Tatlong araw matapos ang insidente ay lumabas na ang balita na siyang pinaka aabangan ni Armando Santibañez, ang paglipat sa kanya ng lahat ng mga kompanya at ari-arian na naka pangalan kay Ayla. Lingid sa kaalaman niya ay buhay ang kakambal ni Ayla na nagtatago lamang sa pangalan na Barbara, ang alam ni Armando ay sa kanyang ina ito nakapangalan kaya't di na iyon mahirap dahil siya lamang ang tagapagmana nito, subalit ang lahat ng mga nakapangalan kay Barbara Santibañez ay naka dokumento sa totoong pangalan nito na si Olivia Faith Santibañez, ang kakambal ni Ayla. Nasa conference room si Armando Santibañez na nabubuhay pa din sa katauhan nito bilang si Peter Green kaya't madali sa kanya na maglabas pasok sa kompanya nito. Ilang saglit lang ay pumasok na ang kanyang abogado na hindi maip

