“SIGURADO KA ba, Miya? I mean…malaking pera din ‘yan ibibigay mong tulong sa kaibigan mong si Jayson.” Natigil ako sa pagtipa sa laptop nang marinig ang sinabi ni Sam. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa problema ni Jayson. “Oo naman, Sam. ‘Di naman masamang tumulong, right?” “I know hindi masama pero kalahating milyon lang naman ang perang nais mong ipadala sa kaibigan mo.” Bakas ang pagkadismaya sa mukha niya o mas tamang nag-aalala lang si Sam para sa akin. “Alam ko naman iyon pero alam ko din ang pinagdadaanan ni Jayson ngayon.” “Alam ba ito ni Mr. San Miguel?” Nakapamaywang na siya sa harap ko. “Baka maging ugat pa ito ng away ninyong dalawa ha?” “Hindi naman niya kailangan pang malaman. Sarili ko namang pera ang tulong na ibinigay ko kay Jayson. Kaya Sam, nakikiusap sana ako

