Episode 1

716 Words
Nasa sariling Boutique si Jasmine habang tsinetsek ang mga bagong supplies.. Nang may narinig siyang tumatawag sa kanya. "Jasmine..Jasmine..."tawag nito sa kanya. Napalingon siya sa kinaroronan ng boses at si Janelle ang bestfriend pala niya ang tumawag sa kanya "Oh Bessy napasugod ka.?Anong problema?" Tanong nito sabay yakap at halik rito.. "Naku Bessy huli na pala ako sa balita at magpapakasal ka na next month at wala man lang pasabi" Nagtatampong wika ni Janelle sa kanyang kaibigan. "Naku Bessy pasensiya ka na naging busy lang talaga ako pero ikaw naman ang Maid of Honor ko eh" Nakangiting paliwanag ni Jasmine sa kaibigan. JASMINE GONZALES BERNARDO Isang fashion designer,huwarang asawa at ina.. Isang mabait,simpleng dalaga at napakalambing na nobya. *** Naging abala si Nathaniel sa pagbabasa ng mga files nito sa kanyang opisina. Kumatok ang kanyang sekretaryang si Ella.. Tok...tok...tok... "Come in" "Excuse me Sir,remind ko lang po ang meeting niyo mamayang 2pm po kay Mr.Tan." Pagpapaalala wika ni Ella sa kanyang Boss. "Salamat sa paalala Ms.Ella.. "Iyon lang ba ang appoinment ko ngayong araw?" Bigla nitong tanong sa Sekretarya. "Wala na po Sir"magalang tugon ni Ella sa kanya. "Sige Ms.Ella you can take your lunch now and be back after 45 minutes at may ipapagawa ako sa'yo" "Sige po Sir salamat." Umalis na nga ang kanyang sekretarya at biglang naalala niya si Jasmine.. Maglalunch kasi sila..iyon ang usapan nila nang hinatid nito ang nobya kaninang umaga sa Boutique nito. Tinawagan niya muna si Jasmine.. Kringg...kring...kring... Matagal pa bago nasagot ng dalaga ang kanyang cellphone at nag ring ulit ito. "Hello Mahal pasensiya ka na kung matagal kong nasagot ang tawag mo.." Hinging paumanhin niya rito.. "Okay lang iyon Mahal at maghanda ka at after an hour puntahan na kita diyan"wika niya rito. NATHANIEL PEREZ BERNARDO CEO ng kompanya ng pamilya niya ang BERNARDO GROUP OF COMPANY. Sa edad na 31 ay isa na itong Successful Businessman. Gwapo,mayaman,mapagmahal at lapitin ng mga babae. Limang taon ang naging relasyong Nathaniel at Jasmine at napagkasunduang magpakasal na sila after the romantic proposal na ginawa ng binata. NATHANIEL's PROPOSAL Nasa Opisina si Nathaniel at pinaghahandaan ang kanyang proposal sa kanyang nobya. It's a romantic dinner date for them with matching background music. Tinawagan ni Nathaniel si Jasmine na nasa Supermarket ng mga oras na iyon. Kinuha ni Nathan ang cellphone at nag dial na nga ito. Tumunog ang cellphone ni Jasmine habang namimili ng prutas sa Supermarket. Kinuha niya ito sa kanyang Bag at agad nitong sinagot. "Hello Mahal Saan ka?Pwede ka bang dumaan dito sa Opisina?" "Andito ako ngayon sa Supermarket..namimili kasi ako ng goods and supplies ko." "Magbabayad muna ako at pagkatapos puntahan na kita diyan." Nang makapagbayad na siya ay tumulak na ito papuntang Opisina ni Nathan. Naabutan pa talaga siya ng traffic sa daan na hindi maiwasang mag-alala si Nathan sa kanya. Lowbat pa talaga siya at hindi siya makontak nito. Nang makarating na ito sa Building ng kompanya ni Nathan. Paglabas niya pa sa kotse nito ay may nag-abot na ng bulaklak.. Nang makapasok siya ay isang stuff toy na naman. Nasa elevator siya ng may nag-abot ng card sa kanya at binasa niya ito. "Dumeretso ka sa rooftop" "Hihintayin kita." Dumeretso na nga ng Rooftop si Jasmine.. Sinunod niya ang nakasulat sa naturang Card. Pagkarating pa lang niya ay biglang kumabog ang kanyang dibdib.. Lalo ng napansin niya iyong set-up na alam ng puso niya na si Nathan ang may gawa nito. Napaluha siya ng may narinig siyang kumakanta. Walang iba kundi si Nathan..inawit ang kanilang Themesong ang KUNIN MO NA ANG LAHAT SA AKIN. Ramdam ni Nathan ang pagkanta nito.. Habang kumakanta ay may video clip na nakaplay sa Big Screen.. Pagkatapos kumanta ay biglang lumuhod si Nathan at may kinuhang isang maliit na box. Isang Diamong Ring iyon.. "JASMINE GONZALES,Are you ready to be Mrs.BERNARDO and spent the rest of your life with me? "WILL YOU MARRY ME?" Biglang nagsilabasan ang mga FIREWORKS DISPLAY. Naging Speechless si Jasmine halos walang lumalabas na salita sa bibig niya. Dinampian ni Nathan ng halik ang dalaga na nagpabalik ng diwa nito. "YES..YES...YES...I WILL MARRY YOU NATHANIEL BERNARDO." Sa Wakas ay nabigkas niya rin at mahigpit siyang niyakap ni Nathan at hinagkan siya nito. Pinagsaluhan ang mapusok at maalab na halik na tanging puso ang nangungusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD