Victor POV: Malaki ang naging epekto ng pagkawala sa amin ng aking asawa lalo na sa akin, sa mahigit isang taon ay para na din akong namatay dahil sa trahedyang iyon. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay gusto ko na ding sumama sa kanya sa kabilang buhay, kung minsan pa nga ay inuumaga na ako sa club ni Jigger. Walang oras, minuto at segundo na hindi ko sya naiisip. Sobrang sakit ng pagkawala nya, kung alam ko lang na mangyayari iyon ay hindi ko na sana sya pinayagang umalis mag-isa. Sa loob ng isang taon na pangungulila ko sa kanya ay napabayaan ko na ang kompanya, nawala ang mga investors at nahinto ang ibang projects, sanhi upang mawalan ng tiwala ang mga kliyente at lumipat sa rival companies. Muling hinawakan ni Dad ang negosyo namin subalit nahirapan sya dahil sa laki ng pagkalug

