I DON’T know what to say. Nilukuban ako ng hiya dahil sa nagawa ko. Ano ba kasi ang mali sa nagawa ko? Ginaya ko lang naman ang paraaan na itinuro niya sa akin. Pagkatapos kong hulihin ang labi niya ay kinagat ko. Nagwa ko naman na putulin ang halik pero… iyon nga, may sugat siyang natamo. Napangiwi pa nga siya. Hanggang sa itigil niya muli ang sasakyan ay nanatili kaming tahimik sa isa’t isa. Ayaw ko rin siyang tingnan. Sinimulan ko ng tanggalin ang seatbelt sa katawan ko nang bumaba na siya. This time, mukhang hindi biro ang galit niya sa akin. Umibis siya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong bumaba. “Ma-masakit pa rin ba?” tanong ko. May bakas pa rin ng dugo sa labi niya. Natigil siya sa pagsara ng pinto ng sasakyan saka ako nilingon. Saglit niya akong tinitigan. Kina

