Ayla Grace POV:
Patuloy pa din ang kwento ni Tita Amelia tungkol sa mga nangyari kay Victor noong mga panahon na hindi nya ako
mahanap. "Alam mo ba hija, hindi namin nakakausap ng maayos si Ace noong hindi ka nya nakikita. Tuwing nasa mansion sya ay nasa kwarto lamang naglalagi ang batang yan, minsan ay na-curious ako at sinilip ko sya, umiinom pala sila ng mga barkada, he was seventeen years old then at nakita ko kung paano nya kausapin ang picture mo, natawa ako noong narinig ko ang sinabi nya".
Nakita ko si Tita na natatawa habang nagkukwento, " Ano po ang sabi nya Tita?", kuryosong tanong ko.
" Ang sabi nya...Bumalik ka lang Ayla ko pangako magpapakabait na ako, susundin ko lahat ng gusto mo kahit alipinin mo pa ako, parang narinig ko pa na sinabi nyang ibibigay nya daw sayo ang buong katawan nya, maging ang puso, atay at balun-balunan ay sayo na din".
Tawa ng tawa si Tita Amelia matapos nyang sabihin iyon, para bang sariwang sariwa pa sa alaala nya ang lahat ng nangyari, at dahil doon ay hindi ko na din napigilan pang matawa. Nasa ganoong ayos kami ng dumating sina Victor at ang daddy nya para daluhan kami sa garden.
"Sweetheart ano na naman ang pinagkakatuwaan nyo dyan at parang ang saya saya nyong dalawa?", tanong ni Tito Roman sa asawa.
" Wala sweetheart, girls talk, you know", malambing na wika niya habang umaakbay si Tito sa kanya.
Si Victor naman ay tumabi sa akin sa upuan, kinuha ang hawak kong tasa ng kape at uminom, samantala nakita kong biglang namilog ang mga mata ni Tita ng may mapansin sya,
"Oh my!, is that an engagement ring?", tanong nya na nagpabalik balik na tingin sa amin ni Victor.
Ngumiti lamang ako habang si Victor naman ay sumagot,. " yes mom, were engaged", nakangiting tugon nito habang nakatingin sa akin at umakbay.
"OMG!, I'm so excited mga anak, congratulations kelan ang kasal nyo?, teka, kelangan kong tawagan ang designer na kakilala ko para maihanda ang bridal gown ni Ayla, gusto ko ikaw ang pinaka magandang bride hija, Oh my God! ", tila mas excited pa si Tita kesa sa akin.
" ah, actually hindi pa po namin napag-uusapan ni Ace", wika ko habang nakangiti.
" Really?, so kung ikaw ang tatanungin hija, kelan mo gusto?", tanong ulit nya.
" Pwede naman po siguro kahit next year na lang, I need to go back to US pa kasi next month".
"No, next month", saad ni Victor.
Sabay kaming napatingin ni Tita sa kanya.
"Next month? that's not possible", natatawang sabi ko.
" I'll make it possible for us Mahal ko", wika nya.
"Naku anak!, ayokong madaliin ang kasal nyo ni Ayla, I want it to be perfect, I want her to be the most beautiful bride of the century", tila nangangarap na wika ni Tita habang may pagkumpas pa ito ng mga kamay.
" Mom, we can always do that at the latter time, but I have to make sure na ipapanganak ni Ayla ang anak namin na lehitimong Sandoval", nakangiting wika ni Victor.
Lalong namilog ang mga mata ni Tita Amelia dahil sa narinig, ako naman ay napakunot noo sa sinabi ng loko-lokong si Victor.
" oh my God!, am I going to be a grandma already with my bunsong anak?", excited nyang tanong.
Para naman akong lulubog sa kinauupuan ko dahil dun, kinurot ko ng pino sa tagiliran si Victor habang naka akbay sa akin ngunit imbes na masaktan ay nginisihan lang ako ng sira ulo.
" Mahal ko, magpakatotoo lang tayo, alam ko naman na hindi ako baog, baka nga ngayon pa lang may laman na yan", sabay turo nya sa may puson ko.
Hiyang-hiya na ko sa pinagsasabi ni Victor, hindi ko alam kung ano na lang ang sasabihin ng mga magulang nya sa akin, na ang bilis kong bumigay sa anak nila, hay Jusko! Syempre pa-demure ako,
Kahit naman medyo wild ako sa kama, dapat dalagang Pilipina pa din ako sa paningin nila, char!
" Don't worry Mahal ko, may basbas na ako mula kay Ninong, at sabi nya bigyan daw natin sya agad ng apo, kaya kailangan natin mag double time", sabay kindat nito sa akin na mapang akit. Shet ka Victor! pakindat-kindat ka pa baka upuan kong bigla yang itlog mo!, haay! ano ba tong iniisip ko, napakahalay, nahahawa na ko sa jowa ko.
" That's a good idea, tutal doon din naman kayo patutungo, nasa tamang edad na kayo habang kami ay hindi na bumabata, kaya bigyan nyo na kami ng apo na makakalaro namin", wika ni Tito.
" I agree, sana nga hija buntis ka na, I'm so excited to see my beautiful grandchildren, mas gusto ko mag alaga ng mga apo kesa dito sa daddy ninyo, mas makulit pa ito kesa sa bata", halos rumolyo na ang mata ni Tita dahil sa pag irap nya sa asawa habang sinasabi nya iyon, samantalang ang daddy naman ni Victor ay natatawa na lang na nilalambing ang asawa.
" Ikaw naman sweetheart, nagsasawa ka na pala sa akin mag-alaga samantalang kapag tayong dalawa lamang sa kwarto ay panay tawag mo sa akin".
Halos mailuwa naman ni Tita ang kanyang ininom na tsaa dahil sa sinabi ng asawa, pinalo pa nya ito ng mahina sa braso bago nakapag salita, " ikaw matanda ka na kung ano-ano pang pinagsasabi mo dyan, mahiya ka nga!",
"Ano namang nakakahiya sa sinabi ko, di ba pag nasa kwarto tayo panay ang tawag mo sa akin, umuungol ka pa nga kapag hinahawakan ko eh!".
" Roman tumigil ka na", pagbabanta ni Tita sa asawa.
" Sweetheart naman, mahihiya ka pa eh tayo tayo lang naman nandito, hindi na bata yang mga anak natin, alam na nila yan",...
binitin muna ni Tito ang sasabihin nya dahil mukhang naaaliw syang asarin ang asawa,
"Alam na nila na lagi kitang nilalagyan ng lotion sa likod tuwing gabi, at kapag minamasahe kita sa braso ay napapaungol ka hindi ko alam kung sa sarap ba o dahil masakit", natatawang sabi ni Tito. Hindi na mapigilan ni Victor ang matawa sa asaran ng mga magulang, sa madilaw na ilaw ng gazebo ay hindi maikubli ang pamumula ng mukha ng mommy nya.
Ngayon ay alam ko na kung kanino namana ng aking husband to be ang pagiging bolero at mapang-asar. Sana lang ay hanggang sa pagtanda namin ay katulad kami ng mga magulang nya na sweet pa din. Naalala ko na naman tuloy yung kalokohan ni Victor, sabi nya kahit kasing kulubot na ako ng lantang ampalaya ay lalaplapin pa din nya ako.
Haaay! ano ba?, nagiging mahilig na din ako katulad ni Victor, nakakahawa ba yung pagiging malibog? Bakit ba kasi ang sarap sarap ni Victor.
Napabalik ako sa ulirat ng biglang tumayo ang katabi ko, " mom, dad, I think we should go na, its almost 10 o'clock, baka pagod na tong mahal ko, gagawa pa kami ng magiging apo nyo".
Hinawakan nya ang kamay ko para igiya patayo, pero kinurot ko sya sa tagiliran saka tumayo.
" Wala talagang filter yang bibig mo".
Ngumisi na naman sya ng maloko at saka pinagsalikop ang aming mga kamay. Tumawa ang dalawang matanda sa sinabi ni Victor bago nagsalita ang mommy nya.
" Sya sige, mag-ingat kayo mga anak, sa susunod ay ipagpaalam mo si Ayla sa Ninong mo para dito na kayo matulog".
" Mom, sa susunod na pagpunta namin dito for sure asawa ko na ang amasonang to"
Nagkatawanan sila habang ako naman ay hinampas ng mahina ang dibdib ni Victor. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Victor sa kamay ko at niyakap muna si Tita Amelia para magpaalam. Bago kami makalayo papunta sa kotse ay may pahabol pa ang daddy nya, " Galingan mo anak, baka sakaling kambal ang mabuo nyo".
"I'll take note of that Dad".
Gusto ko din sanang sumagot sa sinabi ni Tito, "naku kung alam nyo lang po kung anong pinaggagawa ng anak nyo sa akin baka triplets pa ang mabuo
namin".