Chapter 16

2255 Words
#BoDChapter16   Christle POV   Tila napukaw ang atensyon ko sa larawan na nasa aking kamay. Matapos buksan ni Grachell ang envelope at makuha ang dalawang larawan sa loob, mabilis na inagaw ni Carlo ang mga ito kay Grachell at saka gigil na gigil na pinagpupunit. But when he was about to tear the other picture, I grabbed it first.   Ewan ko ba, may kung ano sa akin na biglang kinabahan nang makita ko ang larawan. Yes, I threw up because I can’t digest to see such vivid picture. But when I remembered that I noticed something really familiar to me, mabilis akong bumalik at inagaw kay Carlo ang larawan.   Kahit na gusto ko nalang muling sumuka ay pinigilan ko ang sarili ko at tinignan na lamang ng maayos ang isang bagay na napakapamilyar sa akin.   And when I realized that it was really it, I feel like my world tear into pieces. Walang lakas na nanghihina akong bumagsak sa sahig kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. I burst crying upon seeing the silver necklace the man wearing.   Ang kwintas na iyon ay parehas na parehas sa kwintas na isang taon kong pinagipunan maibili lamang at mairegalo sa kaniya. At hinding hindi ako pwedeng magkamali, dahil ang kwintas na iyon ay nagiisa. Tanging nagiisa iyon dahil sulat kamay ko mismo ang pangalan na nakalawit sa kwintas na iyon. At ang masaklap, dahil pinakaimportanteng tao pa ang pinagbigyan ko niyon.   “KUYA!!!!”   Sunod sunod ang pagtulo ng aking luha at tila ba mas kung anong pasan ang dibdib ko. Ang sakit, ang sakit na iisipin ko palang na wala na ang kuya ko ang sakit na. Si kuya, si kuya na lamang nga ang nagmamalasakit sa akin tapos mawawala pa?   Bakit ganun? Ang sakit. Gusto kong magwala. Inis na inis ako, halos dabugin ko sa sobrang galit, inis, poot at lungkot ang lamesa sa aking tabi.   Bakit sa dinami dami pa ng tao sa mundo na pwedeng mapunta sa posisyon na iyon ay ang kuya ko pa? Bakit ang tao pa na walang ibang ginawa kung hindi ipagtanggol at kampihan ako sa tuwing kinukumpara at sinesermunan ako nina mama. Bakit si kuya pa na pumapawi sa mga sakit na nararamdaman ko noon sa tuwing pinagbubuhatan ako ni mama ng kamay? Sa tuwing nasasabihan ako ng mga masasakit na salita?   “Kuya! K-kuya! Kuya ko!” I keep on shouting and shouting while calling my brother. I can’t help it, ang sakit sobra. Ano bang nagawa niya at kailangan siya pa? Ni halos buong buhay niya ako ang inaatupag niya. Sa buong buhay ko, simula ng magkaisip ako, si kuya na ang nagalaga sa akin. Siya ang tumayong ina at ama sa akin dahil ang mga magulang namin ay ni gatiting na pakialam ay wala. Sarili lang iniisip nila.   “K-k-kuya koo!!!” Pagak kong sigaw saka niyakap ng mahigpit ang larawang halos pandirian ko na kanina. Kung hindi ko man lang nakita ang suot niyang kwintas na halos isang taon ko ring pinagipunan maibili ko lamang para sa pasasalamat ko sa kaniya. Ayaw kong tanggapin na kuya ko ang taong nasa larawan, but then everything that I can see in the picture reminds me of him.   “Christle, si…..si Kuya J-Jhon ba?” rinig kong tanong ni Yuri. Pugto ang mga mata at walang tigil na pagdaloy ng mga luha ko siyang tinignan. I just stared at him, at para bang mas lalo lamang akong naiiyak.   Ang bigat sa dibdib. Yung feeling na may isang bagay kang hindi makuha, may isang bagay na nawala sa pagkatao mo. Ang hirap, sobrang hirap na parang gusto ko nalang ding mawala sa mundo nang malaman kong si kuya nga yung nasa larawan. Nahihirapan kong huminga ganun din ang iprocess kung paano ko ito matatanggap.   Kung paano ko matatanggap ang katotohanang wala na ang kuya ko. O, kung matatanggap ko pa ba? Kasi si kuya? Hindi siya isang bagay lang na ang daling kalimutan, si kuya – s**t! I feel like I badly want to cuss right now. Sobra sobrang galit ang nararamdaman ko.   I can feel my tears stream down my face. Nararamdaman ko na rin ang pagalalay sa akin nina Daivy at Joyce. Ako naman ay hindi matigil sa kakaiyak. Paano ako titigil kung iisipin ko palang na mamaya paguwi ko wala na si kuya? Paano ako titigil sa pagiyak kung sa tuwing araw araw na paguwi ko ang paborito niyang kulay asul na bedsheet ang bubungad sa pagpasok ko palang sa kwarto? Paano ako titigil sa pagiyak kung sa tuwing sesermunan ako ni mama, pagbubuhatan ng kamay o ipapahiya ay wala ng kuya ang magtatanggol sa akin!?   Shit lang!   “B-bakit ang kuya ko!? Bakit siya pa, ha!? Bakit ang kuya ko pa, hayop ka! Napakahayop mong demonyo ka!” buong lakas kong isinigaw. Nagpumiglas ako sa pagkakaalalay sa akin nila.   “C-Christle…” akmang hahawakan na sana ako ni Grachell ng umiwas ako.   “Chris, I-I’m sorry–“ I cut Daivy off and did not let her finish talking.   “W-Why are you s-sorry!? I-is it you w-who killed kuya J-Jhon!?” galit na galit kong tanong. Para akong nawawala sa katinuan. Ngayon, ang tanging gusto ko nalang mangyari ay umuwi o puntahan si kuya sa trabaho niya para malaman o magbakasakali na hindi siya ang nasa larawan at may nagnakaw lang ng kwintas na iniregalo ko.   But then hindi eh, yung buhok niyang blonde na katulad ng nasa larawan? Yung tattoo niyang malaking ibon sa braso? Siyang siya yun eh, parehas na parehas sa kuya ko! s**t I wanted to cuss so bad right now! Pakiramdam ko hindi ko kakayanin kung hindi ko maiilabas itong galit sa dibdib ko.   Pakiramdam ko unti unti akong namamatay kahit buhay na buhay yung katawan ko.   “Nakakatanga lang! Bakit kailangan mo pang patayin ang isang taong napakahalaga sa akin na wala namang putanginang ginagawa sa’yo!?” Dinuro ko si Daivy, thinking that she was the perpetrator. Gusto ko lang may mapaglalabasan ng galit ko. Alam ko naman na hindi sila ang may kagagawan nito, pero ang hindi ko lang matanggap ay bakit kailangan pang madamay ni kuya!?   Two days ago, nagpaalam siya na may outing silang magkakatrabaho. Ayaw niya ng sumama nun eh, pero dahil naguguilty ako dahil ako na lamang ang lagi niyang iniisip ay pinilit ko siya. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangayari. Kung alam ko lang sana na mawawala na siya ng tuluyan edi sana hindi ko na siya pinilit na sumama.    Edi sana kasama ko pa siya, edi sana nandito pa siya sa tabi ko. Edi sana madadatnan ko siya sa bahay at magjojokes uli gamit ang mga corny jokes niya para lang matigil ako sa pagiyak dahil kina mama.   “ARGH!! Bakit ang kuya ko pa!?” Pagwawala ko saka mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria. Wala na akong pakialam kung makabangga ko man ang mga bully sa amin. Wala akong oras para makipagtangahan sa kanila. Baka mapatay ko lamang sila. Ang gusto ko lamang ay mapagisa.   I want to be alone to clear my mind, kasi baka mamaya sumabog na lamang ako. At mawala na ako sa katinuan. I really love my brother so much more than I love myself, kaya ano pang silbi ko ngayong wala na siya? Kaya lang naman ako nagtitiis na mabuhay dahil ang dami niyang pangarap para sa akin eh. Ngunit paano na ako ngayon? Wala na ang guardian angel ko, my kuya left me like that without even saying goodbye.   And it hurts.   *   Daivy POV   Awang awa ako kay Christle. Seeing her crying so bad makes my heart broken into pieces. Ang hirap panoorin ang isang taong napakalapit sayo na umiyak ng sobra. I couldn’t fight the urge of not to cry. Kasi ramdam na ramdam kong nasasaktan siya at wala man lang kaming magawa para bahagihan siya sa sakit na nararamdaman niya.   “Nakakatanga lang! Bakit kailangan mo pang patayin ang isang taong napakahalaga sa akin na wala namang putanginang ginagawa sa’yo!?” ramdam ko ang galit niya habang binibitawan ang mga salitang iyon. But then, I just let her. Kahit murahin niya ako okay lang, as long as kahit kaunti ay nababawasan ang lungkot niya.   Sunod sunod na pumatak ang luha ko nang biglang tumakbo palabas ng cafeteria si Christle. Gustong gusto ko siyang damayan, at ramdam na ramdam ko na ganun din ang nararamdaman nila. Sa sobrang habag ko ay hinabol ko siya. Pero mabilis din agad akong pinigilan ni Ms. Alfer.   I look at her with my teary eyes, kitang kita ko rin ang pamumula ng mga mata niya. Paniguradong kahit siya ay naramdaman din ang sobrang lungkot at paghihinagpis ni Christle.   “Let her think, Ms. Nava. Let her have her time to clear her mind.” Mapagintinding saad ni Ma’am kaya kahit labas sa kalooban ko ay tumango na lamang ako. Mapait siyang ngumiti sa akin saka ako binitawan.   Tinignan niya kaming lahat, and when I look at them, I saw how their eyes flickered. Tulad ko, mangiyak ngiyak narin si Joyce at Grachell. Mapupula naman ang mga mata at mababakas ang lungkot sa mga mata ng mga lalaki.   “As for now, let us solve this code first. Daphne also needs our help, and I’m sure na takot na takot na ang bata.” She said but no one even dares to reply back. Tumungo lamang ako at muling sumilay ang matinding pagaalala para kay Christle.   I hope she will be fine soon. I’m so worried about her, I witnessed how great and strong her and Kuya Jhon’s connection to each other. Ever since ay si Kuya Jhon nalang ang meron si Christle.   *   “I already get the first line. H-hindi pala dapat nating pinaglaanan ng pansin ang mga salita. As we can observed, may mga mali at kulang sa grammar that is because it wasn’t a sentence. Ginawa niya lang iyan na ganiyan upang hind imaging madali.” Saad ni Matt na nakakuha ng atensyon naming lahat.   Ang tanging masasabi ko lang, simula nang nangyari kanina ay napakatamlay na naming lahat. Tahimik lang kami at kung kumilos ay mistulang walang mga buhay. Sa totoo lang hindi ako ganito, I used to rolled my eyes every time and shrugged my shoulders, but the moment I saw Christle in that state? Para bang biglang tumamlay ang buong katawan ko.   “Good then, about the second line, I already know it. It is a keyboard code. This time he used simple code but very confusing because he used the combination cipher.” Sabat naman ni Ms. Alfer. I look at their direction and waited until they spill out what the code means.   “The ‘Sorry-to. Elf’s-like-entrails-notice-again Save-the-rat’s-entire-entrails-timorous’ means St. Elena Street. Kung makikita niyo, napansin ko ang mga first letter ng bawat words, then I tried to cipher it and I succeeded.” Matt explained and I just nodded. I never noticed that, my mind was quite occupied by the thoughts of Christle.   I look at Ms. Alfer, at gaya ng iba, naghihintay lang din kami hanggang sa magsalita siya. Walang gana at reaksyon lamang akong nakaupo sa isang bakanteng upuan habang nagiintay sa sasabihin ni Ma’am.   “The second line is quite easy, ‘nodnabA house raen at eht old tekramrepus site’ means Abandon house near at the old supermarket site. Nakareverse lang yung ibang mga words kaya ganiyan. Then about the third one, it’s keyboard code. As you can see, the first letter located in the keyboard is Q followed by W then E, R and so on. So I cipher the third one using that keyboard cipher.” Ms. Alfer explained and just like a robot, I automatically nodded my head and then stood up.   Tila ba nawalan na talaga ako ng paki sa lahat ng bagay dahil sa nangyari kanina. I gave them all a look right after I stood up from where I sit. I raised my brow at them and said.   “Ano pang iniintay niyo diyan? Pasko? Abah, we already know the address so what are you guys waiting for? Tara na!”   But instead of getting up and agreeing with me, they just groaned and tsk. Para silang mga tanga, alam na nga namin di ba yung address? O bakit hindi pa sila kumikilos? Abah, buhay ng bata ang kapalit nito kaya kailangan na naming magmadali.   “Are you that stupid, Daivy? We can’t just easily go on that address and save the kid. Look at the possibilities, Daivy. Paano kung trap lang pala yun? O pinagloloko lang tayo ng putanginang yun!?” nagulat ako ng biglang nagsalita si Yuri. Wait, did I just heard him cuss? Aba, ang worship namin nagmumura na?   Kanina pa ba siya nagmumura? Hindi ko nahahalata.   “Then let’s call a cop and report everything? Let us give this to them, trabaho nila ang mga ganito at hindi ng mga estudyante lang.” Grachell said using her irritated voice.   “Edi sana nagpolice nalang agad ako at hindi na nagaral kung pwede pa lang ganun?” napapakamot na sinabi ni Rodniel. Tsk, kahit kailan talaga ang bobong ‘to, sarkastiko na ngang sinabi ni Chell hindi pa nagets. Slow talaga.   But anyway, at least nagbago ang ihip ng hangin. Medyo gumagaan na ang tension sa aming lahat.   “Let’s plan everything.” Ani ni Ms. Alfer na mabilis naming sinangayunan.   [End of Chapter 16 – Thank You
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD