Prologue
"HAYOP kang malandi ka..sa lahat pa naman ang asawa ko pa ang pinatos mo.."
Nanlilisik ang mga mata sa galit na wika ni Jasmine kay Margaux ng kanyang sinugod sapagkat huling-huli niyang naghahalikan ito at ang asawa niya.
Walang gatol niyang sinabunutan ang kabit ng asawa niya..
Habang si Nathaniel ay hindi halos makagalaw sa tensyong nangyayari sa pagitan ng dalawang babae
"Nasaan ang breeding mo?O wala na bang papatol sa iyo at dahil nandiyan ang asawa ko para parausan mo?"katagang binitawan ni Jasmine habang hinawakan siya ni Nathaniel..
Bumaling siya sa asawa at isang sampal ang ginawad niya rito.
PAK..."don't ever touch me..at magsama kayo ng kabit mo..
Nanggagalaiti sa galit at tuluyan itong umalis papalayo habang nag-uunahang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata..
Hinabol at niyakap ni Nathaniel ang asawa ngunit nagpupumiglas ito..
"Bitiwan mo ako...at ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo..tapos na tayo."
Lakad takbo ang ginawa ni Jasmine hanggang sa may nakabanggan ito at napasubsob sa matipunong dibdib ng isang lalaki.
Hindi mapigilan ni Jasmine ang kanyang sarili at napahagulgol ito na hindi alintana kung sinong yumakap at nagpatahan sa kanya.
"What happen?"nagtatakang tanong ng lalaki habang hinahagod ang likod ni Jasmine.
Tumingala si Jasmine at bahagyang tinitigan at nagtama ang kanilang mga mata at biglang iwas din niya rito.
Muling nagbaba ng tingin si Jasmine at pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay safe siya habang yakap siya ng lalaki.
Ilang minuto ay kumalas si Jasmine at dahan-dahang pinahid ang mga luha..
"Okay na ako.."
Tumalikod na ito patungong sasakyan at dali-daling pumasok at pinaandar ito.
Nagdadrive siya na hindi alam kung saan siya dadalhin nito.
Hanggang makarating ito sa dagat at dali-daling bumaba at nagtatakbo at sumisigaw...
"How dare you Nathaniel?"
"At Bakit mo nagawa sa akin ito?"
"Ano bang pagkukulang ko at nagawa mong maghanap ng iba"
Napahagulgol at garalgal pa ring sumisigaw habang naglalakad sa dagat at papalayo ng papalayo ito hangga't hindi na siya matatanaw.
Samantala si Nathaniel ay binalingan si Margaux at kinaladkad niya ito.
"Kapag may mangyari sa asawa ko..huwag kang magpapakita sa akin baka ano pa ang pwede kong magawa sa'yo"
Mahigpit ang pagkakahawak ni Nathaniel sa braso ni Margaux na dahilan na napaluha ito sapagkat nasasaktan na ito.
"Nathaniel please bitawan mo ako at nasasaktan na ako"
Nagsusumamo ito habang umiiyak.
Binitiwan ni Nathaniel si Margaux at iniwang luhaan ang dalaga.
Hinabol bigla ni Margaux si Nathaniel at niyakap ang likod nito.
"Nathaniel huwag mo akong iiwan..mahal na mahal kita"
"Gagawin ko lahat..hwag lang ang mapalayo sa'yo.."
Tinanggal ni Nathaniel ang mga kamay ni Margaux na nakahawak sa kanyang beywang.
"Tumahimik ka at pwede tapusin na natin ang kahibangan na ito"
"Ni minsan hindi kita minahal at napakalaking tanga ko at nagawa ko ito sa asawa ko"
"Mahal na Mahal ko si Jasmine at siya lang ang nagbukod tangi kong minahal."
"Natukso ako at tinukso mo ako Margaux kaya pinatulan kita"
Mga katagang binitiwan ni Nathaniel na nagpadurog sa puso ng dalaga.
Hagulgol at garalgal ang boses na sinasambit at sinisigaw ni Margaux.
"Nathaniel...Nathaniel.. Akin ka lang...akin ka lang...
Hindi na matatanaw ni Margaux ang papalayong si Nathaniel.
Napaluhod na humagulgol ito hanggang may isang lalaking kanina lang nakamasid sa kanila.
Dahan-dahang nilapitan ang dalaga at inalalayang makatayo.
Habang si Margaux ay walang siglang sumunod rito.
Sino ang misteryosong Lalaki ang tumulong sa dalawang babae?
Iisang tao lang ba ang nakabanggaan ni Jasmine at umalalay kay Margaux?
Ano ang nangyari kay Jasmine?