Episode 12

631 Words
PAUWI na sa Condo niya si Margaux at lakad takbo ang ginawa nya sapagkat para yatang may nararamdaman siyang kakaiba na tila may sumusunod sa kanya. Dahil hindi siya tumitingin sa nilalakaran niya ay may nakabanggaan ito. "Arayy.." impit niyang sigaw sabay angat ng ulo. Bago pa nakasalita ang lalaki ay bigla itong nahimatay at inalalayan ni Nathan. "Margaux, anong nangyari sa'yo" tanong nito sabay buhat sa dalaga sabay buhat papuntang Condo ng dalaga. Nang makarating sila ay agad hinanap ni Nathan ang susi nito. Nang mabuksan at agad niyang binuksan at tinungo ang sariling silid ng dalaga at maingat na inihiga sa kama nito. "Naku Margaux, Ano bang nangyari sa'yo?" Pinagmasdan ni Nathan ang dalaga. "Totoo bang hinala ko sa'yo Margaux?" "Bakit ako pa, marami naman diyang iba?" "Ayokong magkasala sa asawa ko" mga tanong sa isip ni Nathan. Biglang napaungol ang dalaga at mukhang nanaginip.. Dahil halos magkadikit lang ang mga mukha nila ay biglang nakabig ni Margaux si Nathan at aksidenting dumampi ang kanyang labi sa dalaga at dahil sa sensasyong naramdaman ay biglang uminit at dumiin ang halik na naging dahilan nang may nangyari sa kanila nang gabing iyon. Samantala nag-alala na si Jazz sa asawa at bakit hanggang sa mga oras na 'yon ay di pa ito umuuwi Matapos ang nangyari sa pagitan nina Nathan at Margaux ay biglang natauhan ito at dali-daling pinulot ang mga damit at agad lumabas sa unit ng dalaga. Habang nasa Elevator ito ay ilang ulit niyang sinabunutan ang ulo at napasuntok pa siya sa hangin dahil sa nagawa niya. Nagkasala siya sa kanyang asawa at halos di niya mapatawad ang sarili. Halos madaling-araw na nang makarating siya sa Mansiyon at agad dumeretso sa Mini Bar at kailangan yata niya ng alcohol para makalimutan niya saglit ang nangyari. Samantala biglang nagising si Margaux at naalala ang nangyari at akala niya'y nanaginip siya ngunit nang mapansin niyang wala siyang saplot sa katawan at kumot lamang ang nakatabing nito ay bahagyang sumilay ang mapanglokong ngiti na sa isip niya walang kahirap-hirap na unti na niyang maangkin si Nathan. Nang mahimasmasan si Nathan ay tinungo niya ang kanilang silid at natagpuan niyang nakatulog ito sa Couch. Maingat niyang nilapitan at ginising at agad din itong nagising. papungas-pungas at nakakunot-noong tiningnan ang asawa. "Bakit ngayon ka lang?, Saan ka galing?, Sinong kasama mo??" sunod-sunod nitong tanong at tila di nakapagsalita ito sa mga tanong ng asawa. "Magsalita't magpaliwanag ka Nathan, makikinig ako at umaasa akong TOTOO ang mga isasagot mo sa akin." "Teka nga parang amoy babae ka?" "Kasama mo bang haliparot na lintang ahas na si Margaux?" "sige, magsalita ka na" "Ano ba ito Jazz? magtatalo na naman tayo?" pag-iwas ni Nathan. "Kung hindi mo sasabihin at ayaw mong magpaliwanag.. baka guilty ka't talagang may ginawa ka." "Hindi ko ugaling makipagtalo at kumprentahin ka, ngayon lang nang pumasok ang epal sa buhay natin" "Pwede ba Jazz pgaod ako at bukas na natin 'to at gusto ko ng matulog" wika ni Nathan dito habang hinuhubad ang mga damit at nahiga sa kama nila. Dahil sa pag-iwas ng asawa ay lumabas si Jazz at tinungo ang MINI BAR. Nais niyang uminom at magpakalasing. kinutuban siya na may kakaibang nangyari at ngayon lang nakauwi ng dis-oras ng gabi ang asawa. Napansin niyang uminom na naman ito.. KINABUKASAN ay walang imikan at nagpapakiramdaman lang ang mag-asawa... Hanggang pumasok na si Nathan sa Opisina nito. Balisa at hindi makapag-isip ng maayos si Nathan lalo na ng tumunog at kanyang cellphone at ang tumawag ay si Margaux. Kumikilos na din ang sugo ni DJ at maingat na sinusundan ang dalaga at sa bawat kilos nito ay sadyang umaayon sa mga hakbang niya. Habang si Gerlie ay pasimpleng minamatyagan ang mga kakaibang kilos ng dalaga na nakakarating din lahat kay Jazz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD