WE HAVE more clients now because of Lionel. Mula ng kumalat ang balitang pagpapakasal naming ay dumagsa ang trabaho naming which is good for the company. Ayaw kong isipin na plano ito ni Dad o ni Lionel pero kahit anong gawin ko, ibinubulong talaga siya ng isipan ko. Sa ngayon, pagbubutihin ko na lang muna ang trabaho ko. Marami pa ang dapat kong matutunan dahil soon… ako na ang magpapatakbo ng kompanyang itinayo ni Dad. Kahit wala na siya, alam kong magiging proud siya sa akin sa oras na makuha ko na ang pamamahala kay Lionel. Walang duda ma mahusay siya talaga. Siyempre, asawa ko. Tanggap ko na ba talaga? I mean, isa kasi siyang San Miguel. Tila ngayon lang ako naniwala na talaga ngang big deal ang pagiging San Miguel. Pero hindi ko siya pinakasalan dahil sa apelyido niya. It’s because

