Dumirecho si Victor sa napag-usapang lugar kung saan sila magkikita ng abogado. Nasa b****a pa lamang siya ng restaurant ay tanaw na nya ang dalawang abogado na nag-uusap. Sinamahan naman sya ng isang waiter upang igiya sa private function room ng restaurant kung saan nya natanaw ang dalawa. Pagpasok sa silid ay agad syang sinalubong ng abogado at nakipag kamay ito sa kanya. " I'm happy that you finally decided to accept our offer Mr. Sandoval", paunang wika ng abogado. " Seems like I don't have a choice Attorney", sagot naman niya dito. "Have you read the contract Pare?", tanong ni Victor sa abogadong kaibigan nya. Tumango naman si Brian, ang kaibigan nyang abogado, ito rin ang humahawak sa mga gusot ng kompanya at pinagkakatiwalaan ni Victor sa legal na usapin pagdating sa negosyo.

