Bakas ang pagkagulat sa mukha ng mga empleyado ng malaman nila na buhay si Ayla. Kahit papaano ay nabunutan sila ng tinik sa dibdib ng malaman na buhay siya dahil nagbabanta umano si Stacey na papalitan niya ang ibang empleyado ng kompanya, lalo na ang mga malalapit kay Victor dahil wala siyang nakukuhang impormasyon sa mga ito nang isang buwang nawala si Victor. "Mabuti na lang pala buhay si Ma'am Ayla, at least hindi na tayo guguluhin nung bruhang hitad", wika ng isang babae. " Naku tama ka dyan gerl, unang tingin ko pa lang sa Stacey na yun halatang may gusto talaga yun kay Sir Victor", saad naman ng isa pa. " Totoo kaya na anak ni Boss yung pinagbubuntis nun?" " Palagay ko hindi, kasi kung kay Boss yun eh di matagal na sana siya pinakasalan ni sir Victor". " Shunga, paano magp

