Kinabukasan araw ng Linggo ay maagang nagising si Ara, nais nyang tumungo sa hardin upang makita ang nag-gagandahang mga bulaklak. Habang bumaba sya sa hagdan mula sa ikalawang palapag kung saan naroon ang guest room na kanyang inookupa ay napatingin sya sa larawan na nakasabit sa may itaas na parte ng hagdanan. Ang larawan ng isang babae at lalaki na naka damit pang kasal. Napangiti sya sa nakitang larawan at tila ba kinikilig sa nakita. Hindi nya napansin na nakatitig na pala sa kanya ang mayordoma, medyo nagulat pa sya ng magsalita iyon. " Iyan ang wedding picture nilang mag-asawa", panimula ng mayordoma. " M,Manang nandyan ho pala kayo", tila nauutal pang wika ni Ara. " Nakita ko kasi na tinitingnan mo ang larawan, alam mo ba na napakaganda at napakabait ng asawang iyan ni Sir Vi

