Naging matagumpay ang operasyon na pinamunuan nina Liz At Victor, nasakote nila ang pinaka pinuno ng nasabing sindikato. Maging ang naging hiwalay na pagsakote ng NBI ay naging matagumpay din. Naging maingay ang pagkakahuli sa negosyante na si Howard Chan na syang second in command sana sa pagkawala ni Huazse Lee. Malalaking negosyante ang nagulantang sa balitang iyon, maging ang mga politiko na kasangkot ay hindi rin nakaligtas.
Nagpasalamat ang Presidente sa mga kawani ng gobyerno na syang namuno sa pagkakahuli ng mga kasabwat sa nasabing organisasyon, partikular na nakipag daupang palad ang pangulo sa mga ahente ng NBI, FBI at sa task force na binuo nila Victor.
Samantala, sa probinsya ni Governor Sandoval ay muling naibalik ang katahimikan. Naging maayos din ang mga establishments na dati ay ginamit ng nasabing sindikato upang gawing panakip sa mga illegal na gawain. Ang restaurant kung saan dati ay tinambayan ni Victor ay pinasarado ng Mayor doon sapagkat naging pugad umano ito ng prostitution. Naisalba ng mga ahente ng NBI ang dalawampung babae na nakatakdang ibenta patungo sa ibang bansa at gagawing s*x worker. Sa restaurant na iyon nasagip ang mga kababaihan. Si Ridge ang naging mata ni Victor sa nasabing lugar ng mga panahon na nasa Manila sila ni Liz.
Isang linggo matapos ang matagumpay na operasyon ay bumalik na sa Amerika ang dalawang FBI agents na kasamahan ni Liz. Samantalang sya naman ay nanatili upang sulitin ang kanyang bakasyon. Umuwi muna si Liz sa bahay nila ng kanyang ama at doon sya nag-sstay dahil na din sa pakiusap nito.
Samantala, muli na namang naging tutok si Victor sa kanyang negosyo kaya madalas ay buong araw syang nasa opisina. Araw-araw naman nyang tinatawagan ang kasintahan at tuwing umaga ay pumupunta sya sa bahay ng ninong para sabayan mag-almusal ang nobya. Isang araw ay sinadya ni Victor na hindi dumaan sa bahay ng heneral at tinawagan na lamang si Liz upang ipaalam dito na maaga ang meeting nya kaya't di sya nito masasamahan sa agahan. Ginawa lamang itong excuse ng binata pero ang totoo ay wala naman itong maagang meeting, bagkus ay pumunta ito sa opisina ng ninong nya at ipinagpaalam ang plano nya.
" So paano, may naiisip ka na ba kung anong gagawin mo Victor?", tanong ng ninong nya.
" Kaya nga po ako nagpunta dito ninong para sana kayo ang gagawin kong dahilan para matuloy iyon", sagot naman nya.
Natawa ang matandang heneral sabay napailing, " Ngayon pa lang hijo nakikita ko na under ka ng magiging asawa mo, ang tapang mong sundalo pero pagdating sa anak ko para kang kuting na lampa", mapang asar nitong tudyo sa binata. Napakamot naman sa batok si Victor habang nagsasalita, " Nong alam nyo naman po kung gaano ko kamahal si Ayla, ewan ko ba kung anong meron yung amasona nyong anak".
Napahalakhak ang heneral sa tinuran nya bago muling nagsalita.
"Bueno, alam mo naman na matanda na ko, kaya gusto ko na makitang masaya kayong dalawa lalo na si Ayla. Ako na ang bahala, pero isa lang ang hiling ko Victor, bigyan nyo agad ako ng apo", wika ng heneral.
Matapos ang pag-uusap ng mag-ninong ay dumirecho si Victor sa opisina, maghapon syang naging abala dahil sa mga bagong projects na nakahanda na nilang umpisahan sa susunod na linggo. Mabuti na lang at sadyang maaasahan ang kanyang mga tauhan sa kompanya. Hindi kasi basta-basta kumukuha ng empleyado si Victor na hindi maganda ang track record. Kilala ang kanyang kompanya na maganda magpasahod kaya naman madami ang nagnanais na mapabilang hindi lamang dahil sa malaking pasweldo kundi pati na rin sa kadahilanan na tanyag ito sa buong bansa. Alas kwatro ng hapon biglang nag-ring ang cellphone nya, hindi nya na tiningnan kung sino ang tumatawag basta na lang nya ito sinagot.
"Hello", wika nya.
" Love, nasa office ka pa?", si Ayla.
Napangiti naman ang binata ng marinig ang boses ng nasa kabilang linya.
" Yes Mahal ko, let's have dinner together", pagyaya nya sa dalaga.
" Is it a command Captain Sandoval?", may himig pagtataray sa boses ni Ayla
" Okay,okay, I'll rephrase it", tumikhim muna si Victor bago nagwika,
" Could you please have a dinner with me Mahal ko?"
" It's a question, what if i don't want to?", pang iinis ng dalaga.
" I won't take no for an answer", sagot naman ng binata.
"Fine!, sunduin mo ako ngayon na!".
" Masusunod po mahal na amasona".
Matapos ang usapan nila ay agad na tumayo si Victor sa kanyang swivel chair at dumirecho sa labas ng opisina. Nadaanan nya ang assistant na si Jaz at binilinan na umuwi na din ng maaga dahil kailangan nya umano ito kinabukasan para pumasok ng maaga.
"Boss may date ka ngayon no?"pang-aasar ni Jaz sa amo.
Napangiti lang si Victor at tinapik sa balikat ang assistant. Palagay na ang loob dito ni Victor kahit pa sabihin na bading ito ay sadyang maasahan naman sa trabaho. Sa katunayan ay ito na ang nagdedecide kapag wala sya sa opisina, lalo na kapag mga maliliit na detalye lamang naman. Isa din kasi itong engineer at nagtapos ng may mataas na grado, subalit dahil malambot nga ay mas gusto nito na nasa opisina lamang, ayon dito ay masisira ang ganda nya kapag lagi sya sa arawan.
"Umuwi ka na Jaz, pumasok ka ng maaga bukas dahil kung hindi ikaw ang ipapadala ko sa Pampanga", seryosong saad ni Victor, ngunit gusto lamang nyang asarin ang assistant dahil alam nyang ayaw na ayaw nito na lumalabas para magpunta sa site.
"Okay Boss, enjoy your date, kung gusto mo dito na ko tutulog para di ako ma-late bukas", pagbibiro nito sa amo.
Kumaway na lamang si Victor habang patungo sa elevator.
Pagpasok ng binata sa kotse ay agad nitong tinawagan ang ina.
Habang nagmamaneho ay nadaanan nya ang isang flower shop at agad na itinabi ang sasakyan. Bumaba sya at nagpagawa ng dalawang bouquet ng bulaklak, tulips para sa ina at deep red roses para sa kanyang nobya.
Dumating si Victor sa tahanan ng mga Matias alas singko y media ng hapon. Ihinabilin na lamang nya ang sasakyan sa guard at dumirecho na sa loob para sunduin ang dalaga. Napansin ni Victor ang mayordoma ng bahay na nasa may lanai at nagmamando sa isang kasambahay. "Magandang hapon po Manang Caridad, si Ayla po?",pagbati ni Victor dito.
" Ay ser Victor andyan ka na pala, puntahan mo na lamang sa taas nasa may study room, sige na tuloy na hijo". Nagpasalamat muna sya sa matanda bago tumuloy.
Pagbukas nya ng pinto ng kwarto ay nakita nya ang pag angat ng ulo ni Ayla mula sa screen ng laptop. Agad naman itong tinupi ng dalaga ng makita ang nobyo at patakbong sinalubong ang binata. Napakagat labi si Victor ng masilayan nya ang suot na damit ni Ayla,
above the knee flowy dress na off shoulder kaya lumitaw ang mapuputing balikat ng dalaga.
Napansin naman agad ni Ayla ang bulaklak kaya lumawak ang ngiti ng dalaga. " is that for me Love?", tanong nya sa nobyo.
"For the only woman I love the most", sagot ni Victor sabay halik sa labi ng kasintahan.
Napaungol naman ang dalaga sa sarap ng halik ng binata. Napahawak pa sya sa batok ng mas lalong pinalalim ang halik sa kanya nito. Si Ayla na din ang kusang pumutol sa halikan nila bago pa kung saan ito mapunta.
" Wag na kaya tayo tumuloy mahal ko, ikaw na lang ang dinner ko".
" Naku sinasabi ko na nga ba eh! napaka hilig mo talaga", nakangiting tugon ng dalaga.
" Sige na mahal ko isa lang, bago tayo umalis", pamimilit pa nito.
" Hindi pwede Love, nasa baba lang sina Manang, saka gutom na ko, mamaya ka na umiskor".
Naka kunot noo na sana ang binata ngunit ng sabihin ni Ayla na mamaya na lang ay bigla itong nabuhayan ng loob.
" Yes!, sabi mo yan ah", tugon ng binata.