NAKIPAGKITA AKO kay Jayson kinabukasan. Nagpaalam ako kay Lionel na may nais lang akong bilhin sa malapit na mall hindi kalayuan sa office. Pumayag naman siya basta’t kasama ko ang mga bodyguards niya. Nasa isang meeting kasi siy kaya hindi niya ako masamahan. Pagdating ng mall ay agad kong inutusan ang mga bodyguards na hintayin ako malapit sa entrance door ilang distansiya sa tagpuan namin ni Jayson. Isa ‘yong restaurant. Agad ko siyang natanaw at bahagyang ngumiti nang makita ako. Bakas sa mukha niya ang problemang dinadala. Magulo ang buhok at gusot ang suot na damit. Mukhang hindi basta-basta ang isusuplong niya sa akin. “Pasensiya ka na kagabi at hindi kita nakausap ng matagal.” “Okay lang, Miya. Sobrang pasasalamat ko na nakipagkita ka sa akin ngayon. Alam ba ni Mr. San Miguel n

