Alas diyes ng umaga ng Huwebes ay abala ang mayordoma na nag uutos sa mga kasambahay ng mansion. Maging ang hardin ay hindi nya pinababayaan na hindi ibilin sa hardinero, alam nya na kahit wala na ang babaeng amo ay mahalaga pa din sa asawa nitong si Victor na naaalagaan ang munting alaala na iniwan ng asawa nito. Dito ay madalas nilang nakikita ang mag-asawa na naglalambingan tuwing sasapit ang dapit hapon. Ang mansion na dati ay puno ng tawanan dahil sa masayahin ang kanilang mga amo, ngayon ay parang naging kumbento na ito dahil sa katahimikan. Tumunog ang malakas na ringtone ng mayordoma kaya't mula sa kanyang bulsa ng uniporme ay tiningnan nya ito kung sino ang istorbo. Nakita nyang tumatawag ang dating yaya ni Winter. " Hello Marites", pagbati ng mayordoma. "Hello Manang Carmen, kumu

