Victor Ace POV: Lahat ng masusing paghahanda ay ipinagkatiwala ko sa aking assistant na si Jaz dahil alam kong lubos na maasahan talaga ito, at hindi nga ako nagkamali dahil hanggang sa araw ng kasal namin ng aking mahal ay wala talaga syang naging ideya. Hindi rin nya alam na nagkausap na ang aming mga magulang para sa surprise wedding na gagawin. Sumapit ang araw ng aming kasal, matyaga akong naghintay sa pagdating ng aking mahal pero sadyang hindi talaga ako mapalagay. Napansin ako ni Dad kaya't lumapit sya sa akin, tinapik nya ako sa balikat at saka nagwika, " I know how you feel son, ganyan din ako ng ikasal kami ng mommy mo, but don't worry everything's gonna be alright". " Thanks Dad", maiksing sagot ko sa kanya. Nang balingan ko naman si Hans na syang aking best man ay ngumisi

