Nang araw na iyon ay hindi pumasok si Victor sa opisina. Matapos kasi nilang mag-agahan ay sinabi sa kanya ni Ayla ang kanilang plano. Ipinagtapat na din niya dito na kapatid nila sa ama si Ara. Nagulat pa si Victor ng sabihin niya iyon ngunit agad din namang nakabawi. Naikwento din ni Ayla sa asawa kung sino ang totoong ama ng kanyang pamangkin na lalong ikinatawa ni Victor. " Now I know kung bakit pamilyar sa akin si Ara", wika ni Victor. "Pamilyar sayo si ate dahil magkamukha kami, parehas kami ng mata hindi ba?" tanong ni Ayla. " Bukod na magkaparehas kayo ng mata ay ngayon ko na naalala na nakita ko na siya noon pa, siya ang babaeng kinahumalingan noon ni Brandon, noong mga panahon na nadestino kami sa Mindoro". " You mean kasama ka noon ni Brandon sa Mindoro?", tanong muli ni Ayl

