#BoDChapter17
Joyce POV
After planning everything, mabilis na umalis kami at ginawa na ang mga plano ni Ms. Alfer. The plan is, lilituhin namin ang taong may pakana nito. Three of us ay pupunta sa police station para ireport ang lahat and the rest ang gagamit ng kotse ni Ms. Alfer papunta sa lugar na tinutukoy sa sulat.
“Let’s do this.” Pensyunadong saad ni Terrod saka mabilis na umangkas sa isang motorsiklo.
I stared at the motorcycle na gagamitin namin papunta sa police station. Yeah, sa tatlong magrereport ay kasama ako since I’m the president of the class. Naiwan si Prince sa iba para magbantay at kahit nasa labas ng paaralan ay mapanatiling ligtas parin ang lahat.
“Bakit ba kasi iisa akong babae? San ako uupo? Saka bakit yan ang gagamitin?” pagtatanong ko na may halong pagrereklamo. Yapos yapos ko na ang helmet na ibinigay ni Terrod sa akin since motor niya ang gagamitin.
“Ang arte niyo talagang mga babae,” Dave said. I glared at him saka suminghal. In the end, wala naman akong magagawa dahil nagmamadali kami. But then, mapaggigitnaan lang naman ako ng dalawang lalaki? Nakakaluka lang isipin.
Wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang isuot ang nagiisang helmet na meron si Terrod, safety first daw para sa akin. I hesitantly ride on the seat of the motorcycle. Sinundan naman agad iyon ni Dave, well, mabuti na lamang talaga at naisipan nilang maglagay ng harang.
Gamit ang mga throw pillow na binili ni Dave sa isang school supplies store, hinarang ko iyon sa pagitan naming dalawa at sa pagitan namin ni Terrod. Aba, kahit na mabuti silang tao they are still boys.
“Hold on tight and where going!” Terrod warned and when he started the engine, mabilis at matulin niyang pinaharurot ang motor. So because I haven’t been ride on a motorcycle before, I ended up puking when we finally reached the police station. I just stayed outside and threw all the foods I ate earlier.
Fvcking motorcycle, fvcking Terrod!
*
Erish POV
Ramdam ko ang mabibigat na talukap ng aking mga mata. Ang p*******t ng aking bawat kalamnan na tila ba binugbog ako ng sobra.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata na hinang hina pa. Agad na bumungad sa akin ang nakakasilaw na bumbilyang kulay puti kaya muling pumikit ang mga mata ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at dahil sa sobrang katahimikan ay hindi pumalya ang pandinig kong dinggin ito.
Sa muling pagmulat ng aking mata ay wala sa sariling tinitigan ko ang nakakasilaw na ilaw. Ilang sandali ang lumipas at nakayanan ko nang tagalan ang nakakasilaw nitong epekto. Pinakiramdaman ko ang paligid.
Napakatahimik. Kung hindi lang dahil sa matitinis na tunog na naggagaling sa aking tabi ay para na akong mabibingi sa sobrang katahimikan. Ang bawat tunog ay tila ba sinasabayan ng malakas na kabog ng aking dibdib.
N-nasan ako? Bakit….bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Ano ang lugar na ito?
Kumibot ang aking labi at bumaling ang aking tingin sa direksyon ng pintuan ng bumukas ito. Mula doon ay pumasok ang isang babaeng mababakas ang lungkot at pamamaga ng kaniyang mga mata. Hawak hawak niya ang isang asul na panyo na siyang kaniyang ginagamit upang punasan ang mga luhang pumapatak sa kaniyang pisngi.
I saw her sniffed and right after that, her eyes landed in my direction. And suddenly, she dropped her handkerchief and stiffened a bit. Ngunit segundo ang lumipas ay bigla siyang nagsisisigaw. Lumabas pa siya muna ng silid at nang makabalik ay may kasama ng isang lalaking nakasuot ng purong puti. Napansin ko na mas lalong lumala ang kaniyang paghagulgol, maya maya pa nang makapasok ang lalaking nakasuot ng purong puti ay sinundan iyon ng isa pang lalaking mabilis na niyakap ang babaeng luhaan.
I don’t know them but why do I feel happy to see them? Hindi ko sila maalala o mamukhaan dahil hindi ko sila kilala pero bakit may kung ano sa aking nabuhayan ng loob nang makita ko ang babaeng umiyak ng makita ako?
Gusto kong kumilos but I couldn’t move. Parang na-paralyze ang katawan ko at ang tanging paggalaw ng aking mata ang tangi kong nagagawa.
“Please check her vital signs.” Ani ng lalaking nakaputi na hindi ko rin kilala. Pagkasabing pagkasabi niya noon ay lumapit sa akin ang isang babaeng nakasuot ng mask na agad may ginawa sa machine at sa akin. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila kaya muli ko na lamang binalik ang aking paningin sa mga taong ngayon ay nasa labas na ng kwarto.
And right at this moment, I saw the woman hugging a man. She cried so badly while on the other hand, the man is caressing her back with teary eyes so the woman would at least feel okay. My eyes then shifted and it landed on the little girl’s direction. I saw her crying and her wails are echoing right on my head.
Hindi ko maintindihan kung bakit sobra sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon na dahilan kung bakit lumalabo ang mga mata ko. I couldn’t move nor to speak and ask why do I feel this way. Why do I feel happy to see this people crying upon seeing me?
But one thing I really want to know, who am I?
*
Ashlie POV
Nang makapasok kami sa loob ng kanilang mansion, bunch of maids greeted me. Argh, sawang sawa na ako sa mga plastic na pakikitungo ng mga katulong na ito. No offense, but I knew how plastic they were. I even caught them talking about how cruel Mr. Rey is, that they are just being patient of Mr. Rey’s attitude. Saka hindi rin nakatakas ang tungkol kay Tita and Monica.
Yes, alam ko namang masama minsan ang ugali ni Monica. But you couldn’t blame her. She was raised in that way, saka kung paano siya itrato ng pamilya niya ang malamang na naging dahilan ng mapurol niyang ugali.
But I know Monica well; she’s just acting that way so she would look strong and not the weak girl every time she was inside of her room. Masayahin at iisipin mong walang problema iyang babaeng yan sa labas, but when she was in her room? Doon na lalabas ang tunay niyang kulay.
I already saw her at her vulnerable and weakness state. At ang tanging masasabi ko lang ay sobrang napakalaki ng pinagkaiba. There is really a big difference between the Monica outside and the Monica inside.
“Oh, Ashlie my dear!” nakangiting bati ni Tita Fel. I smiled back just like how their maid’s. Plastic rin naman ako minsan but not all the time, kaya nga masama rin ugali ko di’ba? Mas gugustuhin ko kasing sabihin yung mga masasakit na salita para magising sila sa katotohanan hindi yung puro kay tamis tamis na salitang puro naman kasinungalingan.
Ewan ko ba sa mga tao ngayon, mas gugustuhin pa nilang makarinig ng mga kasinungalingan kaysa sa katotohanan. Minsan nga mas pinapanigan pa ang kasinungalingan at binabalewala nalang ang mga katotohanan.
“Hi Tita! You really look so good, mas mukha pa kayong bata tingnan kesa sa akin!” I joke but this time I’m saying the truth one. Monica’s mom is really beautiful even without her make up just like her daughter. Manang mana talaga si Monica sa nanay niya, iyon nga lang sa ugali lang nagkatalo.
“Ay naku, I’m so sick of that compliments!” she said. Nakipagbeso beso ako sa kaniya . Right after she said that biglang lumabas sa kung saang lumalop ng punso, I mean ng mansion ang daddy ni Monica. At pakiramdam ko nagtayuan ata ang mga balahibo ko nang makita ko si Tito.
“Abah! May bisita ka pala Jane hindi mo man lang pinaghanda si Karen!” saad ni tito sa napakalalim na boses. Tila ba hinugot pa sa pinakamalalim na lupa. Well, kung idedeskriba itong si Mayor Rey, hindi siya kaputian at kayumanggi lamang ang kulay ng balat. Medyo kulot ang buhok at malaki laki ang ilong but it was sharp enough to be attractive. Makapal ang kilay at malaki ang labi. May nunal pa ito sa bandang cheekbone sa kanan na may mahabang hibla pa ng balahibo.
And about tita Fel, she looks like a model and kamukha niya naman si Dimple from kadenang ginto na gumanap bilang Daniela. Though Tita Fel is slim and and simple. Light lang ang make up niya at straight ang kulay blonde na buhok. Imagine Daniela from kadenang ginto in that way. Kaya minsan kahit naiinis ako sa nanay nitong si Monica eh hindi ko parin maiwasang mamangha.
I even remembered the first day I saw Tita Felicity, nakailang kuha talaga ako ng picture niya na pinost ko agad sa mga accounts ko. I just want to share it, para ko nang nameet ang isang Asian next top model.
“No need Tito, popcorn is perfectly fine since I’m here for a movie marathon with your daughter and not to eat expensive and delicious foods!” I said also emphasizing the word ‘your’ pertaining to Monica who just stayed quietly in the side but watching us sadly.
Nang ibinaling ko kay Monica ang aking tingin ay mabilis siyang nagiwas ng tingin at yumuko. See? Kaya awang awa ako sa lukang babaeng ‘to eh. Minsan nga iniisip ko nalang na iuwi sa bahay at doon nalang patirahin kahit na minsan hindi rin ako napapansin ni mommy. But then may mga times na kinakausap niya ako. I can say na medyo, medyo lang naman, medyo close ako kay mom.
She’s not always around but at least sometimes she can show me she still care to me. Madalas nga lang mangyari, but I’m fine with it.
After makipagusap ng kaunti kina tito at tita ay pumunta na kami sa entertainment room nila which is nasa second floor pa katabi ng study room. Nang makarating doon ay ako na ang nagbukas ng pintuan since may kinuha pa si Monica sa kwarto niya.
Nakapaok ako ay agad na nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Naabutan ko doon si ate Maurine na kaharap ang kaniyang loptop habang nagbabasa. She’s wearing her eyeglasses while seriously reading something on her loptop. But when she noticed that someone was up, mabilis na tiniklop niya ang loptop at pagud na napatingin sa akin.
When our eyes met, mabilis na nagbago ang reaksyon ng kaniyang mukha. Mula sa pagud ay unti unti itong napalitan ng saya at recognition. Inilapag niya ang loptop na nakapatong sa isang throw pillow sa kaniyang lap doon sa kaniyang katabing couch.
Then she stood up and greeted me.
“Guia! Buti pinayagan ka ng mommy mo?” saad niya kaya napasimangot ako. Kala mo seryusong tao may saltik rin pala.
“Whatever, Ate Mau. At sana naman Ashlie din tawag mo sa akin no? Bakit ba ang hilig niyong second name ang ginagamit. Just like Monica, Jane tawag niyo sa kaniya. And sayo, Lady Maurine Rey. Should I call you Lady?” pangbibitch talk ko. She just laughed at that and sat at the couch she was sitting kanina. Ipinatong niya ang kaniyang paa sa mababang babasaging lamesa at saka umunat.
“Hay naku, I don’t know how I survive being a medicine student back there. Ngayon na magiging doctor narin ako parang ngayon na ako sumusuko. Nakakapagud!” She suddenly complained and all I just did is rolled my eyes.
“Ginusto mo yan kaya panindigan mo!”I said almost making her mad but then she just laughed. Grr, paano ba galitin ang isang Lady Maurine Rey na’to? Siya lang ata ang masayahin sa buong angkan ng Rey.
Dahil nangangalay narin ako, umupo na ako sa katabing couch at isinalampak ang aking katawan. I even yawned two times. I don’t know why I feel tired. Ang ginawa ko lang naman ay…..Wait! I almost forget, yung plano ko nga pala kung bakit talaga inagahan ko.
Umayos ako ng upo saka hinarap si Ate Maurine na nakatitig lang sa kisame. Ewan, naghahanap ata ng butiki sa bahay na’to. Ni butiking putol ang buntot wala akong makita siya pa kaya? Anyways…
“Ate Maurine, do you know Roel?” dire-diretso kong tanong. Wala ng hiya hiya, dito rin naman papunta saka tinatamad akong magpasikot sikot pa, dito rin naman ang bagsak.
Mabilis na napaayos ng upo si Ate Maurine at kitang kita ko kung paanong biglang nagbago ang kaniyang reaksyon. Napalitan iyon ng pagkaseryuso at bahagya ding kumunot ang kaniyang noo. Nilingon niya ako at binigyan ng mapagtanong na tingin.
My brow arose.
“Oh? Ba’t ganiyan ka makatingin?” tanong ko. Yeah, I talk like she’s just in my same age. Wala naman sa kaniya iyon dahil ayaw niya rin minsan na tinatawag siyang ate. Sabi niya kasi ang tanda na niyang tingnan dahil sa stress tapos lalo pa siyang tatanda kung tatawagin siyang ate.
“Did you mean about Roel–“ I cut her before she could even finish talking. Roel na nga di’ba? And I don’t think may iba pa siyang kilalang Roel, though madaming Roel sa mundo pero kasi atat na akong may malamang pang blackmail sa damukong na iyon.
Argh! I remember him again!
As I was about to start to tease her, bigla siyang nagiwas ng tingin at malamig na nagsalita. And when she said those words, it makes me more curious about Dr. Roel who I just hated so much.
“Let’s not talk about that guy. You wouldn’t want to know him.” She said and after that, I never ask her again and just waited until Monica came. Nagsimula narin kaming magmovie marathon, pero ang isip ko ay naiwan sa usapan namin kanina ni Ate Maurine.
Anong ibig niyang sabihin?
[End of Chapter 17 –Thank You