NAKAKATUWANG PAGMASDAN ang mga magkakaibigan habang abala sa pag-uusap. Ang sabi ni Vince ay hinihintay nila si Lionel sa opisina at nang hindi makontak ang mobile phone ay nagpasya na lang sila na sadyain sa mismong bahay namin. Nang-asar pa si Andrei na malaki raw ang posibilidad na hindi makapunta sa opisina ang asawa ko kaya sila na mismo ang nagpunta sa bahay namin. Naubos ko na pala ang laman ng tubig ng hawak kong baso kaya nagtangka akong tatayo nang humigpit pang lalo ang pagkakahawak ni Lionel sa kamay ko. Nagtatanong ang mga mata niya nang nilingon ako. Pati tuloy ang mga kaibigan niya ay napatingin sa akin. “Where are you going, baby? Hmmn?” Ang isa niyang kamay ay pinalibot ang baywang ko. Naiilang ako dahil sa mapanuring tingin ng mga kaibigan niya. Bago pa ako makapagsa

