Victor Ace POV: Dalawang oras ko ng hinihintay na magkamalay ang aking mahal, ayon sa nurse na nag assist ay may babaeng kasama kanina na syang tumulong sa kanya. Nakapag drive pa umano ito at pagdating sa bungad ng hospital ay saka ito nawalan ng malay. Hindi ako mapalagay hangga't di ko nalalaman kung anong nangyari sa kanya. Napapansin ko nitong mga huling araw na lagi syang tulog, paiba-iba din ang mood nya. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ang Doctor na syang tumitingin sa kanya. " Doc kumusta ang misis ko", tanong ko. " She's fine Mr. Sandoval, normal lang ang kanyang naramdaman, pero I suggest na magbed rest muna sya for at least two weeks. Masyado lang syang napagod, and also bawal sya ma-stress". " Ano ba ang sakit nya Doc?", naguguluhang tanong ko. Ngumiti ang Doctora sa

