Chapter 45

1475 Words
Napagkasunduan nina Victor at Ayla na magbakasyon sa private island resort ng huli na matatagpuan lang din sa kanilang probinsya. Ayon sa binata ay dalawang linggo ang ilalagi nila roon para naman masulit nila ang bakasyon. Pumayag naman ang dalaga at agad na nag empake ng mga dadalhing damit. Pasado alas sais ng umaga ng sunduin sya ng binata sa kanilang tahanan, pagbaba nya ng hagdanan ay nakita pa nya ito na kausap ang kanyang ama na tila ba may masinsinan na pinag uusapan. Nang mapansin sya ng mga ito ay agad naman syang dinaluhan. " Good morning Pa, are you sure you're not going with us?", tanong ni Ayla sa ama na kinukulit nyang magbakasyon din para medyo makapag relax naman ito. " I'm okay here anak, and besides kailangan ko na din ayusin ang pag turn over ng mga papeles sa papalit sa pwesto ko", sagot ng ama sa kanya. Nag file na kasi ng retirement ang kanyang ama para naman daw makasama sya nito habang ini-enjoy ang kanyang retirement. Plano nya na isama ang ama sa Amerika upang doon na muna ito sa kanyang tito Manny, ang kapatid nitong byudo na din at ngayon ay nagpapatakbo ng isang coffee shop sa Boston. Matagal na kasing pinagreretiro ng kanyang tyuhin ang ama nya subalit ayon dito ay kailangan nya munang tapusin ang kaso ng kanyang ina para mabigyan ito ng hustisya, at dahil ngayon ay maayos na ang lahat kaya naisipan na din ng ama na magpahinga na din sa pressure ng kanyang trabaho. "Sya, mag-ingat kayo sa byahe at mag enjoy kayo doon mga anak", wika nito sa kanila. Niyakap muna ng dalaga ang ama bago sumakay sa kotse, subalit nagpahabol pa ito bago makasakay ng driver's seat si Victor, "Victor yung bilin ko sayo". " Yes Pa, ako na po ang bahala", tugon naman nito. Pagpasok sa kotse ay tumingin si Ayla sa binata, "Naks, did I hear it right?, You already called him Pa?" Ngumiti lang si Victor at dumukwang sa kanya upang abutin ang kanyang labi, " I love you so much Mahal ko". "I love you too", nakangiting tugon naman ni Ayla. Makaraan ang tatlumpong minuto ay narating nila ang lugar kung nasaan ang sasakyan patungo ng isla. Agad na umibis ang binata upang pagbuksan ng pinto ang nobya. Aalalayan sana ni Victor ang dalaga para umakyat sa chopper ngunit nagpatiuna na ito. Bago naman sya umakyat ay ihinagis ni Victor ang susi ng kanyang sasakyan sa kaibigan na si Lester. " Bok, bahala ka na sa baby ko ah, gagawa muna kami ng totoong baby ng Mahal ko", nakangising wika nya. Tumawa naman ito ng nakakaloko saka nagwika, " Galingan mo Kapitan at baka magbago ang isip ng mahal mo, Good luck!", pang-aasar nito kay Victor. Halos isang oras ang itinagal ng byahe nila ngunit ng matanaw na ni Ayla ang kabuuan ng isla buhat sa himpapawid ay tila nawalang parang bula ang kanyang pagkainip. Mula sa ere ay kitang kita nila ang kaputian ng buhangin at ang asul na karagatan. Nang makababa sila sa chopper ay agad silang sinalubong ng mga tauhan ng resort. " Mabuhay!, Welcome to Paradise Island", sabay sabay na pagbati ng mga attendant at saka sila inabutan ng complimentary drinks. May isang magandang babaeng morena ang lumapit sa kanila at personal na nagpakilala, Good morning Sir Victor and Ma'am Ayla, I'm Jen, ako po ang bagong resort manager. Very warm and welcoming ang aura ng babae at hindi ito katulad ng iba na kapag nakita si Victor ay parang kiti-kiti na kinikilig. " Good morning Jen", nakangiting bati ni Ayla, samantalang si Victor ay seryosong nagmasid lamang sa paligid. " Kung meron po kayong gustong ipagawa ay sabihin nyo lamang sa mga staff na nakaduty, by the way naka ready na po pala ang breakfast ninyo sa may garden". Iginiya ng manager ang dalawa sa may hotel, pumasok sila sa isang pinto na halos karugtong ng lobby ng hotel, pagbukas niyon ay tumambad sa kanila ang magandang landscape ng iba't ibang uri ng mga bulaklak, sa gitna noon ay may mga lamesa at upuan, sa gilid ay may bar counter. Napahanga si Ayla sa ganda ng paligid kaya't hindi nya napigilan ang mamangha. "Wow!, sambit ng dalaga habang isa isang hinihipo ang mga bulaklak. Hindi iyon nakalagpas sa paningin ni Victor kaya't niyakap nya ang nobya buhat sa likuran nito. " Do you like the place Mahal ko?" " No, I just don't like it, I Love it", sambit ng dalaga. Hinalikan ni Victor ang gilid ng ulo ng nobya at maging ang leeg nito habang naka talikod ito sa kanya. " Mas love mo pa kesa sa akin?", naka kunot noong tanong ng binata. Humarap ang dalaga sa kanya at agad na hinalikan ang labi ng nobyo, " syempre mas Love pa din kita", nakangiting wika nito. Matapos ang agahan ng dalawa ay inihatid muna ni Victor ang kasintahan sa sarili nitong kwarto. Samantala sya naman ay sa katabing kwarto lamang nito. Umupo si Ayla sa bed at isa-isang inayos ang kanyang mga gamit sa lagayan. " Kung ako lang ang masusunod ay mas gusto kong sa isang kwarto tayo Mahal ko, pero kailangan ko munang gawin ito sa ngayon", wika ni Victor. Natawa naman si Ayla sa sinabi niya, " Darating din naman tayo dyan Love, for now magtiis ka muna". "Bakit naman ako magtitiis kung pwede naman akong mag over the kwarto mamaya?", nakangising wika ng nobyo. " Hoy Sandoval, aba naman! nakakarami ka na yata!", tila may pagbabantang himig ng dalaga. " Just kidding Mahal ko, kung ayaw mo hindi kita pipilitin, pero wag na wag kang gagawa na ikakainit ng katawan ko", banta nito sa nobya. Nakaisip ng kapilyahan ang nobya, tumayo ito at saka lumapit kay Victor na ngayon ay nakasandal sa may hamba ng terrace. Paglapit ng dalaga ay agad nyang pinaglandas ang mga kamay sa dibdib ng nobyo at unti-unting hinagod ang kabuuan niyon hanggang sa may baba ng puson. Nagkagat labi pa siya at umungol ng nakakaakit "hmmmm!, Love ang saraaap!"... " f**k! mahinang usal ni Victor na tila hirap na hirap dahil sa pagpipigil. " Kakasabi ko lang Mahal ko, talagang sinusubukan mo ako". Tila lalo namang ginanahan sa kalokohan nya si Ayla at nakaisip pa ito ng isa pang pang-asar sa nobyo. "We can't do it now Love, I have a period", " Oh f**k!, seriously Mahal ko?", tanong nito sa nobya. "Yes!, kaya kausapin mo yang alaga mo dahil wala akong magagawa para dyan". Tila frustrated naman si Victor sa tinuran ng dalaga at napatingala pa ito sa kisame habang nakapamewang ang isang kamay at ang isa naman ay nakayakap sa dalaga. " Ilang days ang period mo?", tanong niya. " Seven days Love, kanina lang nag-start eh!", pigil na pigil na ang tawa ng dalaga dahil sa tinuran nya. " What!?, seven days?, bakit ang tagal Mahal ko?" " Ganun talaga Love, iba-iba naman ang cycle ng babae eh!, yung iba three to five days lang, meron naman 7 days". "Pero pwede naman natin gawan ng paraan Mahal ko", "What do you mean?", tanong ni Ayla " You can always suck it Mahal ko, its all yours", nakangiting wika ni Victor. " No, wala ako sa mood ngayon Love, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa period ko", wika ng dalaga. " alright Mahal ko, just forget about it, I can always wait for you, what is fourteen years compared to one week?", nakangiting wika nito. The look of frustration was evident on Victor's face, pero ayaw naman nyang gawin ang mga bagay na ayaw ng kanyang mahal kaya't hindi nya ito pipilitin. Sa isip naman ng dalaga ay nagtagumpay sya, ang totoo ay wala naman talaga syang period, dangan nga lamang at gusto nyang subukan kung hanggang saan ang pagtitimpi ni Victor, at kung totoo ang nararamdaman nito sa kanya ay igagalang nito ang mga bagay na mahalaga sa kanya. "I'll always respect your decision Mahal ko, kaya wag mong isipin na yun lang ang gusto ko sayo, you know we can do that more often when we get married, and I'm sorry kung nauna na ang honeymoon natin kesa sa kasal, but I'm not sorry na ginawa ko yun dahil alam ko naman na sa akin ka pa din mapupunta sa huli, ako lang ang lalaking para sayo, akin ka lang din mahal ko dahil hindi ako makakapayag na may ibang lalaki na may magmamay-ari sayo. Akin ka lang Ayla Grace, akin lang Mahal Ko, mula noon hanggang ngayon at hanggang sa finals, tayo pa din ang magkikita". Tila natulos naman ang dalaga sa sinabi ni Victor, sa wari nya ay nababasa nito ang kanyang naiisip, subalit di sya nagpahalata dito at bagkus ay hinalikan ang kasintahan sa labi. " Thank you Love, I love you!".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD