Sunday afternoon matapos maihatid ni Victor ang mga anak sa mansion pagkagaling sa simbahan ay pinuntahan niya ang asawang si Ayla sa address na binigay nito. Dalawang linggo na ang nakakalipas at halos araw araw niyang pinupuntahan ang bahay nito subalit ayon sa guard ay hindi pa ito umuuwi doon. Lingid sa kaalaman niya ay sa hideout ito naglalagi. Nang makarating sa tapat ng bahay ng asawa ay hindi muna sya lumabas ng sasakyan. May kung anong bumubulong sa kanya na maghintay muna ng ilang sandali. Pagkaraan ng limang minuto ay may isang magandang motorsiklo ang pumarada sa may tapat ng bahay, nakilala agad ni Victor ang taong iyon kahit pa hindi nagtanggal ng helmet at agad na pumasok sa gate. Naisipan niya na bumaba ng sasakyan at lumapit sa motor na nakaparada, nalingat ang guard na na

