Matapos pagalitan ni Stacey ang isang tauhan niya ay lumabas ito na umiling-iling, samantala ang dalawang may hawak kay Ayla ang siyang kumuha ng panali at iginapos ito sa upuan. Si Stacey naman ay lumabas at may tinawagan sa telepono niya, matapos ang ilang saglit ay muli syang bumalik sa loob ng silid at sinilip si Ayla. " Bogart, aalis lang ako, I'll be back soon, siguraduhin ninyo na hindi yan makakatakas, at walang gagalaw sa kanya ng hindi ko alam kundi lahat kayo mananagot sa akin". " Masusunod po Madam", sagot ng pinaka lider nila. Sa Pagkakatali kay Ayla ay siguradong hindi niya iyon kayang tanggalin, ni galaw ay hindi niya magawa. Sumakay ng kotse si Stacey at siya na mismo ang nag-drive nito. Pagkaraan ng kalahating oras ay muli syang bumalik at tinawag si Bogart. Kinuha ni

