muling ipaikot upang malaman kung sino ang papatay sa taong kaniyang napili.
Tila ba naging slow motion sa aking paningin ang paunti unting pagikot ng bote. Habang pinapanood ko ito ay lalong lumalakas at bumibilis ang t***k ng aking dibdib. Para akong nabibingi sa sariling beat ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo.
And when I blink, then blink, halos sumabog ang dibdib ko nang makita ko na nasa may bandang harapan ko nakatigil ang nguso ng itim na bote. Para akong aatakihin sa puso, sunod sunod ang pagpapakawala ko ng mabibigat na buntong hininga. Ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang kabang nararamdaman.
So ako ang papatay sa sarili naming adviser? Tama ba? But how can I–
“Terrod….” Narinig kong tawag ni Abi. Mabilis na naimulat ko ang aking mga mata at wala sa sariling napabaling sa aking katabi. Then my chest literally fell upon seeing Terrod staring intently at the black bottle pointing in his direction and not to me!
Oh thank God!
Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Pero kahit ganun na hindi ako ang tinapatan ng bote ay napakabilis parin ng t***k ng aking puso. Para rin akong nilalamig at pinagpapawisan combined. Sobrang nerbyus na nerbyus ang nararamdaman ko sa takot na baka nasa direksyon ko nakatapat ang bote.
“It’s okay, I will do it,” he said calmly. I opened my eyes and look at him. He look at me too, I smiled. He just nodded his head before he gave us all a look. Matapos nun ay muli siyang nagsalita.
“Sa totoo lang, matagal ko ng iniintay na mabanggit si Ma’am. Kasi natatandaan ko pa nung humingi tayo ng tulong para itakbo sana si Mary sa hospital, hindi niya lamang tayo pinansin at inuna pa ang sarili. Instead of helping us, she went home and filed an absent for one week. Nagpanggap pa siyang may sakit para lamang umakto na wala siyang alam sa mga nangyari. That wicked woman, she deserves to die just like cruel people. Dapat nung una palang talaga siya na ang pinatay agad natin.” Paliwanag niya na ikinalabo ng mga mata ko.
He mentioned about that day again. He mentioned about Mary again. He mentioned again about how our both eyes saw Mary’s slowly dying because we couldn’t asked for help. Hindi nila kami pinansin o pinakinggan man lamang.
Kung tinulungan lamang sana kami edi buhay pa sana si Mary. Si Mary na napakainosenteng tao. Bakit ba may mga taong tutulong nalang hindi pa magawa? Kung tutuusin pagtawag lang naman ng ambulansiya ang hinihingi namin nung mga araw na iyon ngunit wala man lang ang tumulong.
Kung sana kahit isa man lang nagkaroon ng awa at hindi inisip ang kahahantungan ng buong paaralan edi sana nailigtas pa ang buhay ng isang napakabuting tao. Kasi ang tanging iniisip lang nila ay kung ano ang kalalabasan ng imahe ng paaralan kung sakaling may lumabas na balitang may isang estudyanteng namatay sa loob mismo ng isang prestihiyuso, kagalang galang, kahanga hangang paaralan.
Pero kahit na ganun? Nagawa ko parin silang patawarin, bakit? Kasi wala naman ng magagawa kung magagalit pa ako. Hindi naman na maibabalik ang buhay na nawala. Wala lang ring mangyayari.
Pero kasi hindi na sila naawa. Hindi na nga nila nagawang tumulong, pinalabas pa nila na suicide ang nangyari. Napakasahol ng mga ugali nila. Isang estudyante galing sa kanilang paaralan ang hindi man lang nila ginalang kahit sa huli nitong araw sa lupa. Napatawad ko na sila nung hindi nila kami tinulungan man lang eh, pero kasi nung inilabas nila sa public na depress si Mary kaya nagpasyang tapusin ang sarili niyang buhay ang nakakatanga.
Sinong matinong tao ang gagawa ng ganun? Hindi sila matino, kaya siguro tama lang ‘tong ginagawa namin. Ang mga tulad nilang tao ay hindi karapatdapat na tumagal dito sa lupa. Because they don’t care about others life, they just care about themselves.
Selfishness…..
[End of Chapter 18 – Thank You