Chapter 42

1054 Words
Ayla Grace POV: Buong akala ko ay sa isang restaurant kami pupunta ni Victor para mag- dinner. Subalit laking pagtataka ko na sa isang mansion ako dinala ni Victor, may hinala na ako kung kanino itong bahay, lalo na ng lumabas ang isang pamilyar na bulto na syang sumalubong sa amin pagbaba ng sasakyan. " I'm so happy you came mga anak", nakangiting usal ng mommy ni Victor. Agad akong niyakap ni Tita Amelia. "I haven't seen you for a very long time Ayla, and now look at you, you're really beautiful anak", tuloy tuloy na wika nya. Hinalikan ko si tita sa pisngi kagaya noong ginagawa ko sa kanya noong teenager pa lamang kami. Madalas kasi kaming pumupunta noon sa mansion nila Victor sa probinsya lalo na kapag may practice kami or may group project. Noon pa man ay alam ko nang mabait talaga si Tita lalo na sa akin, marahil ay sabik sya sa anak na babae kaya gustong-gusto nya ako. Narinig ko ang pagtikhim ni Victor sa aking likuran, " ehem!, mom, I'm here". " I know Ace, come here, I miss you my son", wika ni Tita na mahigpit na niyakap si Victor at ginantihan naman nya ng halik sa pisngi ang ina. Muling kumapit sa aking braso si Tita Amelia at iginiya ako papasok habang si Victor naman ay nasa likuran namin na nakasunod lamang. Pagpasok sa may living room ay nakita ko si Tito Roman, nagmano ako sa kanya katulad din ng mga nakagawian namin sa probinsya. "Kaawaan ka ng Diyos Hija". Si Victor naman ay niyakap lang saglit ang ama at tinapik naman sya nito sa balikat. Biglang lumapit ang isang kasambahay at nagsabing nakahanda na ang dining table kaya agad kaming niyaya doon ni Tita Amelia. Pinaupo ako ni Tita sa tabi ni Victor. Tuwang tuwa si Tita ng makita nya kaming magkatabi ni Victor. " You know mga anak bagay na bagay talaga kayo", saad ni tita. Iniabot sa akin ni Victor ang isang tasa na may laman na crab and corn soup. Nagulat ako sa dami ng pagkain sa mesa, parang may fiesta. "Kumain ka ng madami Hija, alam mo bang aligaga itong Tita Amelia mo ng sabihin ni Victor na dito kayo maghahapunan, kulang na lang ay magpahanda ng banda musiko para salubungin kayo", natatawang wika ni Tito Roman. "Naku, sino ba naman ang hindi mae-excite eh ang tagal ko kayang hindi nakita itong batang to, alam mo ba kung anong kalokohan ang pinag gagagawa ni Ace noong hindi ka nya mahanap Ayla?", tanong ni Tita. "Mom, please", pagsusumamo ni Victor. Natawa naman si Tito Roman sa narinig habang ako ay nangingiti na lamang. " Actually Tita hindi ko po alam, pwede nyo po ba ikwento sa akin?", " Sure hija, after we eat magkwentuhan tayo", si Tita na akala mo ay isang teenager na kinikilig. " Mom, please, ako ang anak mo, wag mo akong siraan kay Ayla", wika ni Victor. "Anak kelan na ba ako nagkwento ng ikakasira mo, what I'm going to say is what really happened during those times at totoo naman yun anak kaya wag ka ng mahiya", si Tita Amelia. Likas kay Tita Amelia ang pagiging makwento kaya siguro nagustuhan nya ako dahil parehas kaming medyo madaldal. Kahit noong high school kami ni Victor ay laging makwento si Tita naalala ko pa nga noon na sinundo ako ni Victor at ipinagpaalam kay Mama para lang magpunta sa mansion nila, at dahil magkaibigan din pala sila Mama at Tita Amelia kaya lagi akong pinapayagan ni Mama na magpunta sa kanila. Hindi ko pa alam ng mga panahon na iyon na kinakapatid ko si Victor, ganun din naman sya. Ipinagtapat ni Victor sa akin na hindi nya alam na anak ako ni Papa dahil unang una ay hindi kami magka apelyido. Nang matapos ang hapunan ay nagpahanda si Tita ng dessert sa may garden malapit sa pool area. Sina Victor at Tito Roman naman ay nagpunta muna sa library kung saan may pag uusapan silang importante. Habang nakaupo sa garden ay kinumusta ako ni Tita. Ang buong akala pala nila noon ay nag abroad lang kami ni Mama, tanging si Tito Roman at Ninong Ramon lang ang nakakaalam ng tungkol sa nangyari sa amin ni Mama. Ikwinento ko kay Tita ang mga nangyari sa amin ni Mama noon, halos hindi nya mapaniwalaan ang lahat ng iyon. Nakita ko na nangingilid ang luha nya, marahil ay dahil nalulungkot sya dahil sa pagkawala ng kanyang kaibigan. Ngayon ko lang din nalaman na si Tita Amelia pala ang match maker nila papa at mama, hindi naman kasi ito nakukwento sa akin noon ng mga magulang ko. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin habang naiisip ko kung ano yung sinasabi niya kanina habang kumakain kami. " Ano nga po pala ang nangyari kay Ace noong hindi nya ako mahanap Tita", kuryosong tanong ko sa kanya. Napangiti siya sa tanong ko bago nagsalita. "Alam mo naman kung gaano kaloko yang si Ace di ba?, highschool pa lang kayo sakit na sa ulo yan, at ikaw lang talaga ang nakakapag patino sa kanya." Napabuntong hininga si Tita bago nagsalita ulit. " Noon ay hindi ko alam na may nililigawan pala si Ace sa school, ang alam ko lang ay pasaway talaga sya, hanggang sa ibinuking sa akin ni Manang Carlota na pumitas daw ng santan si Ace sa garden bago ito inihatid ng driver papasok sa school. Noong una ay ipinagkibit balikat ko lang iyon dahil naisip ko na baka meron na naman syang kalokohan na ginawa", mahabang sabi ni Tita. " Marami po syang nililigawan noon Tita", natatawang wika ko. " Not until I saw you Hija, natatandaan mo ba noong may practice kayo ng social dance sa mansion, nakita ko kung paano tingnan ng masama ni Ace ang partner mo noon. At natawa ako ng malaman ko na bading pala si Alfred, I didn't know that until nalaman ko na lamang na sinabi nya iyon kay Ace dahil sinuntok pala sya ng barumbadong anak ko, kawawang bata!". Natawa ako sa sinabi ni Tita, natatandaan ko kasi na hindi alam ng iba na bakla si Alfred, tanging kami lamang ng kaibigan kong si Andrea ang nakakaalam ng sikreto nyang iyon, at sa laki ng katawan nya ay walang mag-iisip sa totoong katauhan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD