Alas tres ng hapon ay muling naisipan ni Ara na maupo sa isang pasadyang bato na nakalagay sa gitna ng garden. Bumaba sya dito matapos nyang mapatulog ang dalawang bata dahil sa pagod ng mga ito sa kanilang ginawang paglalaro. Saktong dumating na din ang yaya ng mga ito bago pa sila matapos maglaro kaya't pinaliguan na ito ni Isay bago mapatulog. Si Manang naman ay lumapit sa kanya sa hardin matapos makitang naroon sya. " Alam mo Teacher Ara napapansin ko mahilig ka ditong tumambay ano?", nakangiting wika nito. " Kung hindi nyo ho naitatanong eh mahilig talaga ako sa mga bulaklak, ewan ko ho ba pero pakiwari ko ay nababawasan ang aking problema kapag nakakakita ako ng bulaklak", sagot naman ni Ara. " Natural lamang naman iyon hija, at sadya talagang nakaka relax ang mga iyan, alam mo ba

