Ayla Grace POV: Wala akong kamalay malay na ang bakasyon ko dito sa isla ay magiging most unforgettable vacation ever sa buong buhay ko. From Miss to Misis ang peg ko sa isla na ito, at iyon ay dahil sa nag-iisang lalaki na dati ay sinusungitan ko lamang pero ngayon ay asawa ko na. Wala akong masabi sa preparasyon na ginawa ng asawa ko, shet! sarap pakinggan, asawa ko na talaga si Victor. Matapos ang seremonya kanina ay nagkaroon lamang kami ng kaunting salu-salo kasama ang aming malalapit na kamag-anak at kaibigan. At dahil gabi na natapos ang selebrasyon kaya't lahat ng aming bisita ay dito na sa isla magpapa-umaga. Ngayon ko lamang napagtanto kung bakit mula umaga ay abalang abala na ang mga staff ng hotel. Alas nuebe na ng gabi at kami ay narito na sa loob ng kwarto na inookupa

