Kinabukasan ay maagang nagising si Ayla, magbubukang liwayway pa lamang at ang hangin sa labas ay may kalamigan. Naisipan nyang maglakad lakad sa dalampasigan. Nagpalit sya ng damit, isinuot nya ang two piece bikini at pagkatapos ay nagsuot ng maikling maong shirts at medyo maluwag na t-shirt. Hindi na sya dumaan sa kwarto ng kasintahan dahil alam nyang natutulog pa ito ng ganong oras.
Pagbaba nya sa lobby ng hotel ay binati sya ng mga staff.
" Good morning Ma'am Ayla".
Ngumiti sya sa mga ito at saka bumati din. Bago sya nakalabas ng lobby ay nakasalubong nya si Jen, " Good morning Ma'am Ayla", pagbati nito.
" Good morning Jen", sagot naman ng dalaga.
" Maaga po yata kayo Ma'am?", tanong ni Jen.
" Gusto ko lang maglakad-lakad sa labas habang hindi pa mainit", nakangiting sagot ni Ayla.
" Mas maganda sa may banda doon, kitang kita mo ang sunrise, kung gusto mo Ma'am pasamahan kita sa isang staff".
" Naku wag na Jen, ayos lang ako, may mga tao pa ba banda doon sa sinasabi mo?"
"Meron naman Ma'am kaya lang bihira, bale yung mga nakatira malapit doon ay iyong mga pamilya ng mga staff namin dito, wag po kayong mag -alala kasi kilala naman nila kayo".
" sige Jen, salamat ah".
" walang anuman po Ma'am Ayla".
Naglakad palabas ng lobby ng hotel ang dalaga at tinahak ang daan patungo sa sinabi ni Jen. Naisip nya na mainam din naman na magpunta sya doon kung saan walang masyadong tao, gusto nyang mapag isa at namnamin ang sariwang hangin sa buong paligid.
Nasa kalagitnaan na sya ng paglalakad ng makita nya ang isang malaking bato na nasa may dalampasigan. Umakyat sya at ipinasya na doon na muna umupo habang pinagmamasdan ang unti-unting pagngiti ng haring araw. Ninamnam nya ang samyo ng malamig na simoy ng pang umagang hangin, ng walang anu-ano ay hinahatak ang kanyang alaala sa nakaraan nila ni Victor.
Fourteen years ago...
" Congratulations class, dahil sa pagkapanalo nyo sa interpretative dance last week ay napag desisyunan ng dance committee na dito sa section ninyo kunin ang representative para sa nalalapit na Social Dance inter school competition na gaganapin next month dito din mismo sa eskwelahan natin".
Biglang nagkagulo ang klase dahil sa excitement ng lahat, tumayo si Andrea na kaibigan ni Ayla at nag suggest, " Ma'am si Ayla na lang po ang ilaban natin, tutal forte nya naman ang ballroom". Nagsecond the motion naman ang mga kaklase nila sa sinabi ni Andrea kaya't wala ng nagawa si Ayla kahit pa labag sa kalooban nya ang pagsali doon. Muling tumayo ang teacher nila " Actually may napili na ang committee, at ang napili ay sina Victor at Chelsea sa Tango at sina Alfred at Ayla naman sa Rumba".
Biglang nalukot ang mukha ni Victor dahil sa sinabi ng kanilang class adviser, ayaw nya kasi na ma-partner si Ayla sa ibang lalaki. Samantala si Chelsea naman ay tuwang tuwa ng malaman na si Victor ang kanyang kapareha dahil matagal na syang may gusto sa binata.
Ilang araw na nagsasanay ang dalawang magkapareha sa gymnasium ng eskwelahan pagkatapos ng kanilang klase, subalit kinailangan nilang magpractice sa ibang lugar matapos ang ilang araw dahil may isang parte ng gymnasium ang ipinapaayos para sa nalalapit na kompetisyon. Nagpresinta si Victor na sa bahay na lamang nila ituloy ang pagsasanay tutal malaki naman ang kanilang espasyo. Pumayag naman ang tagapagturo nilang bakla kaya't ng araw ng Sabado ay halos maghapon silang nagsanay dahil sa nalalapit na ang araw ng patimpalak. Dahil sa nalaman ng ina ni Victor ang nasabing pagsasanay, sinabi nya sa anak na imbitahin din ang ibang mga kaklase dahil magpapaluto diumano ang mommy nya. At lalong mas na-excite pa ang ginang ng malaman na kasali din si Ayla. Dumating ang Sabado, maaga pa lamang ay aligaga na ang mga tauhan sa mansion nila Victor dahil sa paghahanda ng kanilang pagkain sa buong araw. Sabay-sabay na nagsipag datingan ang mga kaklase nila ngunit si Ayla ay halos kalahating Oras ng late sa usapan.
"Nasaan na kaya si Ayla?", tanong ng isang kaklase.
"Naku baka nakalimutan nya na may practice ngayon", sagot naman ng isa.
Ilang saglit pa ay may tricycle na pumarada sa harap ng mansion at iniluwa noon ang dalaga, pagkakita pa lang ni Victor kung sino yun ay agad na itong lumabas para salubungin ang dalaga. Samantala ang mga kaklase naman nila ay halos di na magkanda mayaw sa pagtukso sa kanila. Nang makita ni Dona Amelia si Ayla ay tuwang tuwa ang ginang, para itong nanay na matagal di nakita ang anak. " Good morning po Tita", nakangiting bati ni Ayla sa ginang. "Kumusta ka na Hija?", nakangiting tanong ng ginang at sabay dinampian sya ng halik sa pisngi. " "Mabuti naman po Tita", sagot ng dalaga.
"Mag-almusal ka muna hija",
"Tapos na po ako mag almusal, hindi po kasi si mama pumayag na hindi ako magbreakfast bago umalis ng bahay", malambing nyang wika sa ginang.
Ilang pasada ng sayaw ang ginawa nila hanggang sa makabisado na nila ang steps na itinuro ng choreographer. Si Chelsea ay tuwang tuwa na si Victor ang kapartner nya, ngunit ang binata naman ay nag-iigting na ang panga sa tuwing lumalapat ang mga kamay ni Alfred sa bewang ni Ayla. Napansin ni Dona Amelia ang ekspresyon ng mukha ng kanyang anak kaya't nabuo sa isipan nya na may pagtatangi ang kanyang binata kay Ayla, bagay naman na ikinatuwa niya dahil gusto nya ito para sa anak, dangan nga lamang at mga bata pa ang mga ito.
Nang mga sumunod na araw ay nagtuloy-tuloy ang ensayo ng magkakapareha hanggang sa hindi na nakatiis si Victor dahil sa sobrang selos kaya't habang hinihintay nila ni Alfred sina Ayla at Chelsea sa gymnasium kung saan sila magsasanay ay nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nila ni Alfred.
Ang mainit na pagtatalo nila ay nauwi sa sapakan, napikon kasi si Victor sa sagot ni Alfred, sinabi kasi nito na wala namang masama kung hawakan nya si Ayla dahil hindi naman umano ito pag-aari ni Victor, bagay na ikinainis ng binata kaya't nasuntok nya ito. Dahil doon ay kinompronta ni Ayla si Victor.
"Ace bakit mo ba sinuntok si Alfred?"
Tumingin lamang sa kanya ang binata at humithit ng sigarilyo, kasalukuyan silang nasa tambayan nila sa kubo malapit sa ilog, kasama nila ang ilang mga barkada at kaklase subalit nakahiwalay sila sa mga ito dahil sa tensyon na napansin ng mga ito kanina habang papunta sila sa naturang lugar.
"Ano hindi ka sasagot ?, tanong muli ni Ayla. Pumikit si Victor at padarag na hinaplos ang mukha bago sumagot,
"Nagseselos ako, nagseselos ako Ayla, ano masaya ka na?, balik tanong nya sa dalaga.
Napakunot noo naman ang dalaga at natawa sa tinuran ni Victor.
" Ace, bakit ka ba nagseselos, wala naman kaming ginagawang masama, saka isa pa ano ba tayo?, as far as I can remember wala naman tayong relasyon". sagot nya dito sabay inirapan.
" Tangna, yun na nga eh! walang tayo pero ganito na yung selos na nararamdaman ko, so natutuwa ka ba na nagkakaganito ako Ayla?
Hindi agad nakasagot ang dalaga at pinagmasdan lamang si Victor na ngayon ay matamang nakatingin din sa kanya. Halos mawala sa ulirat ang dalaga ng makita nyang dilaan ni Victor ang pang ibabang labi na syang lalong ikinapula nito. Muling pumikit ang binata at ng dumilat ito ay inilagay ang magkabilaang kamay sa may hamba ng upuan ng kubo, dahilan upang makulong ang dalaga sa mga bisig nito at ang kanilang mga mukha ay halos isang dangkal na lamang ang agwat.
Hindi agad nakagalaw ang dalaga sa ayos nila, at si Victor naman ay panay galaw ang Adam's apple at matamang nakatitig sa mga labi ng dalaga.
" Alam mo ba kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na halikan ka ngayon, Love", tanong ni Victor sa dalaga.
" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ayla ng marinig nya ang endearment ni Victor sa kanya kaya't napabalik sya sa ulirat.
" Ace ,pwede ba, wag mo na kong isali sa collection mo, kung hindi ko lang alam kung gaano karami ang nilalandi mo sa school baka sakaling maniwala pa ako sa mga kalokohan mo", wika nya kay Victor.
" Ang mahirap kasi sayo naniniwala ka sa sabi-sabi, bakit hindi ka sa akin magtanong para malaman mo kung anong totoo", sagot naman nito sa kanya.
"Ano ba ang totoo?"
" Ikaw ang gusto ko Ayla, ikaw lang, kaya wag mo kong itulak sa iba".
__________________________________
Grabe ka Victor, seventeen ka pa lang pala malandi ka na. Hahaha!
Ikaw talaga ang alamat ng mga lalaking Pa-fall..Chaaaar!
Balikan muna natin ang pinagmulan ng tambalang Victor at Ayla mga guys, kaya sa susunod na chapter flashback muna tayo sa kanilang first love story. Malay nyo masagot ang ilang katanungan nyo noong previous episodes kung paano nadiscover ni Victor na si Liz at Ayla ay iisa. Hmmmm! paano nga ba?